CHAPTER 19

26K 250 13
                                    

 CHAPTER 19

 TIFFANY'S POV

February 10 20**

First day ng intramurals katatapos lang mag-parade. Syempre ako ulit ang captain ng volleyball girls ng Red Dragons. Nahahati kasi sa apat na teams ang Intrams dahil per year level. Green Hornets para sa Freshmen, Golden Tiger para sa Sophomores, Red Dragon para sa aming mga Juniors at Blue Falcon naman para sa mga Seniors. Nagkaroon ng try outs kung saan pagsasama-samahin lahat ng magagaling na players sa per year at ako nga ang naging Captain Ball ng Voleyball girls samantalang nabalitaan ko naman na si Ace namand daw ang napiling Captain ng basketball boys.

Mayroong ilang booths din sa loob ng campus at isa nga sa pinaka mabenta ay iyong Wedding Booths, tiyak naman na hindi mawawala ang isang 'yon lalo na at chance na ng lahat na maangkin ang kani-kanilang crush. Ngayon nadagdagan yung mga booth ito daw ang pinaka bonggang intrams. May dating booth, jail booth and wedding booth. Sana naman ay hindi ako mabiktima ng jail booth na iyon dahil kailangan ay magpapiyansa sa iyo na kaibigan o kahit na sinong napadaan lang. Mahirap hanapin ang stickers na nagkalat.

Dahil naka-lock ang mga kwarto ay wala kaming nagawa ng mga kaibigan ko kundi ang magpalaboy-laboy na lamang sa paligid ng school. Boy hunting kung kinakailangan lalo na doon sa mga 4th year. Color-coded per year kaya malalaman mo kung alin o saang team ang bawat isa.

“Calling all the players of Golden Tigers and Red Dragons please proceed to volleyball court immediately.”

“Tara na Tiffs! Gugulpihin natin yung players ng Golden Tigers lalo na yung umagaw sa Andie mo.” hila sa akin ni Joanna habang ako naman ay marahas na umiiling. Naalala ko nga palang player din iyong current girlfriend ni Andie, ahead kami sa kanya ng isang taon kaya naman second year pa lang ito. Binatukan ko na lang si Joanna dahil ayaw pa rin niyang magpapigil sa akin.

“Bakit?! Sakit ah laglag utak ko dun.” reklamo niya habang nakasimangot na hinahaplos ang kanyang ulong buong lakas kong binatukan.

"At anong akala mo boxing ang sasalihan natin?" mataray kong saad at humalukipkip. Sasagot pa sana ang pobreng si Joanna ng tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext sa akin, hindi ko inasahang si Ace iyon dahil ang alam ko ay sila ang magkakasama nila Troy. Nangangalahati na ang araw ay hindi ko pa sila nakikita.

 From: Ace <3

Bhie dito na kami sa volleyball court. Come here.

Anong Bhie ba pinagsasabi nito? Wrong send ba siya o talagang Bhie langa ng itinawag niya sa akin? Kung sinasapak ko kaya siya. Mabilis akong nag-type ng reply.

To: Ace <3

Bhie ka diyan. Ang dami mong alam.

 Hindi na siya nag-reply pa kaya imbes na magtext pa muli ay inaya ko na lamang ang mga kaibigan ko na magtungo na sa may voleyball court dahil hindi ko maaatim na ma-disqualify kami. Naglakad kami sa tirik ng araw at nang makarating sa may court ay laglag panga kong sinalubong ang mga nakangising si Ace, Troy, Alex at Albert. May hawak na banner ang mga hinayupak! "GO BOSSING!" I mouthed bago tuluyang sinapo ang ulo ko.

I Wish I Never Met You (EDITING)Where stories live. Discover now