CHAPTER 24.1

22.5K 202 7
                                    

CHAPTER 24.1

 


 

TIFFANY'S POV

 

Mabilis na nagdaan ang mga araw hanggang sa hindi namin namalayan na March na pala. Malapit nang matapos ang semester na ito kung saan nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at nakilala ko si Chase Caleb, ang lalaking hindi ko inakalang mamahalin ko. Sa susunod na semester ay maghiwa-hiwalay na kami ng landas dahil tapos na ang General Subjects kung mayroon man ay isa o dalawang subjects lang. Nagkataon kasi na iba-iba kami ng mga kurso.

Naging tambayan na namin ni Ace ang park kung saan kami nagpunta noong nagdaang party. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naalalang sabay kaming nagkasakit dahil sa paliligo sa ulan. Ngayon ay mahimbing na natutulog sa may hita ko si Ace habang ako naman ay problemado kung paano ipapasa ang College Physics ko. Hanggang ngayon ay hiwaga pa din sa akin kung paano ko naipasa ang Physics ko noong High School. Ito ang kahinaan ko. Napanguso na lamang ako dahil si Ace ay hindi pinoproblema iyon dahil candidate siya for Dean's List.


"Bhie" kalbit ko sa kanya habang 

"Hmmm" napairap na lamang ako dahil mukhang hindi naman siya naalimpungatan.

"Bhie, paano ko ipapasa 'tong College Physics? Ayokong may ibagsak ngayong sem." yugyog ko sa kanya para naman magising na siya ng tuluyan ngunit ayaw niyang magpatinag.

"Ace naman eh. Hmp!" galit kong tulak sa kanya kaya naman agaran siyang napabangon at umupo sa tabi ko.

"Nagtampo naman agad 'to." umirap lang ako bilang sagot sa kanya.

"Pinuyat mo kaya ako kagabi, Bhie!" nanlalaki ang mga mata kong hinarap siya kaya naman napatawa siya. Nakakainis talaga ito kung minsan.

"Hoy ano bang iniisip mo diyan? Magdamag kaya tayong magkausap sa phone." Akala ko naman kasi kung ano! ang husky kasi ng boses nOya kaya parang ang sexy pakinggan ng boses. Pinisil nIya yung pisngi ko. Aray ko naman po. Ano ba kung hindi lips ko ay pisngi ko naman ang pinagdidiskitahan.

"Ipapahiram ko sayo notes ko." huh? Notes? Hindi naman siya nag-ttake ng notes at isa pa ay madalas na tulog siya sa klase.

"Pano nangyari yun eh tulog tayo pag Physics?" takang-taka kong tanong sa kanya habang binubuklat iyong ibinigay niyang notebook sa akin. Hindi ako makapaniwalang kumpleto siya ng notes namin.


Vf = V1 + at

= (3 m/s) + (2m/s) + 4s

= 3 m/s + 8 m/s

= 11 ms


Sino sila? Hindi ko sila kilala!!! I mean, hindi ko pa yata alam 'tong formula na ito at kung malaman ko man ay paniguradong hindi rin tatatak sa utak ko.


"B-bhie?" nangangatal kong tanong sa kanya. Ngayon pa lang ay inihahanda ko na yung puso ko para sa pagtanggap nang singkong grado.

"Pag-aralan mo iyan dahil sa Monday na ang Finals natin. Okay?" kindat niya sa akin habang ako naman ay hindi ko alam kung paano iintindihin ang lahat ng ito. Bakit ganoon? Hindi ko naman nakikitang nagrereview si Ace pero nakakapasa siya sa lahat habang ako ay napupuyat kaka-aral ngunit pasang-awa pa?!

"Hindi ko kaya 'to!" hysterical kong saad habang pilit na iniintindi iyong banyagang salita at termino na nasa notebook. 

"Ayan kasi ang sipag mong matulog, eh!" napabuntong hininga na lamang ako at nagpapadyak sa may damuhan. 

"Turuan mo ako Bhie! Sige na!" pagmamaktol ko habang siya naman ay patuloy lamang akong pinagtatawanan. Nakakainis naman.

"Sabado kaya bukas." napailag ako ng pinisil niya ang ilong ko at humalukipkip upang malaman niyang seryoso ako.

"Ano naman kung sabado bukas? Edi pupunta ako sa condo mo. Kaw talaga."

"Wag! Ahmmm I mean di pwede." napataas naman ang kilay ko roon. At bakit naman hindi pwede? Nakakapunta naman ako doon kapag may free cut ah?

"At bakit?" nanghahamon kong tanong sa kanya habang hindi pa rin bumababa ang kilay ko.

"Magulo! Right,magulo kasi!" nanatili pa ring nakataas ang kilay ko kaya naman bandang huli ay wala siyang nagawa kundi ang sumang-ayon sa akin. May itinatago kaya ito sa akin? I smell something fishy

"May babae ka siguo!" nang-aakusa kong saad at mabilis naman siyang umiling kaya naman mas lalong lumawak ang hinala ko. Nagpapanic pa huh?

"Adik! Ang takot ko lang sayo." mabuti dahil hindi na ako makakapayag na maloloko ako sa ikalawang pagkakataon.




Kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa condo unit ni Ace kahit na alas-diyes pa ang usapan namin. Kapag weekends kasi ay late ng bumabangon si Ace kaya napagpasyahan kong ipagluto na lamang siya ng breakfast at maglinis ng kaunti sa loob ng unit niya. Ilang beses kong pinindot ang door bell ngunit walang Ace ang lumalabas. Tulog pa ba yun? Tagal buksan ng pinto ah. Pinihit ko yung doorknob. Aba! Bukas iyon kaya pumasok na ako at dumiretso sa kusina. Bilin ko pa naman sa kanya tuwing gabi bago namin ibaba ang telepono ay i-lock niya ang pinto ng unit niya dahil baka mamaya ay mapasok iyon ng masasamang loob. Tsk. Pagagalitan ko siya mamayang paggising niya.


"Ace?" Nasaan na ba yun? Lumabas lang kaya yun? Pumunta ako sa kwarto niya kasi baka tulog pa, pagpasok ko narinig ko na parang may naliligo sa banyo.  Pumunta ako sa tapat ng banyo ng kakatukin ko na sana ay biglang bumukas yung pinto at...............................


Wala kang babae, Caleb? E sino 'to?!

I Wish I Never Met You (EDITING)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα