CHAPTER 26

20.7K 224 11
                                    

CHAPTER 26


After ng amusement park ay inihatid na ako ni Caleb sa bahay. Doon na kami sa bahay kumain dahil nagluto raw ng masarap si Mama nang araw na 'yon dahil alam niyang nahirapan ako ng husto sa exam.


"Caleb naipakilala mo na ba si Tiffany sa parents mo?" sabay kaming napatigil sa pagsubo ni Ace sa tanong ni Mama.

"Hindi pa nga po Tita,  lagi kasing busy si mama and daddy."

"Okay lang iyon sa akin, Mama" irap ko kay Mama dahil ayokong ma-pressure si Ace. Isa pa ay hindi ko naman iniisip ang bagay na 'yon, sa tingin ko ay masyado pang maaga para ipakilala niya ako sa mga magulang niya.

"Baka mo next month ay umuwi sila rito sa Pilipanas. Excited na nga po akong ipakilala sa kanila si Tiffany" ngiting saad ni Ace at hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon.

"Hirap talagang maging mayaman minsan 'no?" wala sa sariling sinabi ni Mama kaya naman agad ko siyang inawat. Si mama talaga minsan yung bibig ay hindi mapahinto.

"Hahaha. Okay lang Tita."

"Bayaw kalian ulit tayo magdodota?" tanong naman ni Mark kaya naman pilit ko siyang inabot para lang masapak sa ulo.

"Dota ka diyan! Kita mo ngang ang labo na ng mga mata ng Kuya Caleb mo!"

"Sige na nga magliligpit na ako. Hehehe. Mark tulungan mo ako. Caleb hindi naman sa pinapauwi na kita kaya lang gabi na."

"Sige po mauna na din ako baka nasa pad ko yung kapatid ko" pagsang-ayon naman ni Caleb kay Mama.

"Ay oo nga pala! Kumain na kaya si Toni?" ngayon ko lang naalala si Toni baka mamaya ay hindi pa naghahapunan yon.

"I'm sure nagpa-deliver na yun ng pizza." kibit-balikat ni Ace.

"Pizza?! No. Dalhan mo siya ng food." Adik na kuya to' nakikain sa amin tapos yung kapatid pizza lang? Naku po. Hinatid ko na sa gate si Ace.


"Goodnight. Ingat sa pag drive." kaway ko sa kanya sabay tulak.

"Goodnight" ngiti rin niya sa akin.

"Sakay ka na." mapupunit na yata ang mga mukha namin dahil parehas kaming ngiting-ngiti.

"May nakakalimutan ka yata?" napakunot naman ang noo nang pag-taasan niya ako ng kilay.

"Ha? Wala naman ah. Naiwan ko ba yung bag ko sa kotse mo?" takang-taka kong tanong sa kanya. Inisip ko pa yung mga bagay na maaaring nakalimutan ko nga. Monthsary ba namin ngayon? Hindi pa naman diba?

"Tss. Slow ah. Naiwan mo ba utak mo sa Star City?" ang sungit naman! Hindi naman niya birthday ngayon diba? Ano ang nakalimutan ko?

"Hoy ang sama mo ah! Ano nga kasi?" curious kong tanong sa kanya. Itinuro niya yung right cheek niya. Bakit? Gusto niyang magpasampal? For what reason? Hala may kasalanan ba siya sa akin. Kaya siguro siya sweet sa akin dahil may kasalanan siya!

"Huy naasan na? Ayaw mo yata eh." pamimilit pa ni Ace habang hindi inaalis ang daliri niya sa kanyang pisngi. Sige na nga mapilit ka ah. Sinampal ko siya pero di naman siguro malakas yun napabiling lang naman yung mukha niya.=

"Bakit mo ako sinampal?! Arghhh!" nanlalaking matang tanong ni Ace sa akin kaya naman nagulat rin ako sa naging reaksyon niya. Ginusto niya 'yon tapos ngayon nagagalit siya sa akin?!

"Diba nagpapasampal ka?" pagtatanggol ko sa sarili ko.

'WHAT?!? Ghad you drivin' me crazy? Sino namang lalaki ang magpapasampal?!" galit na saad ni Ace habang hinihimas ang namumula na niyang pisngi. Ay sorry!  Oo nga naman kasi.  SLOW!

"I'm waiting for your goodnight kiss!" he said with anger. Nakakatakot ang hitsura niya. Number 1 rule: Huwag sasampalin si Caleb. Hinawakan ko yung right cheek niya tapos nag soften yung expression niya and he gave a deep sigh. Halatang nagpipigil ng galit. Hinalikan ko siya ng mabilis sa kanyang labi.

"Sorry bebe ko." pagpapa-cute ko sa kanya.

"See you tomorrow. I love you."  Ace

"I love din kita." He kissed my forehead before he leave.  Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko. Nakakapagod ang araw na ito, di ko na kayang mag review. Matulog na lang kaya ako? Tama! Stock knowledge na lang bukas. Hahaha. Meron nga ba ko non? Matutulog na sana ako nang biglang mag-register ang number ni Clavs sa phone ko, tumatawag ang bruhilda.


"Bakit?" tanong ko.

(Precious!) napairap ako. Ayoko ngang tinatawag na Precious.

"Sino yun?" sarkastiko kong tanong sa kanya kaya naman tumawa na lang siya.

(Adik! I have a chika! Lalabanan daw tayo ni Anne!) sukat sabihin niya iyon ay napabangon na ako sa kama at nawala ang lahat ng antok na dumadaloy sa katawan ko.

"Hinamon tayo? Lalampasuhin natin!" tili ko dahil sa excitement. Matagal-tagal na rin!

(Bukas daw sa Zapps. 7pm. Mag warm up ka na girl.)

"No need. Expert yata ako. Hahaha."

(Ikaw na! Bawal tayo matalo manunuod si Paulune.)

"Kailan ba kasi tayo natalo?"

(May point ka diyan. Isama natin si Caleb nasabi ko na kay Troy. Join daw si Nica.)

"Oh si Nica?"

(Papakitang gilas. Simulan mo ng mag warm up. Mahaba habang labanan yun.)

"Ikaw na lang. Bye na. Hahaha." Yes! Namiss ko lumaban. Si Nica sasali sa amin? Eh lagi nga niyang sinasabi na masakit sa katawan. Himala naman. Wala ng warm up. I'll make sure na walang tatalo sa amin. Bawal masira record namin. Hahaha.


*Ive fallen for you... Si bebe ko!


"Bhie"

(Bakit busy tone kanina?)

"Tumawag si Clavs eh."

(Akala ko nanlalaki ka na eh. Hehe)

"Try mo kayang masampal over the phone? Hahaha."

(Joke lang! Mag review ka na bhie.)

"Okay. Ay wag mo na pala akong ihatid pauwi bukas."

(Why?)

"May gagawin lang kami nina Clavs. Inaya ka ba nila Troy sa Zapps Bar bukas ng gabi?"

(Yup. Kasama ka din ba?)

"Oo naman. Babantayan kita. Hahaha. Night bebe."

(Adik! I love you)

"I love you too. Muah!"

(Hahaha. Muah.)


Excited na ko! Ibang Tiffany ang makikita nila.


I Wish I Never Met You (EDITING)Where stories live. Discover now