CHAPTER 31 - TWIST

21K 224 17
                                    

CHAPTER 31 – TWIST

 

First time kong magcacamping. Naman oh mas malaki pa sakin yung mountain bag ko. Dahil nga aakyat kami ng bundok ay kailangan na naming iwan yung van sa baba ng bundok.


"Bhie ako na kaya magdala ng bag mo?"salo ni Caleb sa bag ko pero napumilit ako na kaya ko. At dahil sa kayabangan ko ay muntikan ng masubsob ang maganda kong face sa lupa buti na lang nahila ni Caleb yung bag ko.

"Ang tanga nung bato di ako nakita" ngisi ko kay Caleb na ngayon ay napapailing na lang.


Sinimulan na naming maglakad. Noong una ay enjoy pa kaya lang nagsimula na kaming mapagod. Sa nilayo-layo ng nilakad namin ay  nakarating din kami sa camp site. Infairness gabi na at nakakatakot baka mamaya ay may rapist na tikbalang dito. Naku po! Ayokong ma-rape tapos sa tikbalang pa?

Nagsimula na kaming magtayo ng tent at dahil nga daw "boyscout" sila na yung nagtayo ng tents kami namang apat na babae yung gumawa ng bonfire.


"Tiffs mamaya maligo tayo sa ilog!" aya sa akin ni Clavs

"Ayoko nga!" Takot ko lang! Jusko naman Ma. Claviña! Exposure yang gusto mo.

"Baka may manilip." mabilis akong napatango sa sinabi ni Nica. Ang mabuti pa ay matulog na lang kami!

"Sus wala yan. Nandyan naman yung boys niyo." 


Pagkatapos naming kumain siyempre kami ng girls yung nag-volunteer na maghugas ng pinagkainan para diretso ligo na din. Haha. Nagpaalam na din kami sa kanila at tinakot na wag makalapit-lapit sa ilog. Haha. Grabe namiss ko barkada ko pero enjoy din naman yung company ng barkada nina Troy. At dahil sweet kaming magkakaibigan nag lunuran lang kaming apat sa ilog eh sino pa ba yung api ako na naman kung bakit naman kasi wa epek yung cherifer sakin.

Nang magsawa sa malamig na ilog nagbihis na kami tapos bumalik na kami ng camp naabutan namin sila Caleb na nag-iinuman tapos mga tuwang-tuwa pa.


"Ano meron?" – Clavs

"Wala. Masamang magkwentuhan?" ani Albert. Aba ang sungit pa din ni Albert pero infairness diyan simula nung naging sila ni Nica 3 words na kaya niyang sabihin, dati kasi iiling lang yan o kaya naman tatango. Akala ko nga dati pipi siya. Hahaha.

"Laro na lang tayo!" palakpak ni Clavs at tumayo.

"Sige ano?" sabay-sabay naming tanong sa kanya.

"Hide and seek with a twist." ngisi ni Clavs. With a twist talaga?

"Maiba taya muna." wala na kaming nagawa kundi ang sumang-ayon kay Clavs kaya ipinagpatong-patong na namin ang aming mga kamay. Ang natira na lang si Albert, Troy at Dessa at sa huli ang taya ay si Albert!

"Okay ganito ang rule kung sino yung huling tao na makikita siya yung may prize. Bahala na kung anong prize ang gusto niya." pumayag naman kami roon at determinado ang lahat na manalo. Hinila ako ni Caleb sa maraming puno tapos isinandal niya ako at kinulong sa mga braso niya. OMG! Lusaw na ako sa titig nya. Nakakakilig. Haha.


"BULAGA!" Ay anak ka ng ama mo! Napatalon kami ni Caleb sa gulat tapos tumingin kami sa magkaibang direksyon. Pa-inosente lang. Jeeez! Istorbo!

"Sabi na't sumisimple lang kayo." palatak ni Albert at tinalikuran na kami. Kami pa yata ang unang nakita! Nakakainis!

"OUT!" sigaw pa niya sa amin ng hindi pa kami kumikilos ni Caleb. Nagpunta na kami sa bonfire at isa na lang pala yung hindi nahahanap ni Albert. Saan naman kaya nagsuot si Troy? Dinibdib yung laro?

 

TROY'S POV

 Kailangan ako yung manalo. Chance na 'to! Nagtago ako sa mga talahib para di agad ako makita. Punyemas wala naman sanang ahas dito kundi mababakla ako. Laki ng phobia ko sa ahas. Takte tagal namang mahanap nung magsyota na Caleb at Tiffany sila na lang hinihintay ko bago lumabas. Kating-kati na ako dito.


"Troy!" sigaw ni Caleb.

"After kong magbilang ng 10 pwede ka ng lumabas!" sigaw din ni Clavs mula sa hindi kalayuan.

*ssssssssssssssssss....

*ssssssssssssssssss....


T-teka ano y-yun?! Pinagpapawisan na ko ng malamig.

"1....................2...........3!" Unti-unti kong nilingon yung nasa gilid ko. Walangya sabi na't ahas! Ang ganda pa ng pagkakangiti sakin.

"10!"

"AHAS!!!" Nagtatalon na ako papunta dun sa bonfire. Ay shit bakla kung bakla. Nagtawanan ang mga babae habang inaalask naman ako nitong mga kaibigan kong agad kong pinagsasapak.

"Ang putla mo dude!" tawa pa sa akin ni Caleb. Tumingin ako kay Dessa pero umirap lang.

"Dahil ikaw ang panalo ano yung gusto mong prize?" curious na tanong ni Clavs. Tumingin ako kay Dessa.

"Aiyeee!" tumili si Tiffany at agad na niyugyog ang boyfriend niya.

"Bakit ba ganyan kang makatingin?" masungit na tanong ni Dessa kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Wala rin kwenta ang pagkakapanalo ko.

"Kiss na yan!" kantyaw ni Clavs na sinabayan na rin ng ilan.

"Ganito na lang sa cheeks na lang ni Dessa!"


Tinulak ako ni Caleb papunta kay Dessa tapos si Tiffany naman tinulak siya papunta sa akin kaya naman nagkabungguan kami. Tae ang init ng mukha ko. Napalunok ako tapos nagkatitigan kami ni Dessa. Nag sideview sya para ma kiss ko yung cheeks niya. Takteng puso yan magtino ka nga.


I Wish I Never Met You (EDITING)Where stories live. Discover now