09

192 9 1
                                    

"Isaac!" sabay kaming napalingon sa tumawag sa kanya. Nakita naming magkakasama sina Pamela at si Brian na palapit sa kinaroroonan namin. 

Sinulyapan ko ng bahagya si Isaac pero wala naman akong nakuhang kung anong emosyon sa kanya kung hindi ang paghihintay lang na dumating ang mga kaibigan. Akala ko kasi ay mahihiya siya o magbabago muli ang pakikitungo niya sa akin ngayon na nakita kami ng mga kaibigan niya na magkasama.

"Nagsabay kayong dalawa?" inosenteng tanong ni Brian at dahan dahan naman akong tumango.

"Hmm, liliban kasi sa klase si Rose ngayong linggo at ibinilin siya sa akin ng Lola niya." sagot ni Isaac para sa akin.

Napalingon naman ako sa gawi ni Pamela ng marinig ko ang panunuya nito. Animoy hindi nagustuhan ang sinambit ng taong napupusuan niya. Well, manigas siya diyan dahil kasama ko ng isang linggo ang lalaking gusto niya.

"Hindi ka ba marunong mag-isa?" tanong nito sa akin at tinaasan ko naman siya ng kilay. "Wala ka namang kapansanan para samahan ka pa ni Isaac." 

"Wala rin naman akong makitang dahilan kung bakit nangingialam ka." sagot ko naman sa kanya at naramdaman ko ang marahang paghawak ni Isaac sa braso ko.

"Pumasok na tayo. Mahuhuli na tayo sa klase natin." bulong ni Isaac at hinila na ako papasok sa gate kung saan nag-aabang na rin ang guard upang icheck ang bag namin at ang ID namin.

Nilingon ko si Pamela na nasa likod ko at sinamaan ko siya ng tingin dahil naiinis ako sa sinabi niya kanina. Eh ano naman ngayon kung samahan ako sa pagpasok sa eskwelahan? Ang sabihin niya inggit lang siya dahil hindi niya na maididikit ang sarili niya kay Isaac.

"Madadapa ka sa ginagawa mo." nilingon ko si Isaac ng ikomento niya iyon.

Napansin ko naman ang ilang mga estudyante na halos mabali na ang leeg kakatingin sa gawi namin dahil kay Isaac. He really doesn't know his effect to people, no. It seems like he is used to being a center of attention that he fails to notice that people, especially girls, will bow down to where he is walking.

"Hindi mo ba talaga alam na maraming humahanga sayo?" tanong ko sa kanya habang tinatahak namin ang daan papunta sa unang klase namin para sa araw na ito.

"Wala akong panahon para pagtuunan ng pansin ang mga ganong bagay." sagot niya.

"If nasa Manila ka, feeling ko maooverwhelm ka sa dami ng lalapit sayo upang ipakilala nila ang sarili nila. You are a living Greek god, did you know that?" saad kong muli at hindi naman niya na ako pinansin.

Sinundan ko nalang siya hanggang sa tahimik na kaming nakinig sa mga klase namin. Nagpatuloy lang ang araw ko hanggang sa mamalayan ko nalang na oras na ng tanghalian. Lagi akong sumasama kina Rose at sa mga kaibigan niya kapag tanghalian. Okay lang din naman sa mga kaibigan ni Rose iyon at hindi naman sila umaangal.

Ngayon na wala si Rose ay hindi ko alam kung kanino ako sasama. Kahapon kasi ay kumain ako sa canteen kasama ng mga kagrupo ko sa isang subject namin kaya may naging kasama ako sa pagkain, ngayon hindi ko alam kung kakain ba ako mag-isa o hahanapin ko si Isaac at tanungin kung pwede ba akong sumama sa kanila.

How I wish the time would stop right now.

"Okay, class dismissed." paalam ng professor namin at isa isa ng nagsilabasan ang mga kaklase ko para sa subject na ito.

Nagmadali naman akong ayusin ang gamit ko para hindi maiwang mag-isa dito at napatigil ako ng makitang nakasandal si Isaac sa katapat na parang balcony ng classroom ko. Kasama si Brian na may kausap na kakilala mula sa klase ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tumigil ng ilang metro na lang ang layo namin sa isa't isa.

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon