Twenty-two

15.2K 369 61
                                    

Nagpasyang tumakbo ni Mason sa Student Council at lumaban siya sa pagka-Vice President. Hindi ko nga alam kung bakit naisipang tumakbo nun eh kasi nga suplado tas ang tipid pang ngumiti. Diba ‘pag student council officer, dapat friendly?

Pero tingin ko naman mananalo pa rin ‘yon dahil napakaraming admirers, hahahaha. Pakiramdam ko, nabuyo lang ‘yon para tumakbo eh. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa’kin kung ano ‘yung nagtulak sa kanya para gawin 'yun e. Hindi naman kasi nagsasabi ‘yon sa’min. Pahirapan pa siyang kinakausap nila Kuya Marcus tsaka Kuya Chino. Masikreto ‘yon eh.

“Iboto niyo po ‘yung Kuya ko ah,” halos mapaos ulit ako kakasabi sa bawat high school student na makasalubong ko. Inaabutan ko rin sila ng flyers na may malaking mukha ng kapatid ko. “Mason Pelaez for Vice President po!”

At dahil nga gwapings si Mace, napapakyaw ‘yung mga pinapamigay ko, hahaha.

Feeling mo naman, mananalo ang kuya mo? He’s just handsome. That’s it,” nagparinig ‘yung mga babaeng taga-suporta nung kalaban.

Humarap ako sa kanila at may malapad na ngiti. “At least gwapo. Sino bang gustong magkaroon ng panget na Vice President tulad ng pambato niyo? Bleh,” sagot ko at tumalikod na ako. Nakalimutan ko pang ipamukha sa kanila na laging nasa top si Mace dahil isa pang genius ng pamilya ‘yon.

Malaki talaga ang kutob kong ayaw naman talaga ni Mason ‘yung pangangampanya at ‘yung pagru-room-to-room nila nun. Wala rin siyang interes na gumawa ng panibagong campaign materials kaya kami ni Chan-Chan ‘yung nagkusang gumawa.

Tinanong din namin si Louie kung gusto niyang sumama. Ayon, todo-tanggi. Palibhasa, ‘di pa rin maka-get over na nayakap niya si Mason dahil sa ipis na ‘yon, wahahaha. Hindi ko nga alam kung nanaginip ako dahil nakita kong nasa kutson na si Louie nun tas nakayakap ulit sa kapatid ko. Nung sinabi ko kay Louie ‘yon, sinigawan niya ako at sinabing binabangungot lang daw ako. Tss.

Edi ‘yon, kami nalang ni Chan ang nagboluntaryong gumawa ng flyers ni Mason tuwing weekends bago ‘yung botohan. Tuwang-tuwa naman si Chan-Chan dahil role model daw niya ‘yung kapatid ko. Nandun kami sa kwarto nun at dun kami nakasalampak ni bespren sa kutson na nakalatag sa lapag.

“Chan, dito ka nalang daw matulog sabi ng Mommy mo dahil baka madaling-araw na daw sila makauwi,” sabi ni Mama pagsilip niya sa kwarto namin.

“Okay po Tita, nag-text na rin po sila sa’kin. Thank you po,” balik naman ni bespren at itinuloy namin ‘yung paggugupit-gupit ng cartolina habang naglalaro ng PS3 sila Kuya Chuck at Kuya Mark.

Siguro napagod din si bespren sa kakagupit kaya tumigil muna siya. “Kuya Mason, pa’no ba manligaw?” narinig kong tanong ni Chan-Chan at humagalpak ako sa tawa kahit sobrang antok na ‘ko. Gabi na kasi ‘yon tapos sobrang pagod na rin ako sa tindi ng practice namin.

Nagkibit-balikat naman si Mason na noon ay nakaharap sa computer at may ginagawang reaction paper. “Tanungin mo diyan sa bespren mong magaling.”

“Ayoko na, Kuya. Ilang beses na akong napahamak dahil sa mga walang kwenta nilang suggestions ni Louie,” asik naman ni Chan.

