Chapter 207

426 4 0
                                    

Sa ganoon na sitwasyon kami ng pumasok si Kairus kasunod si Migz at si Mr.Mrs Alvarez. Kaagad natulala si kairus habang nakatingin sa anak kong nakahiga. Bumaling naman ako sa magulang ni Kairus na napahawak sa bibig habang sunod sunod ang pagbagsak ng luha. Si Migz naman ay napasinghap bago ko narinig ang kaniyang daing.

Napapikit si Kairus at napa iwas ng tingin na parang hindi niya kayang makitang ganon ang anak namin. Napapikit din ako at hiniling na sana panaginip lang ang lahat ng ito. Sana pag gising ko katabe ko ang anak ko na mahimbing na natutulog.

Nagmulat lang ako ng mata ng makita ko si Kairus na kaagad lumapit sa anak namin. Namumula ang mata ni Kairus at kitang kita ko ang sakit sa kaniyang mata. Napasinghap ng marahan si Kairus bago hinagkan ang aming anak.

"K-kairus?.." nauutal na tawag ni Mrs Alvarez kay kairus.

Umiling si Kairus!

"Don't talk to me, This is all ur fault. Kong sana hindi niyo nalang kinuha ang anak ko sa bahay para hindi mangyayare ang lahat ng ito. " malamig na sabe ni Kairus. Natahimik kaming lahat at tanging ugong lang ng aircon ang maingay at ang puso kong walang tigil sa pagtibok dahil sa matinding pag aalala.

Hindi nakapagsalita ang ina ni Kairus pero ilang sandali lang din ay humingi ito ng tawad pero mukhang hindi narinig ni Kairus dahil hindi niya ito pinansin. Dahan dahan naman akong lumapit sa anak ko at hinawakan ang kamay niyang nakakuyom pero malambot.

Bumagsak ang luha ko!

Hinaplos ko ang cute niyang hintuturo habang tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko. Nanlalabo na ng mata ko habang nakatingin sa anak kong napakaamo ng mukha at mahimbing na natutulog. Naninikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kaniya.

Hindi ako makahinga ng maayos. Para akong kinakapos ng hininga. Suminghot ako at sinubukan kong lumanghap ng hangin pero talagang wala. Hindi ko maalis ang mata ko sa anak ko kahit masakit. Doble doble ang sakit ng naramdaman ko ngayon na parang daig ko pa ang pinatay.

"Stella?, parating na sina tito.." bulong sa akin ni josh. Nanatili akong nakatingin sa anak ko kahit gusto kong lingunin si josh dahil sa sinabe niya. Napahinto ako sa paghaplos ko sa kamay ng anak ko.

Alam ko kong sino ang tinutukoy ni josh na parating. Ang magulang ko. Marahan akong napasinghap at tumango lang. Narinig ko kaagad ang pag uusap nila pero hindi ko narinig dahil talagang nakatutuk lang ako sa anak ko. Naramdaman ko kaagad ang presensiya ni Kairus sa likod ko pero hindi ko na ito binalingan.

Yumuko ako!

"I'm sorry.." he whispered

Napapikit ako at naramdaman ko ulit ang mainit na likido na dumalos sa pisngi ko. Napakurap kurap ng nagmulat ako ng mata. Hindi ko sinagot si Kairus dahil hindi ako makapagsalita dahil sa nambabara kong lalamunan. Parang merong bukol na naka ukit sa lalamunan ko.

Sa ganoong sitwasyon kami ng biglang bumukas ang pintuan. Lahat kami napabaling doon ng pumasok ang magulang ko na balisa at punong puno rin ng pag aalala ang mga mata, kasunod pumasok si dwayne na mababakasa naman ang mukha ang galit na expression.

Napasinghap ako!

Kaagad nilibot ni dwayne ang kaniyang paningin at huminto ito kay kairus. Nagulat nalang ako dahil sa isang mabilis na galaw ay kaagad tumilapon si Kairus dahil sa malakas na sapak ng kapatid. Napasinghap kami at nagulat sa mabilis na pangyayare. Nagkagulo na sila habang ako ay nakatayo parin sa tabe ng anak ko dahil sa gulat.

"Dwayne/ Kairus.".

Bumalik lang ako sa ulirat ng marinig ko ang sigaw na yon. Napatalon ako sa gulat kaagad bumaling kau kairus na tinutulungan na ngayon ng kaniyang magulang na tumayo habang ang kapatid ko naman ay pinigilan ni daddy na wag lumapit kay kairus upang hindi na masapak.

"Simula nong bumalik sa buhay ng kapatid ko ay wala ng magandang nangyare sa kaniya puro gulo, ng dahil sayo. This is all ur fault Kairus. Lahat ng nangyayaring ito ay kasalanan mo."

Ramdam ko ang galit sa boses ng kapatid ko. Kaagad akong lumapit kay dwayne at pigilan ito bago ako bumaling kau kairus na napangiwi habang pinupunasan ang dugo sa gilid ng kaniyang labe. Napasinghap ako at inis na nilingon si Dwayne.

"Dwayne? Ano ba?." pigil na inis na sabe ko pero hindi ako pinansin ni Dwayne dahil nanatili itong nakatingin kay Kairus na, ramdam ko parin ang galit sa sistema ni Dwayne. Narinig ko kaagad ang pagpigil ni Dad kay dwayne at malutong na mura ni Kairus pero hindi naman ito lumaban.

"Wala kang magandang maidulot sa kapatid ko. Ginulo mo ang buhay ng kapatid ko simula nong dumating ka." galit parin na sabe ni dwayne pero hindi sumagot si Kairus dahil nanatili itong nakatingin sa kapatid ko.

"Dwayne.." malamig na banggit ni lolo sa apo na lalake. Lumapit si lolo sa amin pero bago nangyare iyon ay padabog na tinanggal ni dwayne ang kamay naming nakahawak sa braso niya bago ito nag martsa na lumabas ng silid. Napasinghap ako at napapikit ng mariin.

Napayuko ako!

Narinig ko ang marahas na singhap ni lolo bago malamig at seryosong tiningnan si Kairus na hinahaplos parin ang gilid ng labe dahil sa malakas na sapak ni dwayne kanina.

"Hijo?.." malamig at seryosong tawag ni Lolo kay kairus na kaagad namang sumagot.

"Sir?.." malamig rin ang boses ni Kairus.

"Fix this.." maawtoridad na utos ni lolo bago ito tumalikod at nagpunta malapit sa anak ko.

"Yes sir.." sagot ni Kairus pero hindi na iyon pinansin ni Lolo. Bumaling ako kay Kairus na ngayoy pinaupo na ng kaniyang magulang habang gingamot ang gilid ng labe. Lumapit kaagad sa akin si mommy at kinamusta ako at tinanong kong anong nangyare. Sinabe ko sa aking ina kong anong nangyare sa anak ko at mas lalo kong nakita ang kaniyang pag alala.

"Kakausapin ko ang doctor." rinig kong usal ni lolo at bago ko pa ito napigilan ay kaagad itong lumabas kasunod si daddy na gusto nitong ilipat si apollo sa malaking kwarto. Bumaling naman ako kay kairus na ginagamot na ngayon ng kaniyang magulang habag kausap nito si Migz.

"Para saan ang presscon?." rinig kong nagtatakang tanong ni Kairus ng bumaling ako sa kanila.

"Just prepare it."

Bumaling lang ako sa aking ina na meron ng katawagan sa phone. Lumapit naman ako sa anak ko at hinaplos ang pisngi nito. Narinig ko ang pagpapaalam ni Josh na bibili ito ng makakain at hinayaan namin ito. Hinagkan ko ang ulo ng anak ko ng matagal bago ko tinanggal. Pinalandas ko ang aking ilong sa kaniyang malambot na pisngi bago ako ngumisi kasabay non ang pagpatak ng isang butil kong luha.

I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon