Thirty-Five

14.5K 329 57
                                    

Sabay kami ni Maja na nag-register dun sa bungad nung Hall. Natameme nga ‘yung mga committee members sa itsura ko eh. Pati si Ms. Leyn, di agad nakapagsalita kaya hinatak ko na si Maja papasok dun sa hall. Naka-jacket pa ako nun ah! Pa’no nalang kung nakita nila talaga ‘yung suot ko sa loob, sigurado sasakit tiyan nung mga yon sa kakatawa!

Buti nalang, nagsasayawan ‘yung mga tao kaya walang nakapansin sa’kin. Pinaupo ko muna si Maja bago ako lumabas ulit at pasimpleng pumunta sa locker ko kung saan nakatago ‘yung pamalit ko para sa porpormans namin mamaya. Hehehe. Ganun talaga. Mautak ako eh.

Pagkatapos kong magbihis, sinabayan kong pumasok ‘yung mga nagpa-register para hindi ako mapansin, hehehe.

“Boo! Bakit ka nakaganyan?” angal ng mga kaklase kong babae nung makita nilang parang naka-tuxedo na rin ako.

Kaya nagmakaawa ako sa kanilang huwag akong isumbong sa mga teachers namin. At dahil prens ko nga lahat, pumayag sila pero humingi naman ng kapalit. Isayaw ko daw sila. Tss.

Edi imbis na si Maja lang ‘yung sinayaw ko, halos lahat na tuloy ng ka-batch kong babae naisayaw ko. Pati mga ka-batch ni Mason tuloy nakikipagsayaw din sa’kin para naman daw ma-experience nilang maisayaw ang kuya ko kahit papa’no dahil kahawig ko naman daw siya. Ang malala pa, kinunchaba pa ako nung mga lalaki para maka-slow dance nila ‘yung mga kras nila. Ako muna ‘yung mag-aayang sumayaw dun sa babae, tas sa kalagitnaan, saka sila sisingit. Hindi ko na tuloy nahanap kung sa’n nakaupo yung mga besprens ko.

Pero naisip ko, maganda na siguro ‘yung lagi akong napapalibutan ng tao para hindi ako maispatan ng mga teachers, hehehe.

“Eehh, Charlie, dito ka muna, di pa naman tapos ‘yung kanta!” pagdadabog nung isang ateng hindi ko kilala. “Sayaw pa tayo!”

Napalingon ako sa kuyang naghihintay na pasingitin ko siya. “Ah eh, Ate… maraming nakapila eh, hehehe. Ganito na lang, si Kuya na muna ang magsasayaw sa’yo, tas pag wala nang nakapilang isasayaw ko, babalikan kita ah.” Nagmadali akong kumalas tapos agad namang hinawakan ni kuyang hindi ko rin kilala ‘yung mga kamay ni Ate.

“Salamat Charlie ah, ililibre kita sa Lunes!” pabulong na sabi nung kuya bago sila nagpa-sway-sway nung babae.

“Sabi mo ‘yan ah! Isang box ng choco crinkles ang kapalit niyan!” paalala ko sa kanya. Iniisip ko pa lang ‘yung mga nakapangakong ililibre ako sa Lunes, napapangiti na ako. Meron nang nakapangako sa recess, lunch tsaka afternoon break, hehehe. At may ipon na naman ako! Wuhooo!

Paupo na sana ako nung nakita ko si bespren Chan-Chan na naglalakad. Naalala ko tuloy na sinusungitan niya ako. Nakaka-sad pala kung mismong bespren mo ang umiiwas sa’yo. Ganito rin kaya ‘yung naramdaman ni Louie nung iniwasan ko siya?

Tapos nakita kong parang nagulat si Chan-Chan tas nagmadali siyang tumalikod at nagkunwari na di ako nakita. Ahuhu. Bahala na. Di ko kaya ng ganito.

Kumaripas ako nang takbo papunta sa kanya. Di bale nang nababangga-bangga ako sa mga nagsasayawang tao. “Chan-Chaaaannn!!!” tawag ko sa kanya tapos agad akong yumakap. “Sorry na bespren. Sorry na talaga.” Kahit hindi ko rin alam kung bakit ako nagpapa-sorry.

“Eh? Hindi ako si Chan-Chan.”

Napatingin ako kung sino ‘yung niyakap ko. Hindi nga si bespren kaya napakalas ako agad. “Wah! Sorry po!”

“Ang ingay-ingay mo talaga kahit kelan!” Boses pa lang ni Chan-Chan alam ko na kaya lumingon ako. Nakabusangot na naman siya.

“Waaah!!! Chan-Chaaaan bespreeeeenn!” sigaw ko ulit bago yumakap sa kanya. “’Wag mo na akong iiwasan ah. Nasa-sad ako. Huwag mo na lang pansinin ‘yung mga sinabi ni Nile. Wala naman sa’kin ‘yon. Hindi naman ako naniniwala don. Ha? Ha? ‘Wag mo akong iiwasan ah!”

HATBABE?! Season1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon