06

195 7 3
                                    

Napalingon ako sa banda ni Pamela na agad nagreklamo kay Brian ng sabihin niya ito. Nakakunot pa rin ang noo ko habang pinagmamasdan siyang nagrereklamo dahil hindi ko alam ang gagawin. If someone was kind enough here to fill me in kung ano ang gagawin namin but I guess I am the new in town kaya wala talaga.

Nagsimula ng kumilos ang mga magkakapares at nakatayo lang ako sa kinaroroonan ko, umaasang makakasagap ng gagawin. But as usual, I failed at eavesdropping dahil hindi ko naman talaga ugali yun.

Napalingon ako sa gilid ko ng makaramdam ako ng presensya. Isaac has bulky body making it not hard for someone to not notice even a slight bit of his movement.

"Ano daw gagawin?" hindi na ako nag-alangan na mag-tanong sa kanya.

Our heights is clearly distinguishable. Hindi ko siya madalas nakakatabi sa pagkatayo pero ngayon ay mas lalong define ang tangkad niya sakin which makes me feel small. Which I don't like.

"Chicken fight." maikling sagot niya at tumango naman ako.

I've played the game before with my cousins and friends. I cannot say that I am good at playing it but I am really competitive. Atsaka mas challenging 'to ngayon dahil sa dagat namin lalaruin ang laro. I've only played it in a swimming pool. 

I felt him lean slightly towards me at hindi ko naman alam kung bakit ako kinabahan sa ginawa niyang iyon. Kung hindi ako nanggagalaiti sa galit kapag nasa paligid siya, kinakabahan naman ako. He probably noticed it but decided to just continue what he intents to do. 

"Ang kalaban natin sina Rose. Bali mauuna sila Brian dahil 'yun ang gusto niyang pagkakasunod-sunod." kwento niya at tumango naman ako.

Pinagmasdan ko naman ang laro na nagaganap sa harapan ko at ganoon din ang kapartner ko. Nilingon ko siya ng makita kong masama ang tingin sa akin ni Pamela. I bit my lips to stop myself from prying but I guess, may sarili itong utak para magsalita.

"Your girlfriend is giving me heated glare."

"Huh?"

"Ang sabi ko masama ang tingin ng girlfriend mo sa akin." sabay lingon ko sa kanya.

With his furrowed brows, I can't help but to admire his beauty again. Kung hindi lang talaga suplado ang mokong na 'to baka I pursue him already. Probably, ngayon palang boyfriend ko na ito kung nagkataon.

"Wala akong nobya." sagot niya at tumaas naman ang kilay ko.

"Well, then. May taong nagkakagusto sayo na masama ang tingin sa akin."

Nilingon niya ang tinitingnan ko and I scoffed when I saw how fast her emotions changed from scowling to smiling. Two-faced bitch.

Hindi ko alam kung naabutan ba ni Isaac ang pagsimangot na iyon ni Pamela pero wala na akong pakialam. At the end of the day, hindi naman niya ako pinagkakatiwalaan. Napansin niya naman siguro ang pagiging wala ko ng pake kaya nanahimik nalang siya sa tabi ko. 

Naging focus lang ako sa paglalaro kahit na hindi kami masyadong nag-iimikan ni Isaac. Nanalo naman kaming dalawa dahil feeling ko katulad ko masyado rin siyang competitive na tao.

We clicked at that part dahil parehas kaming ayaw magpatalo. Both people has their pride on their sleeves and one wrong move ay paniguradong magkakaroon ng WW3 dito. 

"Andaya niyong dalawa, mali atang pinagpartner ko kayo." reklamo ni Brian ng ang pares na nila ang kakalabanin namin.

Ito na ang huling round sa larong ito kaya halos excited na ang lahat kung sino ba ang mananalo. Ang ibang mga bisita ni Brian ay nakanood na rin sa ginagawa namin sa may pangpang ng makitang nagkakatuwaan kami.

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon