Chapter 210

446 5 0
                                    

"High school pala ako. Nag aaral palang ako, I met this girl, Stella Issabelle Romero o kilalang Deinleigh Light Montero na ngayon. She's Amara's bestfriend. Kilala ko na rin si Amara nong bata palang ako dahil sa pagiging magkaibigan ng magulang namin at don ko rin nakilala si stella nong pinakilala ito sa akin ni Amara. She's kind, and very simple. Napansin ko ang pagiging mahinhin niya, tahimik niya at pagiging humble niya. She's beautiful like a goddess. Lagi kong naririnig ang pangalan niya sa buong campus dahil bukod sa maganda siya ay napakamatino rin."

Natigilan ako!

Panay ang click ng camera pero mukhang wala lang kay Kairus dahil siguro sanay na ito. Nakatingin siya sa mga audience na biglang tumahimik at tanging maingay lang ang flash at click ng camera. Unti unting bumibigat ang dibdib ko. Ito ba ang sinasabing gagawin ni Kairus? Ito ba ang sinasabe niyang mahalaga niyang gagawin.

"Pero kahit ganon, hindi ako interesado sa kaniya. I'm not interested about her kahit na saan ako magpunta sa buong campus, pangalan niya ang naririnig ko kong paano siya purihin ng mga lalake, babae o guro man sa sobrang talented. I don't like her, I don't really like her kase alam ko kong sinong gusto ko and it's Amara.."

Natulala ako sa TV. Naalala ko noon simula umpisa. Naalala ko lahat kong una ko siyang nakilala. Yong mga araw na hindi niya ako napapansin o nakikita dahil abala ito kay amara at ang tanging nakikita lang nito ay ang kaibigan ko. Napahawak ako sa dibdib ko habang nanalalabong nakatingin sa TV.

Suminghot ako!

"Hanggang sa dumating yong araw na hindi ko inaasahan. Nalaman ko yong sekreto niya. Sekreto niyang matagal na niyang nilihim. Nakita ko ang kaniyang notebook na hindi ko alam na diary niya pala at mas lalong hindi ko inaasahan na sa bawat pagbuklat ko sa pahina ay ang pangalan ko ang nakikita ko na sinasabe sa diary na kong gaano niya ako kamahal, kong gaano katagal niya akong minahal. Childish but cute. Nong una nagalit ako kase pakiramdam ko tinatraydor niya ang kaibigan niya. Nagalit ako kase pakiramdam ko hindi siya magandang kaibigan ni Amara dahil nagkagusto siya sa akin, dahil pakiramdam ko mali ang magkagusto sa akin dahil isa lang ay may nag mamay ari sa akin at si Amara iyon"

Humalakhak si Kairus ng mahina at rinig na rinig iyon ng lahat. Sumilay kaagad ang kaniyang ngisi sa gwapo niyang mukha. Napahawak ako sa aking dibdib ko nag nagsimula itong bumigat. Hinabul ko ang aking hininga habang nangingilid ang matang nakatulala sa TV.

Suminghap si Kairus!

"I confront her, tinanong ko siya kong totoo bang mahal niya ako pero sabe niya hindi daw pero sempre hindi ako naniwala kase nakita ko mismo sa diary niya eh. Hindi  din siya magaling magsinungaling para sa akin kase nababasa ko sa mga mata niya. Kong anong kasinungalingan ang lumalabas sa bibig niya ay katutuhanan naman ang nakikita ko sa kaniyang mata.... Kaya ayon, sinabihan ko si Amara na umiwas muna kay stella kase nga pakiramdam ko hindi siya maganda kaibigan pero hindi niya sinunud.."

Nanginig ang labe ko at napaawang. Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Naninikip ang dibdib ko at para itong pinipiga ng paulit ulit. Suminghot ako.

"Hanggang sa dumating ang isang araw na sinagot ako ni Amara. Hindi ko na pinansin si Stella, ni hindi ko siya tinitingnan kahit na parang hinihila ang ulo ko na tingnan siya pero hindi ko ginawa. Anim na taon akong nanligaw kay amara kaya naman abot hanggang langit yong saya ko ng sinagot niya ako. Tuluyan na ngang nawala sa isipan ko si stella dahil nagfocus ako kay amara. Naging kami ni Amara ng isang buwan o ilang linggo lamang bago yong graduation namin saka niya ako iniwan papunta sa ibang bansa para sa kaniyang pangarap."

Tumigil saglit si Kairus at napabuntong hininga. Namuo ang luha sa mata ko pero kinurap ko iyon upang malinaw parin ang paningin ko sa TV.  Hindi na ako makahinga ng maayos. Taas baba ang balikat ko dahil sa matinding paghinga.

"Yes naging kami ni Amara pero naghiwalay kami nong iniwan niya ako para sa pangarap niya. I was hurt that time, na halos hindi ako makalabas sa kwarto dahil palaging nakamukmuk. I was really hurt, na hanggang sa dumating si Stella sa buhay ko. Sa araw na iyon ay napakagag0 ko dahil ginamit ko si stella, I used her to forget Amara, ginamit ko siya para makalimutan ko yong naramdaman ko para kay Amara and she's agreed, actually siya yong nag suggest non na gamitin ko siya and because i am a asshol*, I did."

Bumagsak ang luha ko. Nanlabo na ang mata ko dahil sa mga luhang sunod sunod ang pag agos pero kahit nanatili akong nakatingin sa TV at nakikinig. Suminghap ako at halos gusto ko nalang umupo sa sobrang panghihina.

Suminghot ako!

"Weve been together for almost 5 years. Nong una wala akong naramdaman sa kaniya pero habang tumatagal kami ay mas lalo ko siyang nakilala. Naging kami limang taon na tanging kami lang ang nakakaalam maliban sa P.A kong si Migz. I was with her for almost 5 years. Kasama ko siya sa pag abot ng pangarap kong maging actor. Kasama ko siya sa mga na achieve ko at sa mga award na natanggap ko. She's always there for me. Hindi niya ako kailanman iniwan kahit na paulit ulit ko siyang sinasaktan at pinapaiyak."

Mas lalong bumuhos ang luha ko. Hinihingal na ako at halos hindi ko na mahabul ang hininga ko. Naninikip ang dibdib ko dahilan para mapahawak ako sa dibdib ko at pasimpleng hinaplos ito. Napailing ako habang lumuluha. Ang sikip sikip sa dibdib.

"Tulad ng sabe ko wala akong naramdaman na pagmamahal sa kaniya. Siguro gusto ko siya pero hindi ko mahal. Nabulag ako sa pagmamahal ko kay Amara na halos hindi ko mapansin ang naramdaman ko towarsa stella, hindi ko nabigyan pansin ang totoong naramdaman ko siya kase nga akala ko si Amara parin lalo nong muling bumalik si amara sa pilipinas at naging ka loveteam ko pa, pero yong dumating yong araw na iniwan niya ako, don ko nalaman na mahal ko na pala si stella, masyado akong in denial sa naramdaman ko. Walang wala yong sakit na naramdaman ko nong iniwan ako ni Amara, dahil mas masakit yong pag iwan ni stella sa akin."

Humikbi ako hindi ko napigilan. Sunod sunod ang pag agos ng luha ko na parang ulan. Hinihingal ako at halos hindi ako maayos huminga. Huminto saglit si Kairus at narinig ko ang kaniyang singhot. Mas lalong naging tahimik ang mga Audience ni Kairus. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang sikip.

I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )Where stories live. Discover now