Strange Feeling

8.8K 167 0
                                    

Gandang gabi guys happy thanksgiving day at dahil wala masyadong calls kaya naman pipilitin kong mag update ng story na to hehe

Song is Your Guardian Angel by The Red Jumpsuit Apparatus

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 21

-=Miranda's POV=-

"Welcome back Miranda." walang kabuhay buhay na lumabas sa bibig ko, mabigat man sa loob ko ang iwan ang pamilya ko sa ampunan ay alam kong kailangan ko ng balikan ang dati kong buhay, kaya naman kahit mabigat sa loob ko ay bumalik ako sa Manila sa condo unit ko.

Sandali kong ginala ang paningin ko sa loob ng unit ko, walang pinagbago ng iwan ko ito, malinis pa din naman dito dahil may binayaran akong mag memaintain ng kalinisan non habang nakatira ako sa bahay nila Anthony.

Walang nagbago maliban sa isa, at iyon ay pagbabago sa akin ng dahil sa pagsunod ko sa nararamdaman ko kahit na nga ba alam kong malaking sugal ang sundin ang nararamdaman ko.

Kahit anong pilit kong huwag isipin si Ang ay hindi ko pa din magawa na para bang awtomatikong papasok ang maamo nitong mukha sa isip ko.

"Hanggang kailan ka magmamahal Miranda?" mapait kong tanong sa sarili ko, habang marahan na hinihimas ang impis kong tiyan, simula kasi nang magkita kami ni Anthony at sinabi nito sa akin ang posibilidad na baka mabuntis ako ay hindi ko maiwasang lihim na umasam, the thought of having a baby gives me a surreal feeling lalo na't pinapangako ko sa sarili ko na bubusugin ko ng pagmamahal kung magkakaroon man kami ng anak ni Ang.

"Sorry baby kung hindi magiging kumpleto ang pamilya mo." malungkot kong bulong habang patuloy pa din sa paghimas ng tiyan ko.

Sa ganoong kaisipan ng dalawin ako ng antok at dahil wala pa naman akong tiyak na gagawin ay pinagbigyan ko ang sarili kong talunin ng antok dahil maski man lang doon ay makahanap ako ng kapayapaan ng isipan ngunit mukhang maski sa panaginip ay hindi ako makakaligtas sa alaala ni Ang.

In my dreams napanaginipan ko na magkasama kami ni Ang nasa magkabila kami ng isang bata na wala pang mukha ang masaya naming hawak ang kamay nito.

Nagising na lang ako ng marinig ko ang tunog ng cellphone ko kaya naman dali dali ko iyong sinagot.

"Hello?" tanong ko sa medyo namamaos na boses.

"Thank God Miranda sumagot ka din, hindi mo ba alam ilang beses kitang sinubukan tawagan?" ang narinig ko sa kabilang linya, hindi ko maiwasang hindi mangiti sa narinig kong pag-aalala sa boses nito.

"How are you?" tanong ko dito ignoring his rant at nadinig ko naman ang ginawa nitong malalim na paghinga.

"Miranda please......." pakiusap nito at kapag ganoon na ang tono ng boses nito ay alam ko nang sobra na itong seryoso.

"I'm sorry kung pinag-alala kita Ram, kailangan ko lang siguro ng panahon para makapag-isip isip." sagot ko dito.

"Alam mo bang pumunta dito si Ang para hanapin ka." narinig kong sinabi nito and that answers my question kung paano nalaman ni Ang kung saan ako hahanapin, sinabi pala ni Ram ang lugar kung saan ako madalas nagpupunta lalo na kung down na down ako.

"Ahhh ganoon ba." ang tanging nasabi ko dito dahil sa totoo lang hindi ko alam kung paano magresponse sa sinabi nito.

"The guy loves you Miranda." narinig kong sinabi nito nang hindi na ako muling nagsalita.

"He's not in love with me Ram, nagiguilty lang siya dahil sa nalaman." ang mapait kong sinabi dito, dahil iyon naman ang totoo ng dahil nalaman nito na mali ang pagkakakilala nito sa akin kaya ito bumabawi sa akin.

"Believe me Miranda, kilala mo ako noon hindi ako naniniwala sa pag-ibig pero ngayon ay in love na in love ako kay Atilla, ni hindi man lang nga nagawa ni Ang na iwasan ang mga suntok ko sa kanya......" ngunit bago pa man nito matapos ang sasabihin ay agad ko na iyong pinutol.

"You did what?!" galit kong tanong dito no wonder may mga nakita akong sugat at pasa nang magkita kami ng binata dahil ito pala ang may kagagawan non, alam kong hindi tama pero hindi ko maiwasang hindi magalit dito sa ginawa nito sa binata.

"Well what do you expect sinabi niyang sineduce ka niya para mahiwalay kay Anthony....." bigla akong natigilan sa sinabi nito, kasi naman hindi ko akalain na magagawang sabihin ni Ang ang bagay na iyon.

"And he did that and accepted all my punches para lang malaman niya kung saan ka makikita, kaya maniwala ka Miranda mahal ka ng taong iyon." malumanay nitong sinabi.

"It doesn't mean anything Ram, like what I said nagiguilty lang siya sa nangyari." patuloy kong pinapaniwala ang sarili kosa bagay na iyon dahil ayokong umasa.

"Yan ka na naman pero sige bahala ka, hihintayin ko na lang na marealized mong totoo ang sinasabi ko sayo." ang sinabi nito.

Hindi na lang ako umimik sa sinabi nito.

"By the way napatawag din ako dahil gusto kitang iinvite sa isang party na dadaluhan ko, and please don't say no, I can't go alone!" he exclaimed na hindi ko maiwasang tawanan.

"Bakit hindi mo isama si Atilla?" tanong ko dito.

"She's not really feeling well at gusto ko na sanang huwag umattend ngunit siya na mismo ang nagpipilit sa akin dahil masyado daw importante ang naginvite kaya naman please....." pakiusap nito kaya naman wala na akong nagawa kung hindi ang sumang-ayon kahit na nga ba mas gusto ko na lang mag stay sa bahay.

Matapos ang pag-uusap naming iyon ay agad akong tumingin sa closet ko at pumili ng damit na maari kong suotin ngunit wala ni isa man na naroon ang naiisip kong babagay sa naturang okasyon kaya naman imbes na magmukmok at hintayin dumating ang oras ng pagsundo sa akin ni Ram ay minabuti kong pumunta sa malapit na mall sa tinutuluyan ko.

Nang nasa labas na ako ng building ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam na para bang may nagmamasid sa akin kaya naman dali dali kong ginala ang tingin ko sa paligid ngunit wala naman akong nakitang kakaiba kaya naman pinagkibit balikat ko na lang iyon.

Agad akong sumakay sa humintong taxi at nagpahatid sa pinakamalapit na mall, at matapos lang ang halos bente minutos ay nasa loob na akong mall, hindi naman basta basta ang naturang mall kaya naman agad akong nakapili ng susuotin ko, bumili na din ako ng bagay na sapatos.

Nang mapagod sa kakalakad ay naisipan kong kumain na din, isang Italian Restaurant ang napili ko at ilang sandali lang ay ineenjoy ko na ang pasta na inorder ko pero hindi pa din mawala ang pakiramdam na may nagmamatyag sa akin ngunit kahit anong gawin kong tingin ay wala talaga akong makitang kakaiba.

Bandang alas tres nang magdecide akong umuwi para makapagpahinga muna bago ang naturang event which is eight ng gabi pa naman.

Sandali lang akong nagpalit ng damit at agad nang humiga sa naghihintay kong kama para magpahinga, at gaya ng dati ang maamong mukha pa din ni Ang ang huling pumasok sa isip ko bago ako tuluyang talunin ng antok.


His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon