He's Awake

10.9K 184 7
                                    

Magandang gabi guys last day nang rest day and then back to work tomorrow sana makapag update na ako ng madalas hehehe sana.

Song is is The Truth by Kris Allen

==============================================================================================================================================================================

CHAPTER 15

-=Ang's POV=-

Tahimik lang ako habang hinihintay na matapos si Ram sa pagsulat ng naturang address pati na din kung paano ang pagpunta doon dahil ayon dito ay medyo tago ang lugar na iyon sa Batangas.

Hindi ko maiwasang hindi mangiti sa nakikita kong kasihayan sa mukha ni Atilla habang pinagmamasdan ang asawa habang banayad na hinihimas nito ang tiya, kahit buntis ito ay hindi iyon nakabawas sa kagandahan ni Atila bagkus ay mas lalo pa itong naging maganda.

"Pregnacy really suits you." hindi ko maiwasang hindi sabihin dito.

"Maraming salamat, hindi mo lang alam kung gaano kahirap ang magbuntis pero masaya ako dahil anak namin ni Ram ang nasa sinapupunan ko." ang nakangiti nitong sinabi, kitang kita ko ang pagmamahal nito sa tuwing mapapatingin ito sa asawa, bigla kasing parang kumikislap ang mga mata nito.

"You two deserve each other Atilla, I can see how much you love each other." puno ng sinseridad kong sinabi dito, ni wala nang kahit na kaunting sakit sa dibdib ko, sa totoo lang hindi na ako sigurado kung talaga bang minahal ko si Atilla o baka naman dahil naawa lang ako dito noong mga panahon na down na down ito.

"Thank you Ang, at sana ay maayos ninyo din ang kung anumang meron kayo ni Miranda, kahit hindi kami masyadong close ni Miranda ay madami akong magagandang bagay na naririnig mula kay Ram, at kitang kita ko kung gaano mo siya kamahal." ang sagot naman nito.

Matapos ang ilang minuto na pagchecheck nito sa cellphone nito para sa naturang address ay lumapit na ito sa akin at inabot ang isang bond paper kung saan nakalagay ang address ng naturang ampunan at pati na din ang direksyon kung paano pumunta doon.

"Thank you Ram, I owe you one." excited kong sinabi kay Ram ngunit bago pa man ako makalayo dito ay agad na nito akong tinawag.

"Since may utang ka sa akin ang tanging kabayaran na hihingin ko sayo ay ang paligayahin si Miranda, katulad ng sinabi ko mukha lang malakas si Miranda pero kinakailangan din niya ng taong masasandalan niya, at alam kong ikaw ang taong iyon Ang, please make my bestfriend happy." ang seryoso nitong sinabi sa akin.

Matapos ang pag-uusap na iyon ay dali dali akong nagpaalam sa mag-asawa at agad nang dumiretso sa kotse ko, ngunit bago ko pa man iyon mapaandar ay naramdaman ko na lang ang pagvibrate ng phone ko sa suot kong pantalon at sa pag-aakalang si Miranda ang tumatawag ay agad ko iyong kinuha ngunit laking dismaya ko ng makita ko ang number sa bahay.

"Hello?" walang kabuhay buhay kong tanong dahil kailangan kailangan kong mapuntahan at makita si Miranda.

"Ang! You need to go home!" narinig kong utos ni Mommy sa akin.

"I'm sorry Mom, may importante pa akong kailangan gawin." ang sinabi ko dito.

"This is an emergency Ang, it's about Anthony." nagmamadali nitong sinabi sa akin at para namang biglang kumabog ang dibdib ko ng marinig ko ang pangalan ng kapatid ko.

Hati ang damdamin ko nang magdecide akong magdrive pabalik sa bahay dahil natatakot akong baka huli na ang lahat lalo na't narinig ko ang kaba sa boses ni Mommy ng kausap ko ito.

"I'm sorry Miranda please wait for me." naiiling kong bulong sa hangin habang patuloy sa pagdadrive pabalik sa bahay namin.

Binilisan ko ang pagpapatakbo ko ng kotse ko dahil labis na pag-aalala ang nararamdaman ko para sa nakakabata kong kapatid kahit na nga ba malaking bahagi ng puso ko ang nagsasabi sa aking puntahan ang address na binigay sa akin ni Ram para makausap si Miranda.

Mahigit thirty minutes lang ay nakarating na din ako sa bahay namin, kung paano ko na lang ipark ang kotse ko dahil sa pagmamadali kong malaman kung anong nangyari kay Anthony.

