03

226 8 1
                                    

Agad kong tiningnan kung sino ang nabangga ko dahil natapunan ko rin siya ng iniinom kong milktea. I immediately grab a tissue paper inside my bag and gave it to him.

"Sorry, hindi ko sinasadya. I was busy looking at the discounted items kaya hindi kita nakita." paumanhin ko.

Kumukuha naman siya ng tissue na binibigay ko at ipinupunas niya sa katawan niya. Nakaputi pa naman siya kaya nagi-guilty ako habang pinupunusan niya ng tissue na inooffer ko ang damit niya.

"I am really sorry." mahinang paumanhin ko.

"It's fine. Next time, look where you are going." sagot nito at tumango naman ako.

He smiled a bit at me and call someone from behind. Medyo may kaputian siya at may pagkachinito. Halata mo na he came from a very wealthy family. Syempre nasasagap ng radar ko na ganon nga siya.

Napatingin ako sa tinawag niya at napakunot ng noo ng magtama ang mga mata namin ni Isaac. I wanted to ask him a question through my eyes pero hindi naman kami ganon kaclose para magets niya.

Umiling siya at mas lalo ko siyang kinunutan ng noo.

"What?" I mouthed but he didn't respond and just follow the guy that I spilled some milktea.

Sinundan ko nalang sila ng tingin at napansin medyo magkasundo silang dalawa. Isaac is probably friends with the guy. May itsura din naman yung lalaki kanina but I admit he has nothing like Isaac's face card.

"Hmm, anyways." saad ko sa sarili ko at nagpatuloy ng humanap ng muji pen dito kung meron man.

I spent my last two vacation days taking care of Lola's garden. Medyo nakakatuwa pala siya dahil kahit papano ay naeengganyo ang ilang mga napapadaan sa akin. Magaling daw akong magbenta.

I also learn a lot from Lola and I can say na medyo expert na ako sa paghahalaman. Not like Lola pero kapag may nagtanong sa akin ay masasagot ko naman.

Aside from pagbebenta, I also swim a lot tuwing umaga since hapon ang shift ko sa garden ni Lola. Medyo nagtan na nga ang kulay ko dahil na rin sa sikat ng araw dito pero pantay parin naman sila. I also liked the color change.

"Mamaya mag-aabang sayo si Manong Karding sa labas ng school. As much as I want you to be on your own, Isla. Hindi ko gagawin yun. Siguro kapag lumipas na ang isang buwan." saad ni Lola at tumango naman ako.

"It's fine. It's not like I have friends pa naman na I can hang with."

I can feel her eyes on me pero pinagpatuloy ko nalang ang pag-aalmusal dahil ayaw ko namang mahuli para sa unang araw ng huling taon ko sa kolehiyo. Medyo mangangapa ako dahil iba ang curriculum sa Manila at dito sa Marinduque.

One, wala silang uniform and all of my clothes are not decent enough for school kaya naisip kong gawan ito ng paraan upang hindi naman ako masita. I am a rebel but I am not a rule breaker.

Kaya pagbaba ko ng van ay inayos ko ng maigi ang high waisted kong jeans at ibinaba ang puti kong crop top na blouse. This is the simplest thing I've ever worn in my entire life. Kung nasa Manila pa ako ay baka napag-chismisan na ako kaagad.

"Itext niyo nalang po ang Lola niyo, Ma'am. Hintay nalang po kayo sa may waiting shed doon." saad ni Mang Karding habang tinuturo ang isang waiting shed ilang lakad ang layo sa gate ng school.

"Thank you, Mang Karding." paalam ko at nakisabay na sa mga estudyante na pumapasok.

May ilang napapatingin sa gawi ko, probably wondering who am I pero taas noo lang akong pumila para maicheck na ng security guard ang bag ko. Inilibot ko ang paningin ko at dalawang tao sa likod ko ay nakapila si Isaac. Katabi nito si Pamela na may ikinekwento sa kanya pero dahil magkatinginan kami ay hindi niya pinapansin.

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon