32

166 7 1
                                    

Magkahawak kamay kaming nakaupo sa isang bench sa labas ng opisina ng manager ng hospital. Maaga kaming umalis ng bahay dahil maliban sa pagpunta ko dito ay ililibot ko siyang buong araw sa Manila. There are a lot of things I want to show him that he would surely like. Kanina pa din kami narito kaya ang ilang mga kakilala kong nurse ay binabati ako na binabati ko naman pabalik. May kausap pa daw kasi ang manager sabi ng sekretarya nito kaya naghihintay kami nagyon dito.

Inilibot ko ang tingin ko sa hallway ng makita ko ang isnag pamilyar na mukha. Papalapit ito sa akin kaya agad akong tumayo upang salubungin ako.

"Nurse Isla!" masayang bati ni Landon at sinalubong ko naman siya ng yakap.

"Jusko, Landon. Aatakihin ako sayong bata ka." reklamo ng nurse na nakatalaga sa kanya at ako na ang nanghingi ng tawad dito.

"Bakit hindi po kayo pumasok?" malungkot ng tanong nito kaya lumuhod ako upang magkalevel ang mata namin.

"Day off ko kasi ngayon. Kailangan din naman ni Nurse Isla magpahinga diba?" tumango naman ito kalaunan ng mapagtanto ang sinabi ko.

"Namiss ko po kayo." 

Natawa naman ako ng bahagya at pinat ko ang ulo niya. Dahil sa chemotherapy na ginagawa niya ay nakalbo na si Landon. Habang tumatagal kasi ay medyo pataas ng pataas ang dosage ng mga gamot niya at padalas din ng padalas ang chemotherapy niya. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa batang masigla pa rin kahit na sobra sobra ang pakikipaglaban niya sa buhay.

Napansin ko namang may tinitingnan siya sa likod ko kaya nilingon ko ito. I saw Isaac smiling at Landon at naramdaman ko ang paglapit sa akin ng bata. Medyo nahihiya ito sa paraan ng pag-lean niya sa akin.

"Landon, si Isaac nga pala. Boyfriend ko." pagpapakilala ko kay Landon kay Isaac.

Ginaya naman ni Isaac ang pagkakaluhod ko at inilahad ang kamay niya kay Landon. Hesitant man sa una pero nang tumango ako sa kanya ay tinanggap naman niya ito. 

"Hello, ikaw pala si Landon. Lagi kang nakekwento sa akin ni Nurse Isla mo." bati nito sabay bitaw ng kamay ng bata.

"Bakit ka po boyfriend ni Nurse Isla?" agarang tanong nito na may bahid ng pagsusungit.

"Landon." saway ng nurse na kasama niya at nilingon naman ito ng bata.

"Hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo, Landon. Pero masaya ako na girlfriend ko si Nurse Isla at ngayon nakilala kita ay nakampante ako kaagad na hindi liligawan ng iba si Nurse Isla." biro nito at hinampas ko naman ng bahagya ang braso niya.

Tuturuan pa ang bata ng kung anong kalokohan na naiisip niya pero napansin ko naman na dahil sa sinabi niya ay unti-unting umayos ang awra ng mukha ni Landon. Tumango ito ng dahan-dahan at nakipag-fist bump kay Isaac ng gawin ito ni Isaac muna.

"Oh sige na, Landon. Alam kong papunta kayo kay Lola Eula. Bukas ay papasok na ako muli." paalam ko sabay dahan-dahan na tayo.

Nagpaalam na sa akin ang nurse at pati si Isaac ay nagpaalam na rin kay Landon. Nakailang hakbang na sila palayo sa akin ng bumaling si Landon sa aming dalawa.

"Babantayan ko po si Nurse Isla, Kuya Isaac." huling sabi nito at naglakad na sila palayo ng Nurse na kasama niya papunta kay Lola Eula.

"Binigyan mo pa ng kalokohan yung bata." komento ko at natawa lang ito sabay upo sa bench na inuupuan namin kanina.

"Mahirap na maagawan." umiling naman ako sa sinabi niya at saktong tinawag na ako ng secretary ng manager ng hospital.

Napansin ko ang paglingon-lingon ni Isaac sa likod namin kaya napalingon din ako doon. Nakita ko ang bodyguard ko na nakasunod sa amin limang talampakan ang agawat sa amin. I look at him and I'm surprised that he is also looking at me.

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon