Chapter 217

431 8 0
                                    

Bumuntong hininga muna ako bago ako nagsimulang magsalita. Sinabe ko ang kaniya ang buong buhay ko na walang labis at walang kulang. Sinabe ko ang kaniya, mula umpisa na kong saan nalaman kong isa akong montero. Nong umalis ako sa unit niya at sumama kay dwayne pauwi sa tunay kong magulang.

Nong nalaman kong nabuntis ako. Nakuha ko ang atensyon ni Kairus nong sinabe kong buntis. Nakamulat na ito ng mata ngayon habang nakatitig sa akin. Ngumiti ako bago ako nagpatuloy. Sinabe ko rin sa kaniya nong umalis ako at papuntang paris dahil iyon ang gusto ng magulang ko at sempre ganon din ako dahil masyadong magulo dito nong nalaman nila nong kami ni Kairus.

Lahat lahat sinabe ko. Yong pag aaral ko na kong paano ako naging fashion designer, kong paano nagsikap. Yong palagi kong ginagawa araw araw, yong tungkol sa vedio na napanood namin kanina, yong tungkol sa anak ko. Lahat lahat sinabe ko, walang labis at walang kulang.

"Buti nalang si Dwayne ang nag asikaso sayo nong wala ako, hindi ko gusto ang ibang lalake ang nag aalalaga sa mag ina ko, lalong lalo na si Ken, ang gag0ng iyon, palaging nakapaligid sayo tsk.."

Ngumisi ako!

"Kasama ko si Ken nong nanganak ako pero nasa labas lang siya.." dagdag na kwento ko pa. Mas lalong umasim ang mukha ni Kairus bago niya tinakpan ang kaniyang tenga dahil hindi na niya gustong marinig ang kwento ko tungkol kay ken.

Nauwi sa tawanan ang dapat kwentuhan namin hanggang sa makatulog kami. Dahil siguro sa pagod kaya nakatulog din kami ng hindi nagtagal. Nagising nalang ako dahil sa tawa. Gumalaw ako at dahan dahan minulat ang aking mata. Tumambad sa akin ang nakakasilaw na ilaw. Pinikit ko muna ang mata ko ng ilang sandali upang mag adjust sa ilaw saka ko naman minulat.

Dahan dahan akong bumangon bago ako napalingon sa likuran ko at tumambad sa akin ang mag amang magkatabe habang sinusubuan ni Kairus si Apollo na gising na pala. Napangiti ako saka naman ako napatingin sa orasan at ganun nalang ang pagkakunot noo ko ng maaga pa naman tapos gising na si Apollo.

Tumayo ako saka ako lumapit sa kanila. Narinig ko ang masiglang tawag sa akin ng anak ko dahilan para mapangiti rin ako. Napatawa nalang ako ng malakas ng sinabe sa akin ni Kairus na kaya pala nagising si Apollo kase gutom.

Dumiretso naman ako sa banyo upang gawin ang morning routine ko saka magbihis narin at iniwan doon si Kairus na nagpapakain pa kay Apollo. Lumabas din ako pagkatapos saka ako tumanggap ng mga tawag. Tinawagan ko si mommy at daddy lalong lalo na si lolo. Nalaman kong pupunta ulit sila mamaya dito.

Si Kairus naman ang nagbihis sa banyo saka naman ako naiwan sa anak ko. Naglalaro na ngayon si Apollo ng kaniyang Ipad.

"Masakit paba ulo mo.." Malambing na tanong ko sa anak ko.

"No mommy.." nakangiti niyang sabe bago umiling. Ngumiti ako saka pinasadahan ng tingin ang kaniyang katawan. Kahit papaano, magaling na ang pasa at sugat ni Apollo at binilhan rin ito ni daddy ng gamot upang hindi mang iwan ng peklat.

Ilang oras kaming nasa hospital bago dumating ang magulang ko at ang magulang ni Kairus. Sunod sunod na ang pagdating nila simula nong nalaman nilang gising ang anak ko. Sa migz, josh at ang panghuli ay si Ken na merong dalang prutas at bulaklak.

Napangiti ako!

Sinalubong ko kaagad ito ng yakap dahilan para maramdaman ko ang isang pares na mata na masamang nakatingin sa amin. Narinig ko ang tawa ni Ken bago humiwalay. Kakarating nito galing sa paris at dumiretso kaagad dito nong malaman niya ang nangyare kay Apollo.

"Tito?.." tawag ni Apollo dito. Kaagad kong iginaya si Ken sa tabi ni Apollo na masayang makita siya.

"Hi big boy?.." si ken na kaagad niyakap ang anak ko. Napangiti ako habang pinagmasdan sila ngunit sa isang mabilis na galaw. May isang tao na humila sa akin at natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa tabe na niya ako.

Sinamaan ako ng tingin ni Kairus!

"Magmukha kayong happy family kong magkatabe kayong tatlo kaya dito kalang." Pigil na inis na bulong nito bago ito lumingon sa gawi ni Ken at Apollo na nagtatawanan na.

Humalakhak ako!

Naalala ko tuloy ang sinabe sa akin ni Kairus na kaya pala may pasa si Ken nong nasa condo niya kami kase sinapak niya dahil sa selos. Hindi ko tuloy mapigilang hindi matawa. Nanatili na ako sa tabe ni Kairus kahit na nag uusap si Kairus at magulang ko at nakisali naman ang magulan ni Kairus.

Sinubukan kong tiningnan ang magulang ni Kairus na hindi na makatingin sa akin. Napangiti ako at hinayaan nalang sila. Masama ang mukha ni kairus buong araw dahil sa presensiya ni Ken habang si ken naman ay tumatawa sa gilid.

Pinag usapan ni Kairus at magulang ko ang pag alis ni Kairus sa pagiging actor nito. Mababakas sa kanilang mukha na hindi makapaniwala. Napalingon ako kay mommy na nakangiti habang nakatingin sa akin.

I smiled back!

"What's your plan hijo?.." rinig kong seryosong tanong ni Lolo.

"Plan sir? Marami akong plano.." nakangiting ngunit seryosong sagot naman ni Kairus. Napatingin kaming lahat kay lolo at kay kairus na parang sila lang ang nag uusap.

"Likw what?." mukhang alam ko na kong saan patungo ang usapan nito. Sinamaan ko ng tingin si Kairus na nakatingin pala sa akin habang nakangisi.

"Ang pakasalan po ang apo niyo." mayabang niyang sagot na hindi man lang tinanggal ang paningin sa akin.

Umawang ang bibig ko!

Natahimik kaming lahat dahil sa kaniyang sinabe. Narinig ko kaagad ang tikhim ni lolo dahilan para sabay namin itong nilingon.

"Do u love my granddaughter?." Tanong ni lolo na ikinalaglag ng panga ko. Pumula ang pisngi at ramdam ko ang pag akyat lahat ng dugo ko sa batok, tenga at sa mukha ko.

"Lo?.." gulantang kong sabe.

"Yes sir. Mahal ko po ang apo niyo." mabilis na sagot ni Kairus na ikinatahimik lalo namin. Gulat kong nilingon si Kairus na nakangisi at kinindatan ako.

Hindi ko akalain na aamin talaga siya sa harapan ng magulang ko, sa bagay, umamin nga siya sa buong mundo na mahal niya ako eh, yong sa presscon, sa pamilya ko pa kaya. Nakakagulat lang dahil umamin talaga siya.

"Okay?.." sagot ni lolo.

Ha? anong okay?

"Sir?.." nagtatanong na tonos ng boses ni Kairus. Tumingin sa aming dalawa si lolo ng mariin bago tumango.

"Plan the d*mn wedding then."

I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )Where stories live. Discover now