Naabutan ko pa si Mom na kakalabas lang ng kuwarto at base sa itsura nito ay halatang galing lang ito sa kakaiyak kaya naman mas lalo akong binalot ng kaba nang lapitan ko ito.

"Ang......" hindi na nito natapos ang kung anumang sasabihin nito dahil muling dumaloy ang luha sa magkabila nitong mga mata.

Mahigpit ko itong niyakap na para bang mabubura noon ang kung anumang sama ng loob na meron nito kahit hindi ito magsalita ay alam kong nasasaktan ito sa pagkawala ni Anthony at maski ako ay natatakot akong pumasok sa kuwarto nito at tignan ang walang buhay nitong katawan.

"He's waiting Ang...." after crying for almost ten minutes she finally the found the strength to speak kahit na nga ba nanginginig pa din ang boses nito.

Pakiramdam ko buong katawan ko ay nanginginig ng mga oras na iyon dahil sa takot na nasa dibdib ko sa kung anuman ang makikita ko sa loob, nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga mata ko dahil kahit hindi pa ako nakakapasok sa loob ay parang nararamdaman ko na kung ano ang naghihintay sa akin sa kuwarto ni Anthony.

Dahan dahan kong pinihid ang seradura ng pinto at buong lakas loob kong tinulak ang pinto ng kuwarto.

Naabutan kong nakaupo sa tabi ng kama ni Anthony ang Daddy nito na si Tito Andres samantalang nasa gilid naman at nanonood ang nurse nito na for some reason ay namumula ang mga mata, it reminds me na kausapin din ito dahil sa nakita kong pagyakap nito kay Miranda, but for now ang mahalaga ay ang pinakamamahal kong kapatid na si Anthony.

Dahan dahan ang paglapit ko sa kama nito at nang tuluyan nang tumambad sa akin ang mukha ni Anthony ay hindi ko mapigilang hindi maluha, para lang itong natutulog, marahan kong hinawakan ang balikat ni Tito Andres para ipakita ko ang suporta ko dito.

"He's in the better place Tito." nabibikig ang boses ko ng sinabi ko ang bagay na iyon, I'm not sure kung si Tito Andres ba ang pinapalakas ko ng loob o ang sarili ko dahil ramdam kong any moment ay bigla na lang dadaloy ang mga luha sa mga mata ko.

"What do you mean Ang?" narinig kong tanong ni Tito Andres sa akin at base sa boses nito ay naguguluhan ito sa sinabi ko.

Sasagot na sana ako dito nang laking gulat ko nang biglang dumilat si Anthony at ngumiti sa akin, pakiramdam ko lahat ng lakas ko ay nawala nang makita ko ang ngiting iyon ng kapatid ko, buong akala ko ay hindi ko na kailan man makikita ang ngiting iyon ng pinakamamahal kong kapatid.

Bigla akong napalapit dito at maingat itong hinawakan sa mukha niya na para bang isang panaginip lang ang lahat ng ito at magigising din ako ngunit nang tuluyan ko itong mahawakan ay doon ko napagtanto na totoo nga ito at hindi lang panaginip, buhay si Anthony.

"What's up Ang?" ang nakangiti nitong sinabi sa akin sa narinig ay tuluyan nang dumaloy ang luha sa magkabila kong mga mata, sobrang saya kong malaman na finally matapos ang lahat nang nangyari dito ay buhay ito at kasama ngayon.

"Hey Ang, don't cry I'm still alive." ang natatawa nitong sinabi sa akin na pilit kumakala sa yakap ko, ganito kasi talaga ito hindi marunog magpakita ng emosyon ibang iba sa akin, pero kahit ganon ay alam kong mahal na mahal din ako nito ngunit bigla akong natigilan nang muli itong magsalita.

"By the way where's Miranda?" bigla nitong tanong, nilibot nito ang paningin sa buong kuwarto nito ngunit hindi nito nakita si Miranda.

Bigla kaming nagkatinginan ni Tito Andres sa tanong nito dahil hindi namin alam kung saan dapat magsimula, habang nakakunot naman ang noo ni Anthony na pinaglipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

Paano ko ba kasi ipapaliwanag dito na may nangyari kami sa asawa nito dahil sa pag-aakala kong masamang babae si Miranda, paano ko ipapaliwanag that I slept with my brother's wife.

His Brother's Wife (RATED SPG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon