CHAPTER 29

21.3K 215 8
                                    

CHAPTER 29


Head bang! Potek sakit ng ulo ko!
Di ko pa madilat yung mata ko.
Ano ba yan pati katawan ko ang bigat.
Parang may nakadagan sa tyan ko ang hirap huminga.
Ganun na ba tama sakin ng tequila?


"uhmmmm...."


May narinig akong umungol tapos nawala yung nakadagan sa tyan ko.
Sino ba kasi tong katabi ko?


Katabi?


Katabi?



Wahhhhh! Solo lang ako sa kwarto ko!



Kahit masakit pa yung ulo ko pinilit kong dumilat at isang ohlalalala!.
ULAM! Este may isang machete na natutulog sa tabi ko nakatalikod sya kaya hindi ko makita yung mukha nya.



loading.........................................


Sayaw. Alak. Alak. Sayaw.

Caleb?

Caleb?

Caleb!!!!!!!


"Ahhhhhhh!" sigaw ko.


Tinignan ko sa ilalim ng kumot if may damit ako at naka panjamas naman pala ko so meaning di ko pa naisusuko yung V-Card o kaya yung mahiwagang perlas?

Wala akong maalala!
Teka kwarto ko to ah?
Bakit nandito si Caleb?
Huhuhu. >.<
Sarap iumpog ng magandang ulo na to.
Kainis. Wala na ngang laman tapos masakit pa.
Bakit katabi ko si Caleb?
Alam kaya to ni mama?
Christ! Naka boxer shorts lang po si Caleb.


Bumangon na ko ng kama kahit na masakit pa yung ulo ko at saka di ko keribels ang ayos ni Caleb.
Nakakauhaw -----este nauuhaw pala ko.



Bumaba ako ng hagdan at anak ng pitong kuba!



Kailan pa naging evacuation center yung bahay namin?!
Sina Troy, Alex, Albert, Nica, Clavs, Dessa at Jezel mga nakakalat sa sala.
Yakz! Si Troy at Alex magkayakap pa. Weird talaga.


"Gising ka na pala nak." -- mama
"Ma! anong ginagawa ng mga yan dito?"
"Hinatid ka kasi ni Troy kaso puro pala kayo bangag ng barkada mo kaya dito ko na sila pinatulog."
"Si Ace bakit katabi ko? Maaaa!"
"Ang pores ah! Hehe. Sya lang kaya namin buhatin ng kapatid mo. hehehe."
"T-teka? Sino nagpalit ng damit ko?"
"Ako syempre alangan namang si Ace."


Wow manang mana ko sa mama ko. Cool nya no?


"Eh sino yung alam mo na. Yung nagtanggal ng damit kay Ace?"
"Ha? Di ko naman binihisan yun ah? Oh my gosh! Oh my gosh! Tiffany!"
"B-bakit?"
"Sinuko mo na? Yung bulaklak?"
 "Ano?!"
"Kasi Tiffs di naman namin sya pinalitan ng damit kaya pano sya nahubadan?"
"Ma! Wag nyo nga akong pag tripan. *pout"


Grabeng trip yun ah di magandang biro.


"Tange! Di kita niloloko! Ikaw ah ni rape mo siguro yang boyfriend mo kagabi?"
"NO!"
"Good! Ang ingay mo ah. Tulungan mo kong maghanda ng almusal."


Napakamot na lang ako ng ulo.
May nangyari nga ba? May damit naman ako?
Hay ewan!


Dahil nga sa may hangover pa kaming lahat hindi na kami nakapasok. First day pa naman ng graduation practice. Haha. Naiimagine na namin ang itsura ni Mrs. Lee. Kamusta naman yun diba? Hahaha.

"Sakit ng ulo ko!" -- Troy
"Walanjo ka kasi." -- Clavs
"Yamot talaga. B.I kayo." -- Nica
"Excuse me lang no bakit ka kasi sumama?" -- Dessa

Si Dessa ang taray talaga. Umagang umaga.

"Partey Partey na lang tayo dito sa bahay ni bossing." -- Troy
"Si Caleb hindi pa gising?" -- Albert

Aba lokong Troy kung makatingin sakin. Hala wala akong ginagawa dun ah! Wala talaga. Wala akong kaalam alam.

Woahhh! Defensive ako masyado?


"Ayan na pala eh." --Alex
"Anong ginagawa natin dito?" -- Caleb
"Dito na tayo pinatulog ni tita. Naawa sakin ang dami nyo kaya." -- Troy
"Dude kung alam nyo lang ginawa nyo kagabi ni Tiffany. hahaha." -- Alex


Napalunok ako dun ah. Nagkatinginan kami ni Caleb at nagbigayan ng 'anong-ginawa-mo-look'


"Langya namutla si Caleb! Hahaha." -- Troy
"Joke lang pare. Hahaha." -- Alex


Palayasin ko kaya silang dalawa puro di magagandang biro na lang nasasabi nila. Kinabahan din ako dun ah.

Pagkayari namin kumain mag breakfast naglaro lang kami ng baraha sa sala at si Troy kahit kailan ang dugas talaga! Yamot.


"Wag na kaya tayong umattend ng graduation?" -- Alex


-_____- ano ba namang suggestion yun. Once in a lifetime na nga lang mag high school tapos di pa aattend ng graduation.


"Mag camping na lang tayo!" -- Clavs
"Pwede din sa rest house nina Caleb!" -- Nica
"Mas masaya yung camping!" -- Alex


Ah so wala talaga silang balak na umattend ng graduation?! Gahhhh.
Sila na lang.


"I go for camping" -- Caleb


What?! Pati sya? Amfufu naman eh.
Edi sasama ko sa kanila ganun.


"Mapapahiya si Caleb sa graduation like nung elementary kami hindi dumating parents nya." -- Nica


Mind reader? Bago pa ko makapagtanong nasagot na nya.
Aww wawa naman pala si Caleb ibig sabihin walang aattend for him?


"Ano boycott na tayo?" -- Troy

"BOYCOTT!" -- all


Ito na nga boycott na namin ang graduation next week. Mag camping daw kami sa Laguna for 3 days tapos diretso na sa Batangas.
Hometown ko >.<
Tagal ko ng di nauuwi dun.
Di ko na din nadadalaw puntod ni mommy.
Nagtatampo na siguro sakin yun.



Pagkayari nilang manggulo sa bahay namin maghapon nagsiuwian din ang mga mokong.
Simot ang laman ng ref namin tapos akala mo dinaanan ng bagyo yung kwarto ko.



Si Caleb ko matamlay :( kasi naman yung parents nya inuna na naman ang pagpapadami ng pera. Nung mayaman naman ako di ganun parents ko sakin iba ba talaga pag mayamang mayaman?




PASENSYA NA KAYO AT WRITER'S BLOCK :)
ABAY SIGE PAABUTIN NAMAN SA QUOTA
PAKIBASA YUNG NEW STORY KO
MWAHHHHH!


I Wish I Never Met You (EDITING)Where stories live. Discover now