Twenty-Eight

14.7K 380 85
                                    

Nakapagdesisyon na ba ako kung anong course ang balak kong kunin?

  

Siyempre, ako pa.

Edi nakalimutan kong pag-isipan, hahahahaha.

Pa’no, nilibre kami ni Louie sa Jabee. Hindi lang kami ni Chan-Chan ha. As in ‘yung buong batch namin. Nadamay pa sila Mason at ‘yung buong Student Council kasi siya na ‘yung President nung taon na ‘yon. Nagbigay kasi ng maraming pera ‘yung Papa ni Louie. Eto namang si bespren, ginastos agad lahat!

Dun lang ako nakakita ng napakaraming pera! Pakiramdam ko nga noon, malulunod ako sa salapi kasi umabot sa two hundred thousand ‘yung bill na binayaran ni Louie sa Jabee. Inisip ko pa nga kung prinsesa ba si Louie dahil napakayaman talaga. Ako nga, nanginig ako nung nagdala ako ng isang libo sa school pambayad sa isang requirement, tas si bespren, two hundred thousand na ang nahawakan!

Sobrang kinabahan talaga ako non!

Pero ayos lang. Nabondat naman ako sa dami ng pagkain eh. Tapos andami pang sobra kaya nag-uwi pa ako. Pati toys, sangkatutak! Pero dahil malalaki na daw ‘yung mga batchmates namin, kaunti lang kaming nag-enjoy sa Cars na freebies. ‘Yung mga may batang kapatid lang ‘yung kumuha kaya inuwi ko rin ‘yung ibang natira. Balak ko sanang i­-display ‘yon sa kwarto, kaso nainis si Mama kaya pinamigay ‘yung iba sa mga kabataan sa barangay namin.

Buti nga naalala kong ikuhanan ng isa si Pareng Brian eh. Mahilig daw siya sa kotse-kotsehan. Hindi ko naman alam noon na mga miniature replica pala ang trippings niya.

Pero dahil dun sa toy car na ‘yon, pinabantayan ako ni Kuya Marcus. Engot din kasi ako dahil sa kanya ko pinabigay. Tss. Buti nga binigay pa niya kay Pare eh.

Muntik pa nga ulit kaming magkasagutan ni Kuya pagtapos nun kasi binali niya ‘yung sim card ko tas bumili ng bago at ‘yun ang pinagamit sa’kin. Binura din niya ‘yung number ni Pare sa cellphone ko para daw siguradong di kami magte-teks.

“Sino ba talaga si Brian?” nagtatakang tanong ni Chan-Chan. Kinausap pala siya ni Mason na matyagan ako lagi na utos din ni Kuya Marcus. Siguraduhin daw na hindi ako nakikipagkita kay Pare.

“Kaklase nga ni Kuya Marcus,” ulit ko bago nagsubo ng isang kutsarang tuna sisig at isa’t kalahating kutsarang kanin. Nakwento ko na kasi sa kanila si Pare, enko kung bakit tanong sila nang tanong.

“Eh bakit pinagbabawalan kang makipagkita sa kanya?” dagdag na tanong naman ni Louie na kinausap din daw nung mga pinsan niya para bantayan din ako. Sinabihan daw sila ni Kuya Mac-Mac. Tss.

“Enko. Boko noi-ishtorbo ko koshi ngo nog-oo-OROY!” angal ko dahil binatukan ako ni Louie. ‘Wag daw akong magsalita nang puno ng pagkain ‘yung bibig ko. Pagtapos kong lunukin ‘yung nginunguya ko, sinabi ko sa kanilang hindi pinaliwanag ni Kuya Marcus kung bakit nya ako pinapabantayan sa mga besprens ko. Iniisip ko, baka naiistorbo ko si Pare sa pag-aaral kasi nga busy sa Med School.

HATBABE?! Season1Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα