Chapter 214

449 5 0
                                    

Kaagad akong napaharap kay Kairus dahil sa kaniyang sinabe. Nanlaki ang mata kong tiningnan ito at halos maramdaman ko ang mabilis ang pagkabog ng aking dibdib. Napalunok ako saka. Magkaharap na ngayon ni Kairus. Nakayakap na sa akin ang kaniyang kamay sa bewang ko.

Nanlaki ang aking mata!

Kaagad kong kinuha ang isang sandwich sa mesa gamit ang isang kamay ko at sinubo ko kaagad dito. Napangisi ako at napahalakhak. Napahawak ako sa kaniyang dibdib na doble pa ata ang kabog sa akin.

Napatingin ako kay Kairus!

"Kumain ka nalang, kong ano ano ang sinasabe." mahinang sabe ko bago hinawaka ang kaniyang kamay sa aking bewang ko bago ko ito tinanggal at pasimple akong lumapit sa anak ko na tulog parin bago ako naupo sa monoblock na upuan saka kumarin ng sandwich na gawa ko.

Napabuntong hininga ako!

"Tsk.." rinig kong usal nito dahilan para bumalik ang paningin ko dito.

Napailing si Kairus na nakatingin sa akin pero kinain din ang sandwich na sinubo ko kanina. Kitang kita ko ang saya sa kaniyang mata pero pilit niya itong tinatago gamit ang expression niyang seryoso. Napairap akong umiwas ng tingin at bumaling nalang sa anak ko.

Kahit papaano, naging maayos naman ang anak ko. Nakakangiti narin ito kanina at hindi narin nag rereklamo kong saan ang masakit. Inubos ko kaagad ang sandwich bago ko nilingon si Kairus na nagpunta kaagad sa pang isahang soffa. Tanging dalawa kaming ni Kairus ang naiwan dito sa anak ko dahil ang magulang ko naman ay umuwi kanina pa.

"Magbibihis lang ako.." paalam sa akin ni Kairus na ikinatango ko bago siya pumasok sa banyo habang dala dala ang isang paper bag na hindi ko alam kong saan galing. Mukhang nag utos pa siya sa mga tauhan niya na magpakuha ng damit.

Kaagad kong kinuha ang remote ng TV ng nakapasok na si Kairus sa banyo at kaagad ko itong binuksan at tumamabad sa akin ang local news na tanginag kami ang laman, tungkol sa prescon kanina ni Kairus at tungkol rin sa amin ng anak ko. Kating kati akong manood kanina ng news pero hindi ako hinayaan ni Kairus dahil ayaw niyang masaktan ako sa mga sinasabe ng mga fans pero talagang matigas ang ulo ko dahil hindi ko sinunud ang kaniyang sinabe

May nakita pa akong isang  citizen habang dala dala ang isang banner na nakalagay ay ang mukha ni Kairus. Bagsak ang mga balikat nito.

Napa ayos ako ng upo!

Nagkagulo ang media at paulit ulit ni replay ang sinabe ni Kairus ang pag alis nito sa showbiz. Bawat chanel na mabubuksan ko ay mukha ni Kairus ang nakikita ko at paminsan minsan naman ay kasama na doon ako at ang anak ko. Madaming umiiyak na fans at halos magmakaawa na wag umalis si Kairus.

Ang sunod na news na nakita ko ay tatlo kami ni Kairus at ng anak namin. Lahat sila gulat at halos hindi makapaniwala. Nakangiti kaming tatlo sa picture na pinakita ng media, yan yong nasa mall kami kumain habang tumatawa. Napasinghap ako bago ko binasa ang mga komento ng mga tao at halos doon ay magaganda naman.

"I can really see Kairus' love in his eyes towards them, so I have nothing to say."

"She's pretty, talented and smart so I won't wonder why Kairus is crazy about that girl"

"I feel sorry for our actor, I want him not to leave and stay to be an actor but there is nothing we can do."

"Balik kana #KairusDhanAlvarez, support naman kami sa inyo ni Stella.."

Madaming mga komento akong nabasa pero natuloy ng biglang napatay ang TV o pinatay ang TV. Napalingon ako at tumambad sa akin si Kairus na nakasimangot.

"Tigas ng ulo.." bulong nito pero rinig na rinig ko naman. Humarap ako sa kaniya at tiningnan.

"Curious lang naman ako kaya binuksan ko." marahang sabe ko, pero umiling lang ito bago ako hinila palapit sa kaniya at niyakap. Naamoy ko kaagad ang mabango niyang pabango. Napapikit ako at dinamdam ang kaniyang yakap.

"Don't look, you might see what the fans are saying and then you will be hurt and I don't want that." bulong nito sa akin. Humiwalay ito ng yakap sa akin bago namin binalingan ang anak kong mahimbing parin ang tulog.

Naramdaman ko kaagad ang paghagkan ni Kairus sa noo ko dahilan para mapalingon ako sa kaniya. I smiled. Kaagad akong napatingin sa soffa ng meron akong maalalang ipakita ko sa kaniya. Kaagad ko siyang hinila papunta sa soffa. Hindi pa naman ako inaatuk at mukhang ganon din siya kaya ipapanood ko muna sa kaniya yong vedio tungkol sa pagbubuntis ko kay Apollo.

Tiningnan ako ni Kairus na nakakunot pero kumindat lang ako. Kaagad akong tumabi sa kaniya bago ko inabot sa kaniya ang camera. Kumapit ako sa braso niya bago ko pinagpahinga ang aking ulo sa kaniyang balikat.

"Ano ito?.." nagtataka niyang tanong.

I smiled!

"Panoorin mo.." utos ko. Ilang sandali akong tiningnan ni Kairus pero sinunud din naman ang sinabe ko. Tiningnan niya na muna ang kabuoan ang camera bago niya binuksan. Hindi matanggal ang ngiti sa labe ko lalo na nong nag play ang isang vedio kong saan kumakain ako ng kong ano anong pagkain dahil sa kakaibang lihi ko.

Humagikgik ako!

Basa sa vedio, ito yong araw na nagsisimula akong maglihi ng kong ano ano. Nakaupo ako sa hapagkainan habang nilalantakan ang pagkain.  Nakatutuk sa akin ang camera at rinig ko ang boses ni Dwayne na sinusuway ako dahil natatakoy itong mabilukan ako pero inirapan ko lang ito at nagpatuloy sa pagkain.

"The contents of that camera are my shots from when I first conceived, when I gave birth to Apollo and then until he was 3 years old." nakangiting paliwanag ko. Lumingon ako kay kairus na nakatutuk sa camera habang nanonood sa akin sa vedio.

"Gusto ko pa dwayne.." nakasimangut kong sabe sa vedio ng maubos ko ang pagkain. Tiningnan ko ng maigi kong anong kinain ko at naalala kong isa yong prutas na durian.

"Ano?.." boses iyon ni dwayne sa vedio

"Gusto ko pa." ulit ko. Napangiti nalang ako ng marinig ang malutong na mura ni Dwayne. Nasa paria kami sa mga panahon na yan kaya don ko lang napagtanto na nag utos pa talaga ng isang tauhan si dwayne upang kumuha ng durian sa pilipinas, gamit ang private plane namin. Paiba iba kase ang nalilihi ko kay apollo.

Napatawa ako ng malakas ng natapos ang vedio. Nagtaka ako kong bakit hindi na gumagalaw si Kairus kaya ako na mismo ang nagchange ng vedio. Ang pangalawang vedio ay yong nanganak ako, yong pinanganak ko si Apollo. Natigilan ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ko habang umiire.

"It took a while for Apollo to come out of my womb. That boy made me cry but you know, my suffering was so worth it, because the joy I felt when I heard his first cry was so great." kwento bago namin narinig ang iyak ni Apollo na umalingawngaw sa buong dilivery room.

I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )Where stories live. Discover now