Chapter 198

559 5 0
                                    

Naubos kaagad namin ang dalawang burger. Sinusubuan ko lang siya kase alam kong mahirap kumain kapag nag drive. Binuksan ko kaagad ang mineral water bago ako uminom. Isasara ko na sana ito para bumukas ng bago para sana kay kairus pero natigilan ako ng kinuha ni kairus ang mineral water kong saan ako uminom. Nilagok niya ito at kitang kita ko kong paano gumalaw ang kaniyang adams apple.

Natigilan ako!

Tiningnan ko ng gulat si Kairus hanggang sa maubos niya ang tubig. Inosente itong tumingin sa akin bago muling binalik ang kamay sa manubela. Napatingin sa akin si Kairus na nagtatanong at nagpapanggap na parang walang nangyare.

Naningkit ang mata ko!

"What?.." nakangiting tanong sa akin. Bumuga ako ng isang buntong hininga bago ako umiling. Umayos ako ng upo saka tumingin sa unahan.

Mabagal ang maneho ni Kairus kaya halos abutin ng kalahating oras bago namin narating ang mansyon namin. Tinanggal ko ang seatbelt ko bago ako bumaba. Pinatay naman ni kairus ang sterio ng kotse at narinig ko ang kalampag ng pinto hudyat na lumabas na ito.

Pumasok ako sa mansyon at katulong kaagad ang bumungad sa akin lalong lalo na ang kanilang mainit na pagbati. Tumango ako sa kanila bago ako dumiretso sa sala upang hanapin ang anak ko at hindi nga ako nagkamali dahil malayo palang ako ng marinig ko na ang boses ni Apollo na mukhang kinakausap ito ni Ana, dahil narinig ko rin ang boses niya.

Nakita ko kaagad si Ana at Apollo na naka upo sa soffa habang nakatingin sa ipad. Napatingin sa akin si Ana at isang salita niya lang kaagad lumingon sa akin ang aking anak. Nanlaki ang mata ni Apollo bago ko nakita ang malaki niyang ngiti.

"Mommy, daddy?."

Umalingawgaw yon sa buong sala. Napatawa ako ng mahina at kaagad sinalubong ang anak ko. Sinalubong ko ito ng ngiti at halik sa pisngi. Dinala ko ito sa bisig ko.

"Ang bango ng baby ko." malambing kong sabe habang pinapalandas ko ang aking ilong sa pisngi niya. Humagikgik si Apollo. Tumawa ako bago ko siya binigay kay kairus na namamangha na namang naka tingin sa amin.

Binalik ko ang tingin kay ana na namumulang nakatingin kay kairus, nagpipigil tili o ngiti. Napailing ako bago ko hinanap ang mga katulong. Narinig ko kaagad ang boses ni kairus at apollo na nag uusap na. Dumiretso naman ako sa kusina upang itanong ang magulang ko.

"Malelate po silang uuwi maam, meron po kasing meeting." sabe sa akin ng isang katulong nong nagtanong ako tungkol sa magulang ko. Napatango ako. Nagiging busy lately ang magulang ko at sa umaga nalang kami magpakikita. Lumipad kaagad si lolo sa paris kase meron siyang mahalagang meeting doon kasama si ken.

Pinuntahan ko kaagad ang mag ama na naghihintay sa akin sa hagdan. Sumilay ang ngiti sa labe ko. Sa buong buhay ko, hindi ko maisip na magiging ganito pala kami. Sa buong buhay ko, hindi ko inaasahan na nandito si kairus, kasama ng anak ko at kasama ko.

Nakasunod ako sa kanila ng umakyat kami sa taas. Dumiretso kami sa kwarto ko. Kaagad tumakbo si Apollo sa pang isahang soffa at kaagad nilantakan ang pagkain na binili namin. Napa iling ako. Dumiretso kaagad ako sa closet at hinubad ang heels kong one inches at pinalitan ng tsenilas.

