Nine

19.3K 453 66
                                    

Dahil nga sa masaklap na pangyayari nung Grade Five ako, softball pa rin ang laro ko nung lumipat ulit ako sa dati kong school nung sumunod na taon. Hindi na rin ako pinagtry-outs dahil kilala pala ako ng softball captain dun.

Kahit naiilang dahil best batter pa rin ako at dahil na rin sa mga kuya ko, sumikat ako at mas dumami ang babaeng admirers ng inyong lingkod. Dahil don, kinaibigan ako ng mga lalaking classmates ko para mapalapit sa mga crush nila.  

Kasama na don si Chan-Chan na tuwang-tuwa pa dahil sinusundan kami ni Krystal tuwing recess at lunch. “Alam ko namang ikaw ‘yung sinusundan ni Krystal eh,” sabi niya habang minsang naglalakad kami pauwi.

Hindi ako naka-react dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Alam na kaya niyang ako ang crush ni Krystal? Napalunok ako ng kaunting laway. “P-paano mo naman nasabi?”

“Kasi, siyempre, ikaw pa lang ang kilala niya dito dahil nga ka-batch mo siya dun sa dati niyong school. Normal lang na sa’yo siya lagi sasama,” paliwanag pa niya.

Pfft. Sige na nga lang. Mas maganda na rin siguro na ganun ang alam niya.

Pero hinila niya yung braso ko at pareho kaming tumigil sa paglalakad. “Pero, hindi mo naman siguro siya crush ‘no?”

“HINDI AH!” halos pasigaw na sagot sa kanya. Grabe! Bakit pati siya ganun ang iniisip sa’kin? Kung alam lang niya!

Pinanliitan niya ako ng mata na parang nagdududa. “Sigurado ka? Sa ganda niyang yo’n di malayong pati ikaw magkagusto sa kanya.”

“HINDI NGA! ANO KA BA?!” Nasapak ko tuloy siya. Para lang matigil siya, dinagdagan ko pa ‘yung sinabi ko: “Babae din ako ‘no. Siyempre, ano… lalaki din ang gusto ko.”

Kaso, mas nagulat yata si Chan-Chan. “Wehh? Lalaki ang gusto mo? Hindi nga?”

Binatukan ko ulit siya. “Ano ba’ng akala mo sa’kin, ha?”

Ngumisi naman si ungas. “’Kala ko tomboy ka eh.”

“Kung ako, tomboy, ikaw, bading. BADIIIING! Chan-Chan, BADIIING!!!” At tumakbo na ako palayo dahil nananakal siya kapag napipikon.

Hindi pa do’n nagtapos ang usapan namin tungkol sa crush ko. Maya’t-maya talaga, inuungkat yo’n ni Chan-Chan.

“Kung lalaki ang gusto mo, sino’ng crush mo? Sige nga. Wala naman yata eh,” hamon niya.

Hindi ako nakasagot agad dahil ang totoo, wala pa talaga akong crush. Ano ba’ng feeling no’n? ‘Pag iniisip ko kasi yung mga kaklase naming babae, nagtitilian sila kapag dumadaan si Mason, o kaya si Kuya Chuck. Mas lalo ‘pag si Kuya Mark.

‘Cute’ daw kasi sila. Tsaka ‘cool’.

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin no’n. Hindi naman kasi ako napapatili kapag dumadaan ‘yung mga Kuya ko.

Sa totoo lang, hirap akong intindihin kung ano ang cute na lalaki sa hindi. Dahil nga kapit-tuko ako kila Mason ‘pag nasa bahay, mas naging madali sa’king maka-appreciate ng babae.

Si Chan-Chan? Marami-rami ring nagkaka-crush do’n kasi ‘cute’ din daw siya. Tingin ko, hindi naman. Para sa’kin magandang lalaki ‘yon kasi mukha nga siyang babae.

“Si ano… si Prince!” sabi ko para lang may maisagot sa tanong ni Chan-Chan. Dahil mahilig naman sa fairy tales ang mga babae, hiniram ko nalang si Prince Charming nila. Lagi nalang ba’ng ‘Prince Charming’ ang pangalan ng mga yon sa fairy tales? Wala ba silang maisip na iba?

“Prince? Sino ‘yon?” usisa naman niya. “Baka naman gawa-gawa mo lang ‘yon. Babae rin ang crush mo eh! Umamin ka na!” pang-aasar pa niya.

Sa isip ko, sinumpa kong magsisisi si Chan-Chan kapag nagka-crush ako. Ipapamukha ko sa kanyang babae talaga ako.

Birthday ni Mason noong taon na yo’n nang sa wakas, naramdaman ko rin kung ano ang feeling ng may crush.

Unang beses na pumunta sa bahay ‘yung mga kabarkada niya.

Kaya nakilala ko si Nile.

Hihihi.

HATBABE?! Season1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon