CHAPTER 12

27.2K 263 14
                                    

CHAPTER 12

TIFFANY'S POV

Ang bilis ng panahon December na meaning malapit na ang Christmas ang pinaka malungkot na araw ng buhay ko. Tatlong mahahalagang tao ang nawala sa buhay ko dahil sa iisang babae. Ang babaeng sumira ng pamilya ko.

December 10 excited na ang lahat para sa out of town na annually namin ginagawa. Dahil wala namang field trip ang college ay gumagawa na lang kami ng sarili naming field trip. Haha. Pinag-iipunan ko talaga 'to dahil hindi naman ako bibigyan ni mama ng pera para sa mga ganitong kapritso. Hay. Ngunit ang balita ko ay inanyayahan nang iba naming kablock sina Caleb. Sino pa nga ba ang mag-iimbita sa kanila kundi iyong mga kaklase naming babae.

Ayoko nang katabi si Caleb sa minor subject dahil naiilang na ako after nung araw na yun na nalaman ko na mahal pala niya ako. Nahahalata nga ata niya na iniiwasan ko siya hindi na kasi kami seatmates. Alam ko na dapat na maging masaya ako ngayon kasi yung taong gusto ko ay mahal pala ako. Ewan ko ba. Nalilito ako. Hindi ko pa kayang umamin. Hindi ko pa kayang masaktan muli.

"Grabe! Gaya-gaya talaga yung ibang block! Nag set din sila ng outing nila." inis na kwento ni Clavs nang makarating ako sa tabi niya.

"Hayaan mo na iyon naman ang gusto nila eh. Excited na ko! Tabi tayo sa upuan ah?" 

"Sorry Tiffs naka oo na ako kay Paulune." wait? Paulune? Wala naman kaming kablock na Paulune ha?!

 "Si John Paulune Roque yung BSA student! Ang gwapo!" ah so ganoon? Pinagpapalit na niya ako sa gwapo? Tss.

 "Loves naman kita Tiffs. Sige na." wala na akong nagawa at tumango na lang ako. Sino na ang katabi ko niyan sa bus? Sa dami namin ay umarkila na lamang kami ng isang bus kaysa dalawa o tatlong van pa ang paghahatian namin, hindi rin biro ang presyo ng pag-renta ng ilang van.

"Sino pa walang katabi? Raise your hand." tanong ni Christian na siyang naatasan sa pag-oorganize ng outing namin. Nagtaas ako ng kamay at ako lang ba talaga ang walang katabi? Loner ako ganun?

"Caleb! Akala ko di ka papasok." ibinaba ko ang aking kamay at nilingon ang taong nagsalita.

"Papasok ako na-late lang ng gising" Pumasok na si Caleb sa loob ng room at dahil ako yung nasa dulo sa tabi ko siya tumabi ngumiti siya sakin pero ako umiwas lang ng tingin.

"Cous may katabi ka na sa bus?" kahit ayokong makinig ay umabot pa rin sa tainga ko ang bulong ni Nica kay Caleb.

"Wala pa. Bakit?" nagtataka niyang tanong kay Nica.

"Wala na pa lang problema. Tiffany kayo na ni Caleb magtabi." buhay nga naman parang life! Lumabas na lang ako ng room.

"Tiffany! Let's talk!" hindi ko akalain na susundan pala ako ni Caleb dito sa labas kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.

"What do you want?" tanong ko sa kanya nang hindi siya nililingon.

 "Bakit mo ba ako iniiwasan? Hindi mo din ako kinakausap may nagawa ba ako?"

"W-wala! Ayoko lang kitang kausap may masama ba dun ha!"

 "What's wrong with you? I thought we're friends."

 "Talaga? Kailan ko naman sinabi na we're friends?"

 "I can't understand you. Bigla mo na lang akong nilalayuan."

 "Edi wag mong intindihin!"

 "DAMN IT TIFFANY! TELL ME WHAT'S WRONG! YOU'RE DRIVING ME CRAZY!" Okay gumagawa na kami ng eksena dito sa corridor yung ibanng estudyante naglabasan na sa room. *sila ba?* *LQ!* *kapal naman nung girl para pag mukaing tanga si Caleb!*

"Sabihin mo naman kung may nagawa ako hindi yung ginagawa mo kong manghuhula." I can feel his pain pero hindi ko naman alam kung paano ko ba ipapaliwanag iyong nararamdaman ko ngayon. Masyadong mabilis and I don't want to risk my feelings again. Ayoko na munang masaktan ngayon.

"Wala nga! Bakit ba ang kulit mo besides ano naman kung di kita pansinin? What's the big deal?!" hindi ko na inalintana pa kahit ilang estudyante na rin ang tumigil sa paglalakad nila para lang panoorin kaming dalawa na nag-aaway. Great! Instan fame.

"Because....because you're important to me and...and....you are.....you are my......" 

"I'm your what!" I snapped in anticipation

 .......MY BESTFRIEND" nalaglag ang panga ko sa huli niyang sinabi at kailangan ko bang matawa?

Akala ko ba mahal niya ako? Bakit bestfriend? So lahat ng girl bestfriend niya hinahalikan pala niya sa lips pati nadin yung I love you? Wala na akong masabi. Natameme ako sa lahat ng narinig ko. Nag walk out na lang ako para walang makakita na umiiyak ako. Assumera ka Tiffany! Pagalit ko sa sarili ko.

I Wish I Never Met You (EDITING)Where stories live. Discover now