Chapter 219

509 3 0
                                    


KAIRUS POV.

Nagpakalma muna ako sa aking sarili bago ako muling pumasok sa condo unit ko at naabutan ko doon si Stella na ginagamot ang sugat ni Ken na kagagawan ko. Napailing ako ng marinig ko ang halakhak ni Ken bago siya na mismo ang nag gamot sa kaniyang sarili.

Pumasok ako sa kwarto at padabog na sinara ang pintuan at iniwan sila doon. Dumiretso ako sa banyo at naligo kaagad dahil pakiramdam ko kailangan ko ng malamig na tubig. Taas baba ang balikat ko dahil sa matinding paghinga. Nakakabadtrip. Hindi ko nagustuhan ang sinabe ni ken na gusto nito si stella.

Ilang minuto akong naligo bago ako lumabas saka dumiretso sa walk in closet saka nag bihis ng tuxedo. Tinanggal ko sa isipan ko si ken dahil kahit alam kong gusto niya si stella, hindi naman ako nagpapatalo. Sa sobrang excited ko ay ako na mismo ang sumundo sa magulang ko upang magpunta kaagad sa mga Montero upang doon na kumain.

Pagpasok palang namin sinalubong kaagad ako ng isang tahul na familiar sa akin, na hindi ko kailanman makakalimutan hanggang sa makita ko ang aso namin ni Stella na matagal ko ng hinahanap.

"Chuchi?.." gulat kong usal.

Sinalubong ko ito at kaagad dinala sa mga bisig ko. Hindi ko alam na kay stella lang pala ito. Hinanap ko pa ito ng matagal. Hinaplos ko ang makapal niyang balahibo bago niya dinilaan ang kamay ko. Hindi ko akalain na e nasa pangangalaga lang pala ito ni stella.

Napangiti ako!

Kaagad ko itong nilapag ng maging malikot ito sa bisig ko saka ko siya sinundan habang may ngiti parin sa mga labe ko. Binalik ko lang ang pagiging seryoso ko ng kaharap ko na ang magulang ni Stella lalong lalo na ang kaniyang lolo na nakakatakot.

Tahimik lang ako habang sila nag uusap hanggang sa dumating si Stella na mukhang mas gulat pa ata. Kitang kita ko ang pamumutla ng kaniyang buong mukha na hindi ko alam kong para saan. Kong hindi pa siya nilapitan ng kaniyang lolo ay hindi ito gagalaw.

Napakagat ako sa labe.

Ang cute niya!

Kumunot lang aking noo na parang hindi mapakali si stella. Kanina pa ako nakatitig sa kaniya kaya napapansin ko kaagad ang pagiging balisa ito at mas lalong pumutla ang kaniyang mukha ay dahil lang pala may tinatago sa akin.

"Daddy?.."

D*mn!

Isang sekretong nagpaguho sa akin. May anak ako? Tangin*, may anak ako na hindi ko alam. May anak ako na nag eexist.

Hindi parin ako makapaniwala. Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko. Pinasadahan ko ng tingin si Apollo, ang anak ko, pinakilala niya ang sarili niya sa akin. He look like me. Nakita ko na siya sa isang restaurant na hindi ko alam na anak ko pala. Kaya paa familiar sa akin ang mukha niya dahil parang ako nong bata pa ako.

Bumagsak ang isang butil kong luha. Hindi ko maiwasang hindi masaktan. Halos hindi ako makapaniwala na meron akong anak tapos hindi ko pa talaga alam. Parang gumuho ang mundo ko. Para akong binagsakan ng langit lupa. Sari sari ang emosyong naramdaman ko na hindi ko mapaliwanag kong ano ang mga iyon.

Gusto kong magalit kay stella dahil sa pagtago sa anak ko. Gusto kong magalit dahil tinago niya ang anak ko ng tatlong taon. Gusto ko siyang sigawan kong bakit niya tinago ang anak ko kase ang sakit eh, may anak ako na hindi ko alam. Gustong gusto kong magalit pero hindi ko magawa kase sa tuwing pumapasok sa isip ko kong gaano ko siya nasaktan ay hindi ko kayang magalit, sa tuwing pumapasok sa isip ko ang panghuhusga ng mga fans sa kaniya, tuwing pumapasok sa isip ko ang sinabe niyang muntik ng makunan ay mas lalo akong nanghina.

Sunod sunod ang pagbagsak ng luha ko dahil halos hindi ko matanggap lahat ng nalaman ko, na halos hindi pa ma proseso sa utak ko ang lahat ng sinabe ni stella at nalaman ko. Mas lalo lamang akong nagalit sa sarili ko dahil kasalanan ko kong bakit mas pinili ni stella na itago sa akin ang anak ko.

I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )Where stories live. Discover now