Chapter 202

484 9 0
                                    

Isa, Dalawa, tatlo, Apat, lima, anim. Anim na oras kaming nasa bahay lang ni Apollo. Hindi ako lumabas dahil wala naman akong trabaho. Tinapos na namin kaagad lahat ng trabaho namin. Wala akong ginawa sa bahay kundi ang manood ng news noon. Nasa kwarto ang anak ko kasama si Ana at hindi ko alam kong anong ginagawa.

"Are you in relationship with Kairus Dhan Alvarez? Is it true?.." tanong ng isang reporter kay amara. Nakatitig lang ako doon. Matagal na itong news, 3 years ago na at hindi ko alam kong bakit pinanood ko ito ngayon.

Ngumiti si Amara bago siya tumango " yes.." nakangiti niyang sagot.

Hindi ko alam kong anong magiging reaction ko dahil sa sinabe niya. Ang sabe sa akin ni Kairus, walang katutuhanan ang lahat sa kanila ni Amara dahil purong kasinungalingan lamang. Hindi ko alam kong anong dapat kong maramdaman dahil doon.

Sa ganoong pangyayare akong naabutan ni Kairus. Kaagad kong pinatay ang tv at nakangisi kong tiningnan si Kairus. Kumunot pa ang noo ko at nagulat pa ako ng bahagya ng makita ko ang isang bouquet ng bulaklak na hawak niya.

Napamaang ako!

"Daddy?.." biglang umalingawngaw ang sigaw na iyon ni Apollo na nasa hagdan na bihis na bihis na, na parang handa ng umalis. Nakasunod si Ana sa anak kong tumatakbo pababa ng hagdan.

Napailing ako!

Tumakbo kaagad ang anak ko palapit sa amin ng tuluyan itong nakababa ng hagdan. Sinalubong ito ni Kairus at kaagad kinarga gamit ang isang kamay. Hinalikan ni Kairus ang anak bago bumaling sa akin.

"Para sayo.." sabay lahad sa akin ang isang bouquet ng bulaklak.

Nagulat ako pero kumunot din ang noo ko ng bumaling ako kay kairus. Tinanggap ko kaagad ang bulaklak at tiningnan ito ng maigi. Favorite flower ko. Ito yong binibigay niya sa akin noon. Naningkit ang mata ko ng bumaling ako kay kairus.

He smiled!

"I'm courting you again."

W-what?

Gulat akong napalingon sa kaniya dahil sa sinabe niya sa akin. Ngumiti lang sa akin si Kairus bago tumango sa akin. Palipat lipat ang mata ko sa kaniya saka sa bulaklak na bigay niya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

"K-kairus?.." tanging nasabe ko.

Ngumiti si Kairus!

"ey? hindi kita minamadali, just like what i said, maghihintay ako, just let me love you,"

Malambing niyang sabe. Narinig ko kaagad ang impit na tili ni ana lalong lalo na ang mga katulong na kasama namin dito sa mansyon. Hindi na ako makapagsalita dahil sa kaniyang sinabe. Naalala ko pa noon, line ko yan. Para kaming teenager sa ginagawa ni kairus ngayon.

Napalunok ako!

"Let's go?.." masayang aya sa amin ni Kairus. Napabaling kami kay apollo na tuwang tuwang umalis. Napanguso ako bago ko tiningnan ang sarili ko. Hindi pa ako nakapagbihis dahil nagdadalawang isip ako kong sasama ba ako o hindi.

Nakatingin din sa akin si Kairus. Hindi matanggal ang ngiti sa kaniyang labe kaya naman nanibago ako.

"Let me change my clothes first." sabe ko. Tumango ang mag ama bago nila akong hinayaang umakyat sa taas habang daladala ang bulaklak na bigay sa akin si Kairus. Napangiti ako habang nakatingin ako doon. Hindi ko alam kong anong dapat kong maramdaman sa sinabe niyang manliligaw ulit ito sa akin.

Kaagad akong dumiretso sa closet saka nagbihis ng pants ang isang top. Simple lang ang soot ko dahil mall lang naman ang pupuntahan namin. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako bumaba. Naabutan ko ang mag ama na nakasoot ng black jacket habang meron silang hawak na sumbrero at mask.

Sinalubong kaagad ako ni Kairus. Binigay niya sa akin ang jacket, mask at sumbrero upang pangtakip sa mukha namin. Hindi na ako nag reklamo dahil para din naman sa amin ito. Bahala na. Hinawakan kaagad ni Kairus ang kamay ko habang nasa bisig naman niya si apollo na nasa isang kamay niya.

"Excited?." natatawang tanong ni kairus sa anak.

"Ofcourse daddy?." mabilis na sagot ni apollo.

Napailing ako saka ako pumasok sa frontseat.  Nasa likod ang anak ko na pinaupo ni Kairus. Inayos ko ang seatbelt ko lalong lalo na kay apollo. Pumasok din kaagad si Kairus bago nagsimulang mag drive. Buong byahe namin, ang tanging laman lang sa isipan ko ay sinabe niya kanina kahit na ang ingay ingay ng anak ko dahil kong ano anong tinuturo sa bintana.

Napangisi ako!

Napabaling ako kay kairus ng maramdaman ko ang kamay niyang kinuha ang kamay ko. Natigilan ako at halos dumoble ang tibok ng aking puso dahil sa kaniyang ginawa. Ilang sandali kaming nagkatitigan ni Kairus bago niya binalik ang mata sa daan.

Napanguso ako!

Buong byahe hawak niya ang kamay ko na pati manubela at kambyada ay nahawakan ko dahil sa pagmamaneho niya. Hindi ako nag reklamo at hinayaan siya, hindi ko rin naman makuha pabalik dahil sa sobrang higpit ng kaniyang hawak. Hanggang sa marating namin ang mall hawak niya parin ang kamay ko.

Nagpark kaagad si Kairus ng kotse bago bumaba at pinagbuksan kami pero bago yon, sinoot muna namin ang sumbrero, jacket at mask upang takpan ang aming mukha.

"lets go?"

Sabay sabay kaming naglakad papasok sa mall. Hawak naming pareho ni kairus ang kamay ni Apollo habang papasok kami sa mall na ang daming tao. Wala naman kaagad nakapansin sa amin dahil abala rin ang lahat maliban sa iba na nawewerduhan na nakatingin sa amin dahil nakita nilang nakatakip kami ng mukha.

Hindi namin iyon pinansin.

Namamangha kaagad ang anak ko sa bawat nakikita niya sa mall. Minsan minsan meron itong tinuturo kay kairus pero ang tanging sagot lang ni kairus ay later. Una naming pinuntahan ang isang sikat na restaurant sa loob ng mall. Nasa pinakadulo kami na table. Nakatalikod kami sa mga tao tapos nakaharap kami sa salamin na kong saan nakikita namin dito ang labasan ng mall na kong saan maraming sasakyan at tao na dumadaan.

Masaya kaming kumain at halos pakiramdam ko kaming tatlo ang andon. Mabilis kumain ang anak ko at hindi ko mapigilang hindi matawa ng nagpalisahan ang mag ama na paunahan maubos ang pagkain pero natalo si kairus kase nabilukan ito. Kumuha kaagad ako ng tubig upang ibigay na sa kaniya habang natatawa.

"Loser, daddy.." bungisngis na sabe ng anak ko. Tumawa kami ni Apollo at sinabayan iyon ni Kairus. Kumuha muna ako ng tissue saka ko pinunasan ang bibig ni Apollo na ang dungis dungis na.

Matagal kami natapos kumain dahil kumain pa ito ng ice cream. Grabe ang lakas nilang kumain at tanging nagagawa ko nalang ay pagmasdan silang kumain na dalawa.

Napailing ako!

Pangalawa naming pinuntahan ay arcade at doon binuhos lahat ng energy ni Apollo sa kakalaro ang barilbarilan, basketball at kong ano ano pa. Naka kuha rin ng price si apollo na isang stuf toy na spiderman kaya mas lalo siyang natuwa. Dumaan din kami sa isang shop para bumili ng damit at nagpunta pa kaming zoo saka ang huli naming ginawa ay nag grocery kami.

Gabe na ng nakauwi kami at tulog na si Apollo sa bisig ng ama. Ramdam ko ang pagod sa katawan ko pero worth it, sobrang worth it. Dahan dahan nilapag ni Kairus si Apollo sa kama upang hindi ito magising. Kinumutan ito ni Kairus bago ito bumaling sa akin.

"Tired?.." paos ang boses ni Kairus ng nagtanong ito sa akin. Tumango akong nakangiti. Lumapit ito sa akin at nagulat ako saka hindi inaasahan na bigla niya akong niyakap.

Mahigpit ang yakap niya sa akin!

"Thank you.." he whispered.

Nakatulog kami ng maaga sa gabing yon dahil sa matinding pagod pero nagising nalang ako kinabukasan ang marinig ko ang sunod sunod na pagtunog ng phone ko. Kinapa ko ito sa cabinet saka ko dahan dahan binuksan ang mata ko at tiningnan ito.

Headlines : ( A well known fashion designer, Deinliegh light Montero o kilalang Stella Issabelle having an affair with the celebrity actor, Kairus Dhan Alvarez na boyfriend ng actress na si Amara Lorraine.)

I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )Where stories live. Discover now