SIMULA

633 12 2
                                    

Naalimpungatan ako ng may kumatok sa bintana ng sasakyang sinasandalan ko. Nilingon ko ang paligid ko at agad na napabuntong hininga ng mapagtanto ko kung nasaan ako.

Napasimangot ako ng tumama ang braso kong may pasa sa isang upuan sa van. I remember how Mom went ballistic at that day.

"Dahil sa katigasan ng ulo mo ay naging ganito ang kinahinatnan mo! God! Nag-iisip ka ba sa mga pinaggagawa mo sa buhay mo!" sigaw niya while her eyes are brimming with tears.

All I could do is to look down and silently apologized. Kahit na sa puntong iyon ng buhay ko, to be honest, I felt alive.

Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at sumalubong sa akin ang isang napakainit na sikat ng araw. Nawala ang mga iniisip ko dahil sa pagbabago ng klimang naramdaman. Buti nalang at nasuot ko na ang shades ko bago pa ako makababa kung hindi mas lalo lang akong magiging iritable.

Iritable na nga ako dahil sa nangyayari ngayon eh. This is unnecessary.

"Apo!" napalingon ako sa magmamadaling Lola ko na papalapit sa akin.

Napangiti naman ako sa kanya at agad na kumaway. Pinagtulungan ng mga katulong ni Lola ang dala kong apat na malalaking maleta. Ang ilan sa kanila ay bigat na bigat dahil halos inubos ko na ang buong laman ng kwarto ko para dito.

She wanted me here then at least I will make it feel like home here.

All of my clothes are there. Kung ipapatapon lang naman nila ako sa probinsa, might as well be fashionable. I will treat this as a vacation where I can relax instead of dreading that I will be finishing my senior year here.

"Bakit doon? May college ba doon? How am I supposed to finish my course? Hindi na naman po ako sasama sa mga kaibigan ko, Mommy. Let me finish my senior year here in Manila." pagmamakaawa ko.

"Our decision is final. Nakahanda na ang mga kailangan mo para makapunta sa Marinduque. I already pulled you out of your school. Kailangan mong matuto kung paano mamuhay ng simple at hindi laging nasusunod ang luho. Your Lola is very happy to teach you that. I gave you a warning but you gave failed me." bakas sa boses niya ang disappointment.

I smiled as my Lola approached me with a big smile plastered in her face. Wearing her usual doña outfit I've seen her wore before.

"How are you, Lola?" masayang bati ko dito habang yakap yakap ko.

"I am fine, hija. Naku, let's go inside masyadong mainit na dito sa labas." sabi niya habang iginigiya ako paloob ng bahay nila kahit naman may nakasunod na nagpapayong sa aming dalawa.

Hindi ko alam kung bakit dito ako pinatapon nila Mommy. Hindi ba niya alam na sobra kaming iniisipoil ng Mama niya kapag nagbabakasyon kami dito nila Kuya Gio. It doesn't really make sense.

"Paki-ayos ang mga bagahe ng apo ko sa tutuluyan niya." utos niya sa mga kumukuha ng gamit ko.

Sikat ang pamilya ni Mommy dito sa Marinduque dahil na rin dating mayor si Lolo dito. Mag-isa nalang nakatira si Lola dito dahil na rin sa pagpanaw ni Lolo two years ago.

Mommy is strongly convincing Lola to come with us in Manila but she insists that she would like to enjoy the province. Probably, she doesn't want to leave behind the memories she and Lolo have here in Marinduque.

"Naka-pagtanghalian ka na ba, hija? Gusto mong magpahanda ako sa mga kasambahay? Anong oras ka bang umalis sa inyo?" sunod sunod na tanong niya ng makaupo kami sa sofa sa may guest living room.

"I'm fine, Lola. Nagpadaan po ako sa pinadala niyong driver sa isang restaurant na nadaanan namin on the way." sagot ko at tumango naman ito.

"Naikwento ng Mama mo kung bakit ka nandito. That is way beyond the line, miss." tanong niya at sumandal naman ako sa sofa bago bumuntong hininga.

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon