23

145 9 2
                                    

Inangat ko ang tingin ko mula sa pagkakayuko at tiningnan siya. Naramdaman ko naman ang unti-unting pag-ginhawa ng pakiramdam ko. Nakakunot ang mga noo niya dahil gusto niyang malaman kung anong nangyari sa akin. Mukhang kararating lang niya galing sa bahay ni Doc Gonzales at siguro natanto niya na wala ako sa site. Hindi pala sa road na 'to dumaan kaya hindi ko nakita ang pagdaan ng van namin.

"Anong nangyari?" tanong muli sa akin ni Isaac at unti-unting nag-level ang mga mata namin.

Nakasquat siya sa harapan ko and he cupped my face and starts wiping the tears in my cheeks. His eyes are searching for answers dahil hindi ko parin sinasagot ang mga tanong niya. I am just happy that he is here.

"Wala, nagkasagutan lang kami ni Pamela ng kaunti." saad ko at iniwas ang mukha ko sa kanya. 

"Anong sinabi niya?" seryosong tanong niya sa akin.

"I put her in place naman, Isaac. I just... I just feel overwhelm kaya umalis ako doon." sabi ko habang pinupunasan ang mga luha na tumulo muli pababa sa pisngi ko.

Narinig ko ang buntong hininga niya at marahang hinawakan ang mga braso ko. Inalalayan niya ako patayo at hinila palapit sa kanya. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya at hinigpitan ko naman ang pagkakayakap sa kanya.

"Kung ano man ang sinabi ni Pamela ay hindi yun totoo." mahinahong sabi niya at tumango naman ako ng dahan-dahan. 

Humiwalay siya ng kaunti at tiningnan muli ako ng diretso sa mga mata ko. His eyes are still searching for something in me.

"I'm quite proud of you for not lashing out on her." he smirked at umirap naman ako sa kanya.

"Dahil sayo 'to eh. If hindi mo ko pinipigilan lagi, matagal ko ng napisikal yang obsess mong admirer." sisi ko at natawa naman siya ng bahagya.

"Tara na at magsisimula na ang clinic drive." aya niya nalang sa akin bilang pag-iiba ng topic namin.

Magkahawak kamay kaming pumunta sa site at hindi ko naman pinansin ang nagmamasid na mata ni Pamela. Mas mabuti ng hindi ko siya imikin at baka mas lalo pa kaming magkagulo dalawa. From now on, I will stay professional as much as I can and leave all the things that happen behind, for now.

Nagsimula na nga ang clinic drive namin at naging busy na naman kaming lahat kaya hindi na rin masyadong nakakapag-usap. Isaac stayed with me the whole time probably to separate me and Pamela which I am thankful for. Hindi ko naman siya papatulan but I guess Isaac is just making sure that none of what happened earlier will happen once again.

"Ito po ang vital signs niyo, Nay. Lapit po kayo kay Doc Gonzales tapos balik po kayo sa amin kapag natapos na ang check-up niya para mabigyan po namin kayo ng gamot tapos punta po kayo don para mabigyan po kayo ng pagkain." saad ko habang binibigay sa isang matanda ang papel na pinagsulatan ko ng vitals niya. 

"Ikaw na ba ang apo ni Senyora, iha?" tanong nito sa akin at ngumiti naman ako bago tumango.

Maraming nakakakilala kay Lola dito sa parteng ito ng Marinduque, probabby because of Lolo who served as a public official of the place. Marami rin naman silang natulungan dito at greatful ang mga tao sa paninilbihan nila Lolo but katulad ng ilang mga politiko ay marami rin ang may ayaw sa kanila.

"Ay kay gandang bata naman." komento niya sabay lingon sa ilang kasama niya at sinabi na ako nga ang apo ni Lola. "Huwag ka munang aalis mamaya, iha. May ibibigay ako sayo." sabi niya sa akin pagkalingon niya.

"Nandito naman po kami ng buong isang linggo." pagbibigay-alam ko at hinawakan niya saglit ang kamay ko bago tumulak sa iniutos ko sa kanya.

Nakaramdam naman ako ng marahang pagbangga sa balikat ko kaya nilingon ko si Isaac na may nakakalokong ngiti sa labi.

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon