Twelve

19.4K 439 74
                                    

Sa UST kami nag-high school ni Chan-Chan dahil dun din nag-aaral karamihan sa mga kapatid ko. Dapat daw pare-parehas kami. Kahit medyo mahal ang tuition, ginapang talaga nila Mama at Papa ‘yung pang-matrikula namin. Buti na lang scholar dun sila Mason na nasa second year na at si Kuya Chuck na graduating naman. Si Kuya Mark na freshman college, varsity player tsaka half scholar din sa Uste.

Sila Kuya Marcus at Kuya Chino lang ang nahiwalay dahil sa UP sila nagka-college. Brainiacs kasi yung dalawang yon e. Malaking kabawasan daw ‘yon sa gastusin dahil mga scholar daw sila ng bayan. Mga mamamayang Pilipino daw ang nagpapaaral sa kanila.

Bago magsimula ang pasukan, pinapunta muna kaming mga first year high school students sa campus para sa Summer Orientation. Para daw alam na namin kung sa’n kami pupunta at hindi maligaw sa pasukan sa susunod na linggo. Buti na lang civilian clothes muna ang pinasuot sa’min. Ayoko pa munang magpalda. Hindi ako makapagtaas ng paa ko sa upuan nang hindi nasisilipan. Pwede kayang magpantalon na rin ako forever? O kaya, magbabaon na lang ako lagi ng civilian clothes tulad nung Elementary para nakakatakbo-takbo ako, hehe.

Kahit sabay kaming pumunta dun ni Chan-Chan, hiwalay pa rin kami ng classroom dahil Section One siya –‘yung pang-matatalino; habang ako, nasa Section Five.

Wala pa naman ‘yung teacher namin kaya ang ingay-ingay ng mga kaklase ko dahil parang magkakakilala na yata sila simula nung Elementary. Kaunti lang yata kaming galing sa ibang school.

Dahil pakiramdam ko, matutuyuan ako ng laway kung hihintayin kong may makipagkilala sa’kin, tumayo na ako at lalapit sana sa isang grupong masayang nagtatawanan. Pero biglang nagkaroong ng bulung-bulungan.

“Tignan niyo o,” narinig kong sabi nung isang babae. “May hinahanap yata si Kuya cute,” dagdag pa niya kaya napatingin naman ako sa lalaking biglang sumilip sa classroom namin.

Nagulat ako dahil si Nile ‘yung parang may hinahanap sa loob. Oo nga pala, dito rin siya nag-aaral. Sino kaya ang hinahanap niya sa mga kaklase ko? May kakilala kaya siya dito?

Ngumiti siya nung makita niya ako kaya kumaway naman ako.  “Charlie!” tawag niya sa’kin at pumasok talaga siya sa classroom. Pinagtitinginan siya ng mga kaklase ko pero wala siyang pakialam at inakbayan niya ako bago inakay papalabas. Sinundan kami ng tingin ng mga kaklase ko.

“Tsong, anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya habang akbay pa rin niya ako at palakad kami papunta sa mga sementadong upuan sa tapat ng classroom namin. Nandun din si Mason na nakikipaglaro ng Frisbee sa iba pa nilang kabarkada.

“Sabi ni Mace, ngayon daw ang orientation niyo kaya hinanap kita,” sagot naman niya. “Mukhang wala pa naman ‘yung teacher niyo eh. Sali ka muna sa’min. Frisbee muna tayo. Kakampi kita ah.”

Bilang pagbati sa’kin ng kapatid ko na nasa di-kalayuan, hinagis niya sa’kin ‘yung Frisbee na madali ko namang nasapo. Anong akala niya sa’kin? Mas magaling akong batter, pero marunong din namang ako bilang catcher. Pinalipad ko ‘yung disc pabalik sa kanya. Pero napalakas yata dahil sobrang bilis nung pag-ikot kaya napalayo ang lipad. Hinabol tuloy nila.

“Ahahaha! Buti na lang talaga, kasangga kita,” tuwang-tuwang sambit ni Nile at nakipag-apir pa sa’kin. “Magta-try outs ka ba sa softball team niyan?”

“Gusto ko sana sa basketball—“ sagot ko sana pero sumabat siya agad.

“’Wag na sa basketball. Marami na dun! Tsaka may star player na ‘yung High School Basketball Team ng mga girls. Sa softball ka na lang ulit. Sigurado, fourth batter ka na naman,” mungkahi naman niya.

Kung sabagay, halos tatlong taon akong hindi masyadong nakapag-seryoso sa paglalaro ng basketball dahil nga sa softball ako lagi pinapasok. Maganda sigurong sundin ko ‘yung payo niya.

Nung nasita sila nung guwardiya dahil nang-iistorbo daw sila, bumalik na ako sa classroom namin. Hindi na ako nahatid pabalik nila Mason at Nile. Pero okay lang, hehe. Dadaanan ko na lang si bespren para sabihing binisita ako ni kras. Hihi.

Malapad ang ngiti kong naglalakad sa hallway nang mapansin kong may nagkukumpulan sa tapat ng classroom nila Chan-Chan. Ano kayang meron?

Sumingit-singit ako sa mga nagkukumpulang estudyante. Tapos nakita ko na si bespren na nakatalikod. “Chan-Cha—“ tawag ko pero sakto namang humarap siya sa’kin.

Nakabusangot siya at namumula ang buong mukha. Alam kong naiiyak na siya ‘pag ganun pero nagpipigil lang. Napikon na naman siguro siya.

“Anyare sa’yo?!” pasigaw kong tanong at napatakbo ako sa kanya. Ngayon lang nangyare ‘to.

Parang natuwa naman siya sa pagdating ko dahil sinalubong niya ako bago nagtago sa likod ko. “Charlie! May umaaway sa’kin!” sumbong niya.

“SINONG UMAWAY SA BESPREN KO?!” sigaw ko at pinandilatan lahat nung mga nakapalibot sa’min.

“Si Louie the bully ang umaway diyan,” sabi nung isa.

Sino ba ‘yon? “NASAN SI LOUIE THE BULLY?! ILABAS NIYO SIYA!” Di na siya naawa. Kalalaking tao, pumapatol sa mahinhin at mukhang babae? Itu-tombstone move ko siya! Hindi niya pwedeng awayin si Chan-Chan dahil ako lang ang pwedeng mang-asar sa kanya, muhahaha!

“Ako si Louie. Bakit?” Boses babae. HAHAHAHA. Lalaking boses babae?! Hinanap ko kung sa’n galing ‘yung boses at may sumilip na babaeng maikli ang buhok mula sa loob nung classroom.

“Oy, ikaw. Nasa’n si Louie? ‘Wag mo na siyang pagtakpan. Kakausapin ko lang ng masinsinan. Inaway niya’ng bespren ko eh,” sabi ko. Kung ayaw niyang makipag-usap, babalian ko siya ng buto!

Tuluyan nang lumabas ‘yung babae. “Ako ba ang kausap mo?”

Ang kulit naman neto. “Hindi nga. Si Louie ang gusto kong makausap, hindi ikaw.” Napaka-simpleng bagay, hindi niya maintindihan. Section One ba talaga ‘to?

Nginitian naman niya ako. “Ang kulit mo din eh. Ako nga si Louie. Sino ka ba? At sinong bespren?” Tumaas ang isang kilay niya habang nakatingin sa’kin.

Hindi ba lalaki si Louie? Nilingon ko si Chan-Chan na nasa likod ko pa rin. “Siya ba talaga si Louie?” tanong ko at tumango naman siya.

Namimilog ang mga mata kong napatingin ulit sa kaharap kong nagngangalang ‘Louie’. Pinagmasdan ko talaga siyang mabuti dahil hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Babae nga. Maikli din ang buhok tulad ko. Maluwag ang damit. Medyo mas matangkad lang ng kaunti sa’kin.

Hindi ko namalayang naglakad ako papunta sa kanya habang nakatitig sa mukha niya.

Nang makalapit ako, niyakap ko siya nang pagkahigpit-higpit. “Friends na tayo ah.”

Parang nakakita kasi ako ng kakambal ko. Ng katulad namin ni Chan-Chan na hindi mawari kung ano ang kasarian sa unang tingin.

Hehe. Ang saya-saya ko. May bago na kaming friend ni Chan-Chan bading.

Astig.

================

Announcement: May POV na po si Louie at si Chan-Chan!!! hahaha

*Louie's POV: 'Miss Astig' ni cursingfaeri

*Chan-Chan's POV:'A Man's Life' ni aKo_Narcisso

Meron na rin palang page si Charlie:

https://www.facebook.com/pages/Charlie-Pelaez/404435756319149

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now