Dumiretso ako sa kanila pagkatapos. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti ng makita ko ang mag amang tumatawa habang kumakain. Umupo ako sa upuan ng anak ko at pinaupo ko siya sa kandungan ko. Hinalikan ko ulit isang beses ang kaniyang pisngi.

Tumawa ako ng makita ko ang itsura nilang madungis dahil sa ketchup na nasa burger. Ang dungis na nila. Napa iling ako pero natigilan din ako ng maramdaman kong may naglagay rin sa mukha ko ng ketchup. Gulat kong tiningnan ang anak kong tumatawa at kaagad lumapit sa ama at kumandong doon.

"Apollo?.." sigaw ko pero nasundan ng tawa naming tatlo. Nakita ko kaagad ang pagkuha ni kairus ng kaniyang selpon bago kami kinunan. Hindi ko yon pinansin dahil kaagad akong lumapit sa anak ko upang kilitiin ito.

Ang likot nito sa kandungan ni Kairus. Abala kasi si Kairus sa selpon niya.

"It's time,to take a bath na baby?." natatawa kong sabe. Tumayo si Apollo sa kandungan ni Kairus bago tumango.

"Ako na magpapaligo sa kaniya."nakangiting sabe ni Kairus. Bumuntong hininga ako saka tumango. Sinundan ko ng tingin ang selpon ni kairus na nilapag niya sa glass table. Bahagya akong nagulat ng makita ko ang wallpaper niyang kaming tatlo habang malaki ang tawa.

Tumikhim ako!

Sinundan ko ng tingin ang mag ama na pumasok sa banyo. Nanuyo ang lalamunan ko na kailangan ko pang lumunok ng isang beses. Sumunod din kaagad ako sa kanila. Nakita ko sila sa bathtub habang nililinisan ni kairus ang anak.

Sabay silang napalingon sa akin ng pumasok ako pero nagpatuloy din naman sila kalaunan. Dumiretso ako sa sink at naghilamos ng mukha at pagkatapos non ay lumabas din ako at dumiretso sa walk in closet upang magbihis ng pantulog. Tinanggal ko ang makeup sa buong mukha ko at habang ginagawa ko yon ay lumabas ang mag ama saka nagbihis din ng pantulog.

Kahit papaano meron namang stock na damit dito si Kairus kaya ayos lang. Inayos ko muna ang kama para sa kanilang dalawa. Sa gabing yon, kinalimutan namin ang trabaho, ang responsibidad ni kairus sa pagiging artista ay kinalimutan niya. Hindi  din naman nagtagal ay nakatulog silang dalawa, dahil siguro sa pagod.

Hindi ko parin maiwasang hindi mamangha ng makita ko silang dalawa na nasa isang kama na natutulog. Pati pagtulog, magkamukhang kamukha. Lumapit ako sa anak ko at hinalikan sa pisngi.

I smiled!

"Goodnight baby?.." bulong ko kahit na niya narinig kase patay na siya sa tulog. Napatingin rin ako kay kairus at napangiti bago ako bumulong ng goodnight rin para kay kairus. Tumayo ako saka lumapit sa pintuan. Pinatay ko ang ilaw at tanging lamp nalang ang natira bago ako lumabas.

Sa guestroom ako natutulog.

Hindi ako dumiretso sa guestroom, bagkus ay bumaba ako dahil hindi pa naman ako inaantuk. Dumiretso ako sa mini bar namin na laging tinatambayan ni dwayne. Nagsalin kaagad ako ng isang wine sa baso ko bago ako umalis sa mini bar saka ako dumiretso sa likod kong saan andon ang swimming pool.

Binuksan ko ang glassdoor saka ako dumiretso sa round table na tabi lang ng pool. Umupo ako doon at sumandal bago ako tumingala upang tingnan ang full moon, ang napakagandang buwan.

I smiled!

I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )Where stories live. Discover now