CHAPTER 22

25.3K 260 21
                                    



CHAPTER 22



TIFFANY'S POV



May hangover pa yata ako ng kakiligan sa ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwalang kami na nga. Pagkatapos naming gumawang eksena sa Student's Night ay inihatid rin agad ako ni Ace sa aming bahay. Habang sabay pauwi ay para bang ayoko na ring matapos ang oras na magkasama kaming dalawa. Bago pumasok sa University ay nagbukas muna ako ng aking facebook account. Nag change ng relationship status si Ace.


Chase Caleb del Rosario is married to Tiffany Javier. At kailan niya pa ito pinalitan? Kaya naman pala ang dami kong notifications ay dahil doon.


Sinundo ako ni Ace sa bahay. Akalain mong sinundo pa niya ako malapit lang naman ang tinitirhan ko sa school samantalang siya ay kailangan pa niyang mag-drive ng 15 to 20 minutes bago makarating sa University. Pagkababa ko sa may sala ay agad akong tinapunan ng titig ni Ace kaya naman hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangisi.






"Good morning bhie!" bati sa akin ni Ace sabay yakap sa akin at halik sa aking noo. Hindi ko mapigilan ang sarili kong samyuhin ang bango niya. Naiisip ko ngang bumili ng pabango niya upang i-spray sa aking unan iyon nga lang alam kong mamahalin ang bran niyon.


"Good Morning." nahihiya kong saad sa kanya kaya walang kaabog-abog na kinurot niya ang pisngi ko. Ang sakit!


"Ouch! Chase Caleb!" angal ko sa kanya habang tumatawa lamang siya.



Nagpaalam kami kay Mama na sabay na kaming papasok. Halos lahat ng mga mata ay sa magkasiklop naming mga kamay nakatingin. Hindi ko maiwasan ang manliit. Ang gwapo kaya ni Caleb para sa isang tuald ko! Tiyak na maraming maiinis sa akin nito. Nawala lang ako sa aking isipin ng magsalita si Ace.




"Bhie, ako date mo bukas ah?" hindi ko alam kung statement ba iyon o nagpapaalam pa siya. Ano bang tanong yun? Eh sino ba akala niya ang ka-date ko?


"Sa malamang bhie ikaw alangan namang si Andie.haha"


"Alangan naman si Andrew di ba?" imbes na matawa siya sa pang-aalask ko ay tinapunan niya lang ako ng masamang tingin. Hindi na tuloy ako naglakas-loob pang asarin siya hinggil kay Andie at baka pagmulan pa ng away naming dalawa.




Pagpasok namin ay sinalubong agad kami ng mga kaibigan namin at hindi ko mapigilan ang mahiya dahil sa mga pinagsasabi nila.



"Pare congrats! Wag mong papaiyakin si bossing ah!" saad ni Alex

I Wish I Never Met You (EDITING)Where stories live. Discover now