30

161 9 1
                                    

Kumalma naman na ako ng masundo ako ni Kuya. I can feel his glance on me but he didn't say any word which I am thankful for. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang sinabi ni Anne sa akin kanina. Ang malaman na nakulong sila dahil sa aksidente namin ni Jace ay bago para sa akin. No one ever uttered a single thing about those things to me nang magising ako sa pagkaka-coma.

Naaalala kong pinagalitan lang ako ni Mommy and she gave me an ultimatum to finish my studies in Marinduque. Hindi rin nasabi sa akin ni Jace nung tumawag siya ang tungkol doon kaya hindi ko alam kung bakit sa akin nagagalit si Anne. I mean, I get that she is angry with me. Sino ba namang hindi? I was not who I was before.

"Kuya," tawag ko kay Kuya Gio ng hindi tumitingin sa kanya. "What happen pagkatapos kong maaksidente?" sabay lingon ko sa kanya.

His eyes is on the road but I can feel that he knows what happen. Kumunot ang noo kong pinagmamasdan siya.

"Siguro si Mommy nalang ang tanungin mo tungkol diyan, Isla. Kung ano man ang sabihin ni Mommy, it is for your sake. It is always for your sake." seryosong sambit niya sabay saglit na tingin sa akin. 

Pagdating namin sa bahay ay hindi na ako nagdalawang isip pang tanungin si Mommy. Buti at nakauwi na siya at mukhang inuutusan ang mga kasambahay na ihanda ang hapunan namin ngayong gabi. Daddy is also in the kitchen, already in his chair habang sina Ate Corrine naman ay nauna sa amin ni Kuya Gio.

"Isla," tawag sa akin ni Kuya Gio pero hindi ko siya pinansin.

"Gio, Isla. Nice of you to join us. Maupo na kayo at malapit na rin ang niluluto ko." may ngiti sa labing saad ni Mommy.

"Anong nangyari pagkatapos kong maaksidente? Habang naka-coma ako?" walang prenong tanong ko at nanahimik naman ang buong kusina.

"Iha," gulat na sambit ni Mommy sa akin.

Kinunot ko ang noo ko at lumakad ng kaunti upang makapasok ng tuluyan sa hapag kainan namin. I saw Mom shooting a knowing glance towards Daddy who is, surprisingly, calm while my thoughts are racing with different possibilities as time goes by.

"Ano may sasagot ba sa akin?" I snapped and Mom glared at me.

"I don't like you tone, iha. Maupo ka muna at pag-uusapan natin." suway sa akin ni Daddy at sinunod ko naman siya.

Ayoko ng inaasal nila ngayon na parang kapag sinabi nila ang sagot sa tanong ko ay masisira ako. I think I learnt a lot this past few months that nothing can break me anymore.

"So..." inip na panimula ko at bumuntong hininga si Mommy.

"Nang tumawag ang hospital sa amin ng Daddy mo ay agad kaming pumunta sa hospital. Jace's parents are there already and your Dad... Nagsampa ng kaso ang Daddy mo kay Jace dahil sa nangyari." kwento ni Mommy at kumunot ang noo ko.

"But I was willing to be with him, Daddy." reklamo ko at hinawakan naman ni Kuya Gio ang kamay ko upang pakalmahin ako.

"Nag-offer ang pamilya ni Jace na gagawin ang lahat para mabayaran ang kasalanan ni Jace sayo. Alam ng Dad mo na willing kang sumama kay Jace, we know that fact already, iha. But Jace influences you to be with him, kahit anong gawin mo may kasalanan parin siya sa nangyari." pagpapatuloy niya.

Napaisip naman ako saglit dahil hindi ko makita ang koneksyon ng kinekwento ni Mommy sa sinasabi ni Anne kanina.

"We accepted their offer with a condition na lalayo na si Jace sayo at gagawin lahat nila ang makakaya nila upang malinis ang pangalan mo." pagtatapos ni Daddy sa kwento ni Mommy.

"Then, bakit sumugod sa akin ang mga kaibigan ko noon kanina? They were harassing me and telling me na iniwan ko sila sa ere dahil hindi ko sinamang linisin ang pangalan nila." saad ko.

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon