EPILOGUE

32.2K 577 164
                                    

Epilogue:

"When I needed the people the most they left me. When I learn to dry my tears I found a shoulder to cry on and when I mastered the skills of hating you started loving me."

 


 

Life was so ironic, yung akala mo na walang wala ka na pero meron pa palang isang bagay na natitira sayo na hindi mo lang pinahalagahan, at saka mo lang marerealize kung kelan nawala din sya sa buhay mo.

Yung feeling na akala mo wala ka ng pamasahe yun pala may nakaipit pang bente sa wallet mo.

Through out my life lagi na lang akong iniiwanan pero hindi ko akalain na ako pa mismo ang bibitaw kay Caleb. Hindi naman masama ang magpatawad lalo na sa mga taong nanakit sayo, natutunan ko kung paano tanggapin ang lahat.

Minsan talaga kung maiisip mo man bitawan ang isang tao o bagay, isipin mo muna kung bakit ka kumapit ng ganun katagal bago mo syang tuluyang bitawan, dahil sa oras na pakawalan mo sya baka hindi mo na sya mahila pa pabalik sayo.

AFTER 3 years

Nagsama na kami bilang isang pamilya nina daddy, tita Maggie, Caleb at Antonette. Hindi naman sila naging tutol sa relasyon namin ni Caleb kahit na sa iisang bahay kami nakatira kung minsan pa nga natutulog kami sa iisang kwarto.

Natutunan ko ng mahalin si Tita Maggie, para ko na syang pangatlong ina. Hahaha.

Dinadalaw naman namin ng madalas si mama Magda, hindi ko na din pinapalitan ulit ang apelido ko dahil next year after graduation ay papakasal na kami ni Caleb.

Close na close na kami ni Antonette. Ang galing nga kapatid ko sya sa ama tapos kapatid nya si Caleb sa ina. Lagi tuloy kami nagdedebate ni Caleb tungkol sa kanya, kasi ako pinayagan ko syang mag boyfriend pero itong kuya nya, ang strikto!

Hahaha. Cool kasi kong ate kaya okay naman sakin yung boyfriend nya na si Kiko, hulaan ko talaga Francis yung real name nun. Hahaha.

Kamusta na kaya ang mga lablayb ng mga barkada ko?

Si Alexander magpapari na! Oo hindi kayo nagkakamali. Magpapari sya! Hindi ko din akalain eh, lahat nga kami napa "Weh?" hahaha. Ang isang playboy na katulad nya? Di ko pa din maimagine! Hahaha. After graduation papasok na sya sa seminary. Nako po gagalangin ko na sya.

Si Troy? Nanliligaw pa din kay Dessa! Hahaha. Aba'y ewan ko ba kay Dessa baka may apo na ko eh hindi pa din sinasagot 'tong si Troy. Yieee. Sana talaga maging sila, bilib din ako sa tatag ng fighting spirit ni Troy eh.

Si Albert at Nica ay going strong kumbaga sila yung pinakamatatag saming lahat kasi never pa silang nagbreak although minsan hindi pa din maiwasan yung pag-aaway nila, inaabot pa din ng week bago sila magbati.

Si Paulune mamaya magpopropose na sya kay Clavs pero naunahan na sya ni Clavs kaya naman sila na. Hahaha. Apurado ang bestfriend ko eh.

Syempre si Andrew.  sa America na sya nag-aral,  balita ko nga may girlfriend na din sya, hindi naman na kami nakakapag-usap madalas pero were good friends. 

-END-

I Wish I Never Met You (EDITING)Where stories live. Discover now