15

161 7 1
                                    

"Sapat na siguro yun para hindi ka na magselos, hmm?"

Napasigaw ako at napatakip ng unan sa mukha dahil paulit-ulit na nagrereplay ang sinabi kanina ni Isaac sa akin. Halos mapunit na rin ang labi ko sa sobrang laki ng ngiti ko na akala mo ay nanalo ako ng milyones sa lotto. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko dahil maliban sa mga nangyari sa akin kanina lang.

"H-hindi naman ako nagseselos..." mahinang saad ko at napayuko dahil feeling ko sobrang pula na ng pisngi ko.

"Hmm, really?" 

"Alam mo ikaw..." susumbatan ko sana siya kaso nakita ko kung paano namumungay ang mga mata niya na nakakapagpalambot sa akin.

Napababa ang tingin ko sa mga labi niyang pulang pula dahil kumapit ang iilang lipstick ko sa kanya. Lumakas naman ang tibok ng puso ko dahil kusang nagreplay sa utak ko ang ginawa niya ng panghahalik sa akin. Hindi ko alam kung umiral lang ang intrusive thoughts niya kanina o gusto niya lang talaga gawin iyon dahil may gusto na siya sa akin.

"Anong ako, hmm?" pang-aasar niya at umiling naman ako para sagutin ang tanong niya at matauhan din ako sa nararamdaman ko.

"Tara na, baka hinahanap na rin ako sa shop. Naalala kong may order si Lola ngayon." aya ko sa kanya at nauna na akong maglakad.

Hindi ko na siya hinintay pa dahil pilit ko pang pakakalmahin ang sarili ko sa sobrang saya. Naramdaman ko naman siyang sumabay sa akin at binunggo ng marahan ang braso ko.

"Marami ba?" 

"Huh?"

"Yung order kay Senyora. Marami ba kako?" ulit niya sa tanong ko at dahan-dahan akong tumango dahil pilit ko ring inaalala kung mayroon nga ba talagang order si Lola na marami.

"Kaya naman siya buong maghapon gawin..." pahina ng pahina ang boses ko kaya naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin. 

"Anong ginagawa mo?" mahina kong tanong at umayos naman siya sa pagkakatayo.

"Ang hina kasi ng boses mo para kang bumubulong." sagot niya sa akin at awkward ko naman siyang binigyan ng ngiti.

"Malapit lang naman tayo kaya hindi ko na dapat lakasan pa ang boses ko." saad ko at tumango naman siya.

"Bilisan na natin kung ganon. Marami ka palang dapat ayusin sa shop niyo." sabay hawak niya sa kamay ko upang hilahin ako at para na rin bumilis ang lakad namin.

Buti nalang kamo at ng pagdating namin sa shop ni Lola ay nandoon siya at saktong may order nga na marami sa shop. Mukhang namanifest ko pa ata ito para lang makaiwas sa mapang-asar na mga tingin niya sa akin. Naging mabilis naman ang naging pag-arrange namin ng flowers dahil na rin sa tulong ni Isaac.

Isang katok ang nagpabalikwas sa akin sa higaan dahil kanina pa rin ako nakatulala at pilit na inaalala ang mga kaganapan kahapon. Hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako o nakatulala lang ako buong magdamag.

"Bukas po." sigaw ko at sumilip naman si Rose sa pintuan.

"Akala ko po ba ay pupunta tayo sa bayan Miss Isla?" takang tanong nito kaya nanlaki ang mga mata ko at nagmamadaling kumuha ng tuwalya.

"Nakalimutan ko, sorry. Saglit lang maliligo lang ako. Sorry, Rose." hingi ko ng paumanhin at ngumiti lang naman ito sa akin.

"Sa main living room ko nalang po kayo hihintayin, Miss." saad nito at tumango naman ako.

Nang maisara niya naman ang pinto ay hindi na ako nagdalawang isip pa at pumasok na sa loob ng banyo upang maligo. Start na rin kasi ng semestral break namin ngayon kaya hindi na rin ako nakapagset ng alarm. Ang agenda ko today ay bilhan ng regalo si Isaac para sa nalalapit niyang birthday. 

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon