Chapter 204

437 8 0
                                    


Nabitawan ko kaagad ang telepono at natulala nalang habang nagpaulit ulit sa akin, sa utak ko ang sinabe ng nurse. Biglang huminto ang tibok ng puso ko. Parang gumuho ang mundo ko. Naramdaman ko kaagad ang sunod sunod na pag agos ng luha ko sa pisngi ko galing sa mga mata ko.

"What happen?."

Narinig ko ang boses ni Kairus na alam kong palapit sa akin hanggang sa naramdaman ko nalang na nasa tabe ko na ito. Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa akin na punong puno ng luha ang mga mata ko.

Napasinghap si Kairus!

Naramdaman ko rin ang presensiya ni Ana at Josh na palapit sa amin. Nakita ko mula sa gilid ng mata ko ang pagkuha ni Kairus sa telepono bago ito sinagot.

"Hello?....yes?....what?.." biglang sigaw ni Kairus na mukhang merong sinasabe ang babae sa kabilang linya. Tulad ko ay gulat din siya at hindi makapaniwala. Napasinghap itong napalingon sa akin. Sunod sunod ang pag agos ng luha ko. Yong puso kong biglang tumigil kanina ay parang isang iglap ay bumilis kaagad.

"Y-yeah, were coming.." huling sabe ni Kairus bago binaba ang phone. Napalingon sa akin si Kairus at hinarap niya ako. Naramdaman ko ang pagpunas niya ng luha ko pero wala iyong saysay dahil umagos parin. Napailing ako habang nakatingin sa kaniya.

Hindi ako makapagsalita dahil nauunahan ako sa pag hagulgul ko. Yumuko ako saka ako tumingala habang sunod sunod ang pag agos ng luha ko. Narinig ko kaagad ang tanong ni Josh kong anong nangyare pero hindi sumagot si Kairus bagkos inutusan niya si Ana na ihanda ang kotse.

Napasinghap ako!

Napaupo ako sa panghihina at walang ibang laman ang utak kundi ang anak kong nasagaaaan ng kotse. God, halos hindi ko maisip ang maging itsura ng anak ko. Naiisip ko palang para akong dinudurog ng paulit ulit. Para akong nabingi sa lahat. Nagsasalita sila pero wala akong naririnig. Nangingibabaw ang pag aalala ko sa anak ko at halos hindi ako mapakali na parang gusto ko nalang lumipad papunta sa hospital.

"Let's go?.." narinig kong sabe ni Kairus bago ako hinila palabas ng bahay. Meron pa siyang binilin kay josh na hindi ko na alam kase hindi ko naman narinig. Kaagad akong pumasok sa kotse at nagsoot agad ng seatbelt at ganun din si Kairus.

Halos hindi ako makapagsalita. Nanuyo ang lalamunan ko at halos ramdam na ramdam ko ang kirot sa puso ko. Naramdaman ko ang kamay ni Kairus na humawak sa kamay ko pero halos hindi ko na pansin iyon. Sunod sunod ang pag agos ng luha ko.

Naiisip ko palang ang anak kong nasagasan ng kotse ay parang hindi ko kaya. Naiisip ko palang ang mukha niyang puno ng sugat at dugo ay daig ko pa ang pinatay. Paano naging ganon ang anak ko?. Diba kasama lang ito ng magulang ni Kairus pero bakit ganon ang nangyare?

Taas baba ang balikat ko dahil sa pag iyak. Yumuko ako bago ako napahawak sa dibdib ko.

"S-stella?.." narinig ko ang tawag ni Kairus sa akin.

Umiling ako!

"Bilisan nalang natin please." halos pabulong kong sabe.

Sinunud naman kaagad ni Kairus ang gusto dahilan para hindi nagtagal kaagad naming naabut ang hospital. Nauna akong lumabas at kasunod si Kairus. Hindi ako nag dalawang isip na pumasok sa hospital at kaagad nagtanong tungkol sa anak ko.

"Nasa E.R miss." kaagad akong tumakbo papunta doon. Sumakay kaagad ako ng lift at kasunod si Kairus. Walang tigil ang pag agos ng luha ko na parang ulan. Nag uunahan itong umagos na sunod sunod.

Hindi ako mapakali. Nagsasalita si Kairus pero hindi ko narinig kase nabingi ako. Wala akong ibang narinig kundi ang boses nong nurse na sinabe nitong na sagasaan ang anak ko. Pinaglaruan ko ang mga palad ko habang naghihintay na bumukas ang lift.

Hindi din nagtagal ay bumukas ang lift at kaagad kaming lumabas. Tumakbo kaagad ako habang kasunod si Kairus. Palapit ako ng palapit habang mabilis ang takbo upang marating ang E.R na kong saan andon ang anak ko. Napasinghap nalang ako at yong takbo kong napakabilis ay unti unting nanghina ng makita ko ang magulang ni Kairus sa harapan ng pintuan ng E.R na hindi mapakali na abala sa phone habang merong tinatawagan.

Unti unti naman akong bumaling sa harapan lang nila na kong saan doon ko nakita si Amara na punong puno ang dugo ang magandang damit lalong lalo na ang kaniyang kamay. Umiiyak ito at hindi rin mapakali. Yong soot niya ngayon ay soot din niya kanina sa TV na kong saan tinatanong siya ng mga reporters.

Napailing ako!

Nagtagpo ang mata namin. Gulat kaagad ito ng makita niya ako. Natigilan si Amara at kitang kita ko iyon. Hindi ko maalis ang mata ko kay amara kahit na nilagpasan na ako ni Kairus na dumiretso kaagad ako pintuan ng E.R. at sinubukan silipin ang anak ko na parang hindi niya man lang napansin si Amara, na parang hindi niya nakita si Amara.

Dahan dahan akong lumapit kahit na nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha. Napailing ako dahil mali ang nasa isip ko. Kusang bumagsak ang mga luha ko bago ako nanghihinang huminto sa harapan ni Amara.

Tiningnan ko itong lumuluha habang dahan dahan akong napatingin sa damit niyang merong dugo.Napa atras ako at naiiyak kong tiningnan si Amara. Narinig ko kaagad ang tawag sa ina ni Kairus sa akin pero hindi ko pinansin.

"I-ikaw?.." nanghihina kong tanong. Kitang kita ko kong paano bumagsak ang luha ni Amara. Napailing ako dahil hindi ko kayang malaman na siya ang dahilan kong bakit andito ang anak ko. Naluluha akong napatingin sa damit niya at kitang kita ko doon ang dugo.

"I-ikaw ang nakasagasa sa anak ko?." hindi makapaniwalang sabe ko. Mas lalong bumuhos ang luha ko ng wala akong marinig na salita mula sa kaniya dahil yumuko lang ito at umiyak.

I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )Where stories live. Discover now