Dati kasi sa’min ni Louie nagtatanong si Chan-Chan kung pa’no niya susuyuin si Krystal. Ano namang alam namin don? Kaya ‘yun, epic fail lahat. Mas lalo pa yatang nainis sa kanya ang Destiny niya, mehehehe.

“Ganito kasi ‘yan,” sagot naman ni Kuya Chuck na andun din. “Pakipot karamihan ng mga girls. Basta suyuin mo lang, bibigay din ‘yon.”

“Hindi kaya,” sabat naman ni Kuya Mark. “Ang trip ng mga girls ngayon, ‘yung maginoo pero medyo bastos, hahahaha.” Nakitawa rin si Kuya Chuck pero si Mason, nagsuot na ng headphones.

Na-curious naman si Chan. “Maginoo pero medyo bastos? Ano ‘yun, Kuya Mac?”

Kahit gusto ko pang makinig sa usapan nila, ‘di na kaya ng mata ko kaya inusog ko papunta kay Chan ‘yung mga kalat at humilata na.

Naalimpungatan yata ako dahil naririnig ko si Chan na umaangal nang malakas. “Ehhh!!! Bakit ganyan?! Ano yan?!”

Relax ka lang, wala pa nga eh,” tumatawang sabi ni Kuya Mac. “Tanggalin mo nga ‘yang kamay sa mukha mo. Kaya ka pinagkakamalang bading eh. ‘Di mo ba alam na ang tunay na lalaki, nanonood neto? Hahaha.”

Iminulat ko ‘yung mga mata ko at nakitang nakapatay na ‘yung mga ilaw. Tanging lamp nalang na ginagamit ni Mason sa pagbabasa at ‘yung ilaw galing sa computer ang source ng liwanag. Habang nakahiga na sa kama si Mason na naka-headphones pa rin, ‘yung tatlo, nagkukumpulan sa harap ng computer.

 

Tahimik akong gumapang papunta sa kanila at nakinood habang patuloy na umaangal si Chan-Chan.

“Para yun lang, nag-iinarte ka na? May mas malala pa kaya diyan, hintay ka la—HMPH!!!” Tinakpan ni Kuya Chuckie ‘yung bibig ko at pinatay naman ni Kuya Mac ‘yung monitor. “Pwe! O, bakit niyo pinatay?” angal ko.

“Bakit ka ba nandito? Matulog ka na nga lang!” asik ni Kuya Mark.

Umikot lang ‘yung mga mata ko. “Tingin niyo naman hindi ko alam na nanonood kayo ng ganyan? Lagi ko kaya kayong natitiyempuhan. Dinamay niyo pa si Chan-Chan. Susumbong ko kay—HMPH!!!”

“Sssh! ‘Wag ka ngang maingay!” pagbabawal sa’kin ni Kuya Chuckie. “’Pag ikaw nagsumbong…”

“Libre niyo muna ako ng pagkain buong buwan, hehehe,” balik ko sa kanila nang malapad ang ngiti.

“Tss. Ang takaw mo talaga. Dun ka na nga!” pagtutulak sa’kin ni Kuya Mark.

“Libreng pagkain o isusumbong ko kayo kila Papa? Ano ha?” pagbabanta ko. 

Maya-maya pa, tumayo si Mason at hinatak ‘yung plug galing sa outlet kaya namatay na nang tuluyan ‘yung computer. “Ang ingay niyo. Matulog na nga kayo. Kung anu-ano kasi ang nalalaman. Chan, ‘wag kang makinig sa mga ‘yan, napo-pollute lang ang utak mo. At ikaw,” baling niya sa’kin. “Hindi maganda sa babaeng nanonood ng ganon.”

“Tama, makinig ka kay Mason,” tumatangong pagsang-ayon naman nung dalawa ko pang kuya na nagsipuntahan naman sa kama.

“Kayo rin," sumbat din ni Mason dun sa dalawang mas matandang kapatid namin. 'Kala mo, siya talaga ang mas naunang anak. "‘Pag eto nalaman nila Kuya Marcus, patay kayong dalawa,” dagdag pa niya kaya tumahimik naman ‘yung dalawa.

Kung minsan talaga, parang matandang mag-isip si Mason.

Ang KJ.

HATBABE?! Season1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon