CHAPTER 9

28.2K 281 11
                                    

CHAPTER 9

Tiffany's POV

“Tiffany!” Paglingon ko nakita ko si Caleb na tumatakbo papunta sa akin and ohhhhh bigla niyang hinatak ang kamay ko at ngayon parehas na kaming tumatakbo pababa ng school building. Teka processing pa utak ko bakit ba kami tumatakbong dalawa?!

“Bilisan mo Tiffs! Hahaha” Talagang holding hands kami while running. Feeling ko tuloy parang 'You and Me Against The World'. Hanggang sa nakarating kami sa back gate. Hingal na hingal kaming dalawa dahil malayo din ang tinakbo namin. Magka holding hands pa din kami. Shocks pawis na kamay ko.

“Ang saya! Hahaha.” halakhak ni Caleb habang humihingal pa rin at nakasapo na sa kanyang tuhod. Ang gwapo niya pa din kahit tagaktak na ang pawis niya.

“Anong masaya dun? Pinagod mo ko takte ka.” angil ko sa kanya habang sapo ang aking dibdib pakiramdam ko lalabas na yung puso ko sa sobrang lakas ng kabog niyon.

“Sorry naman.” mukhang hindi naman talaga siya nagsosorry dahil nakangisi pa rin siya.

“Bakit ba kasi tayo tumatakbo?” tanong ko nang sa wakas ay nabawi ko na ang aking paghinga.

“Nung kausap kita sa phone paparating si Dean Gatchalian kaya napatakbo ako.” natatawa pa niyang paliwanag kahit na wala akong makitang katawa-tawa roon.

“How nice naman talagang dinamay mo pa ko ah. Ayoko babalik na ako sa klase ko." inirapan ko na lang siya at tatalikod na sana nang pigilan niya ang braso ko. Huwag mo akong pilitin Caleb dahil pag pinilit mo ako ay papayag ako. Landi! Haha.

“Please stay with me.” makakatanggi pa ba ako kung ganito na ang tono niya? Nakaka-fall pa yung way ng titig niya kaya naman nanlambot ang mga tuhod ko.

“Please Tiffany.” napabuntong-hininga na lang ako.

“Sige na nga! Di na din naman ako makakapasok.”

Ayain mo na lang ako mag-date loko ka. Bigla siyang ngumisi. Loko na 'to may binabalak siguro 'tong masama. Nag-squat position siya then tinap niya yung balikat niya.

“Oh anong drama yan?” nagtataka kong tanong sa kanya habang nakangisi pa rin siya sa akin.

“Slow mo talaga kahit kailan 'no? Mag-over de bakod tayo. Kaya hubarin mo na yang sapatos mo unless kung kaya mong lusutan yung guard?!?” Nag grin pa sya. Halatang nang-aasar.

Oo nga pala mahigpit ang university namin kahit sabihin pang college na kami, hindi ka basta makakalabas ng campus premises dahil iccheck pa kung may klase ka ngayon o wala bago tuluyang makalabas.

“Dali na Tiffs!” mas lalong nanlambot ang mga tuhod ko nang nagawa pa akong kindatan ni Caleb. So tinanggal ko na yung sapatos ko. Jeeez awkward naman naka skirt pa naman ako di kaya ako silipan ng lalaking 'to may pagka manyak pa naman kung makangiti si Caleb.

“Wag kang titingala ah. Pag ako sinilipan mo makakalbo kita.” pambabanta ko sa kanya habang nag-aalinlangan kung aakyat ba ako sa likod niya o hindi.

“Oo na. Asa ka naman" pang-iinis pa niya. Siya na nga ang sinasamahan eh. Para wala ng away tumapak na ko sa balikat niya. Hahaha. Napa-ungol ang loko kala mo ah kahit payat at maliit ako mabigat 'to. Bwahahaha. Nakaupo ako sa bakod actually pader siya na malapad eh. Siya naman yung aakyat at wala man lang kahirap-hirap niya iyong ginawa! Hindi ako makatalon pababa dahil natatakot ako na mapilayan at masugatan.

“Bigat mo ah! Argggh!” angal ni Caleb habang minamasahe ang likod niya. Tumalon na siya sa ibaba habang ako naman naiwan pa dito. Okay I'm scared!

“Jump! I'll catch you!” sigaw niya habang may malapad na ngisi sa kanyang mga labi.

 “Bibilang ako ng 1 to 3 then jump!” sigaw niya pa at inilahad na ang mga kamay para saluhin ako.

“Okay. Ay teka teka! Pag 3 na ba or after ng 3?!” natataranta kong tanong sa kanya.

“After 3. Okay. 1.......2........

I Wish I Never Met You (EDITING)Where stories live. Discover now