Forty-Six

12K 293 69
                                    

Sempre, tinabo ng Dugong Bughaw karamihan sa mga sports events. Naalala niyo pa si Van? ‘Yung sinamahan ko kay Ser Paculaba kasi transferee siya tas gustong sumali sa Athletics Club? Siya ‘yung pambato namin sa singles ng Table Tennis at first place siya don! Tas, pinangunahan din ni bespren Louie ‘yung team namin sa basketbol na naka-gold medal din. At sempre, dahil ako rin ang team captain ng softball team namin, fifth inning pa lang tapos na ‘yung game dahil lagpas na sa ten ang lamang namin hehehe.

  

Siguro sa Palarong Pinoy lang kami second o kaya third place. Pero ays lang.

Di rin pala natuloy na gown at tuxedo ang suot namin ni Jan-Jan kasi nga sports event ‘yon tsaka, ang init kaya! Ibibilad kami sa araw tas balot na balot kami? Ayon, couple shirt na lang ang pinasuot sa’min nung labanan ng muse at escort, hehe.

‘Yun nga lang, na-disqualify kami ni Jan-Jan kasi daw hindi raw tama na babae ang mag-e-escort tas lalaki ang magmu-muse. Sayang nga eh, ‘di counted ‘yung nauna si Jan-Jan sa raising ng flag pati ‘yung pagbayo ko ng palayok na halos nadurog sa lakas ng pwersa. Pero ays lang din, kami pa rin ang center of affection. Pinakamalakas talaga ‘yung hiyawan at palakpakan nung nakita nila kami eh. Tas andami nagpapichure sa’min—pati teachers tsaka mga bisita, hehehe.

“Mahal na Pinuno! Gusto ka naming makita habang nagchi-cheer kami para hindi kami mawala sa counting!” sigaw ni Gwyndale, isa sa mga cheerers namin bago kami tawagin sa quadrangle. Sumang-ayon naman lahat.

At dahil maliit ako, ikinuhanan ako ng mga alagad kong sila Martin at Harvey ng bench na ginamit kong tungtungan para mapaunlakan ang kahilingan ng aking mga nasasakupan, HAHAHAHA. At dahil likas akong kiti-kiti, naging mas energetic tuloy ang porpormans ng mga Dugong Bughaw kaya landslide din ang panalo—Best in Cheering, Best Cheerers at Best Cheer Leaders.

 

Kaya ‘wag na kayong magtaka na Dugong Bughaw ang naging Overall Champion nung taon na ‘yon, mehehe.

Mas lalo nga akong sumikat pagtas ng intrams eh. Achuli, pinatawag pa ako ni Ginang Pedrosa sa office niya. Teacher 'yun sa college na Tita ni Martin. Gusto raw akong makilala dahil tuwang-tuwa daw siya sa’kin nung nakita niya akong sumasayaw-sayaw sa taas ng bench sa harap ng mga Dugong Bughaw.

“Buti pala hindi kayo na-disqualify dahil kinuha ka nilang mascot,”  tanong niya sa’kin.

“Eh? Mascot po?” Nagtaka pa ako non kasi hindi naman ako naka-costume. Jersey  na kulay blue na may tube na puti sa loob ‘yung suot ko para sa Cheering competition. Inisip ko pa nga kung pang-mascot ba ‘yun eh.

 

“Oo. Diba ka-batch ka ng anak ko?” tanong ulit niya. “Lagi ka niyang kinukwento sa’kin eh.”

Edi sempre, tinanong ko kung sino ‘yung anak niya dahil baka nga kilala ko.

HATBABE?! Season1Where stories live. Discover now