Six

21.8K 515 119
                                    

Noong nilipat ako nila Mama sa all-girl school nung mag-Grade Four ako, pinagkaguluhan ako ng mga ka-batch ko pati ng mga upper classmen simula first day.

Kaanu-ano ko raw si Mason Pelaez. Bakit daw kamukhang-kamukha ko siya? Kambal daw ba kami?

Nung sinabi kong kuya ko siya, hindi na nila ako tinantanan. Hindi ko alam na sobrang sikat pala ng kapatid ko dahil sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, dangkal-dangkal na love letter ang pinapadala sa’kin para ipabigay kay Mason. Siyempre, may binibigay din sila para sa’kin. Madalas, hindi na ako bumibili ng pagkain ko dahil sagot na nila bilang kapalit ng pagde-deliver ko ng mga love letters nila.

Nakaipon tuloy ako, hehehe.

Etong si Mason naman, ginagawang scrap paper yung mga sulat. Bukod kasi sa mga inuuwi ko, meron pa siyang natatanggap mula sa mga kaklase niya. Sayang daw sa papel kaya kapag may assignment siya sa Math, yun ang ginagamit niya sa pagko-compute.

Pero nung minsang nag-abot ako sa kanya ng sangkaterbang sulat, sininghalan niya ako. Ako na lang daw ang magbasa nung mga yun.

Hindi ko alam kung bakit napaka-sungit niya nung araw na ‘yon. Naisip ko pa nga, baka meron siya. Sabi kasi nila, ‘pag masungit daw, meron. Malay ko ba kung ano yung ‘meron’ na yun. Nung panahon na yun kasi, wala pa ako nun kaya hindi ko pa naiintindihan na babae lang ang nagkakaroon nun, ahahaha.

Dahil may basbas na ni Mason at kating-kati na rin akong malaman kung anong kakornihan ang mga nakasulat sa mga love letters  niya, nagbasa ako ng isa. Excited pa ako nun dahil makakabawi na ako ng pang-aasar sa kanya. Pero lumuwa yung mata ko nung nabasa ko yung laman nung mga sulat.

Sa’kin pala naka-address yung mga yon!

Hi Charlie :”> ang cute cute mo talaga.

Hello Charlie… kinikilig ako ‘pag nakikita kita~~ <3

Charlie! La lang. hihihi :)

Charlie!!! Bakit mas cute ka kay Mason? Sana lalaki ka na lang din! Hahaha

 

Kaya pala asar-talo si Mason kasi mas cute pala ako sa kanya, ahahaha. Pero...hindi ko alam kung ma-o-offend ako o matutuwa na malamang mas-cute ako sa isang lalaki. Ang pangit ko siguro dahil mukha akong lalaki. Ibig sabihin ba non, pangit din si Mason kasi kamukha ko siya? Kung pangit siya, bakit sikat siya? Naguluhan ako.

Nung una, tuwang-tuwa pa ako sa tuwing makakatanggap ako ng ganun. First time ko eh.

Pero, kalaunan, nagsawa rin ako. Pa’no puro isang page ng Blue Feather o kaya Green Apple notebook na tinupi-tupi ng maraming beses tapos ang nakalagay lang: Hi Charlie ^__^

 

Mas matagal pa yung pagbukas ko nung sulat kesa sa pagbasa ng nakasulat. Yung iba, lapis lang talaga ang ginamit. Hindi man lang ballpen para sana permanent ink.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now