Chapter 211

446 5 1
                                    

"She left me because i'm asshol*. Ang sakit. Sobrang sakit pero deserve ko kase hindi mapapantayan yong sakit na dinulot ko sa kaniya sa sakit na naramdaman ko. I hurt her. Pinaiyak ko siya at sinaktan ng paulit ulit kaya naman nong bumalik siya galing sa paris ay hindi ako nag dalawang isip na gamitin ang pagiging fashion designer niya para mapalapit kami ulit. Gumawa ako ng fake contract sa agreement namin para hindi niya ako iwan ulit kase ayoko ng maiwan. Gusto kong magalit sa pag iwan niya sa akin at dahil hindi niya ako hinayaang magpaliwanag sa nangyare pero hindi ko magawa dahil mahal ko. Mahal na mahal ko."

Humikbi ako!

Dahan dahan akong napaupo sa isang monoblock na upuan habang nakatulaa parin sa TV. Narinig ko kaagad ang singhot ni Kairus at malakas na buntong hininga nito na parang nanuyo din ang kaniyang lalamunan. Akala ko sa akin lang nagbara pero ganun din pala siya.

"Kaya, kong tatanungin niyo kong meron kaming relasyon ni Amara? Ang sagot ko ay wala. Wala kaming relasyon ni Amara ngayon. Yes naging kami pero matagal na kaming wala. Yong mga nakikita niyo, nababasa niyo tungkol sa amin ni Amara ay purong kasinungalingan lamang, purong pagpapanggap lamang. Hindi ko alam kong bakit sinabe ni Amara na meron kaming relasyon 3 years ago pero ang totoo ay wala naman. Wala na kami at matagal na. I am inlove with Stella right now at wala ng iba."

Malamig na sabe ni Kairus. Tumigil siya saglit habang nakatingin sa audience.  Tuloy tuloy na parang gripo na umagos ang luha ko. Sinubukan kong humingi ng malalim pero hindi ko magawa dahil mas lalo lang ata akong naiyak dahil sa huli niyang sinabe.

Napasinghap ako!

"Uulitin ko. Wala kaming relasyon ni Amara. Pasensiya na din dahil kasinungalin na nagawa namin na meron kaming relasyon ni Amara, sa mga palabas na totoong meron kaming relasyon. Stella didn't give my heart a chance to love again or to love another.Lahat ng naramdaman ko para kay amara ay nabura na lahat dahil napalitan na ito ni stella. She change me. Binago ako ni stella. Ang dami niyang sakripisyong nagawa para sa akin dahilan para mas lalo ko siyang mahalin."

Ngumisi si Kairus!

Pinunasan ko naman ang luha ko kahit na tuloy tuloy parin ang pag agos nito. Hindi ko matanggal ang mata ko sa TV, sa mukha ni kairus na nakatingin lamang sa camera habang seryosong nagsasalita. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ko at halos hindi ko inaasahan na gagawin ito ni Kairus.

Nanatiling tahimik ang mga Audience, nakita ko dito ang ibang tao na pasimpleng pinunasan ang kanilang mga luha habang nakatingin parin kay kairus na punong puno ang pagkamangha ng mga mata. Suminghot ako bago ko tinaggap ang tubig na nilahad sa akin ni Ana. Ramdam ko ang pamumugto ng mata ko pero hindi ko alintana iyon.

Napa ayos kaagad ako ng upo ng makita kong merong isang reporter na nagtaas ng kamay. Nanatiling natihimik ang lahat kahit na bumaba ang isang host para bigyan ng microphone ang isag babaeng reporter na mukhang merong itaanong. Tumango lang si kairus na mukhang hinayaan niyang magtanong ang isanv reporter.

"Totoo bang meron ka ng anak kay stella?.." biglang tanong nito na ikinasinghap ko. Tiningnan ni kairus ang isang reporter bago siya bumuntong hininga. Muling humarap si camera saka ngumiti. Muling natahimik ang audience at hinintay ang sasabihin ni Kairus.

Kairus nodded!

"Yes, I have a son, Apollo Kaious Montero-Alvarez.." buong pagmamalaking sabe ni Kairus. Taas noo niya itong sinabe sa lahat. Nakarinig kaagad ako ng singhapan at bulungan. Nagkatitigan agad kami ni Ana bago ako bumaling sa anak ko na natutulog parin.

Bumuntong hininga si Kairus!

"Nito ko lang din nalaman na meron akong anak. I was shock dahil hindi ko akalain na meron na pala akong anak. He's Apollo Kaoius Montero-Alvarez. Nasa hospital siya ngayon dahil sa isang aksidente na hindi ko rin inaasahan na mangyayare. Totoo lahat ng nakikita niyo sa picture sa social media na meron akong anak na kasama ko ngayon si stella. Totoo lahat ng sa amin nk stella na meron kaming relasyon maliban sa sinasabi niyong inigaw ako ni stella mula kay amara, dahil ang totoo walang agawan na naganap at nangyare. Girlfriend ko si stella at hindi ako kailanman inagaw ni stella kay amara. That's the truth.."

Humugot ng hininga si Kairus!

"Isa sa dahilan kong bakit andito ako ngayon, nakatayo sa harapan ninyo na alam kong pinapanood ako ng buong mundo. I will quit showbiz. I, Kairus Dhan Alvarez signing off as ur actor.."

W-what? He'll quit?

Maingay ang media sa background. Nagkagulo ang lahat. Napasinghap rin ako at halos malaglag ang panga ko dahil sa biglaan niyang sinabe. Napatayo ako sa gulat dahil hindi ko inaasahan na marinig ko ang sabihin ni Kairus na umalis na.

"Hala? quit na?.." rinig kong gulantang na sabe ni Ana pero hindi ko siya nilingon.

"Pinasok ko ang showbiz at actor dahil pangarap ko ito. Simula bata palang ako, pangarap ko ng maging actor. Mahal na mahal ko ang pagiging actor ko at alam un ni stella, pero hindi ko nagustuhan ang reaction ng mga fans. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niyo. Sinaktan niyo ang babaeng mahal ko sa mall 3 years ago at hanggang ngayon. I didn't like the way you treated her. I'm sorry stella. Sorry din sa magulang ni stella, kay Mr. Mrs Montero lalong lalo na sa kaniyang lolo at sa kapatid niyang si dwayne, sa anak ko, kay migz, kay direk, sa pamilya ko at sa mga fans kong masasaktan sa desisyon ko..."

Mas lalo akong nagulat!

"At sa mga fans ko, salamat sa suportang ibinigay niyo sa akin for the past years until now. Sana supurtahan niyo rin ako kase to be honest hindi na ako masaya sa pagiging actor ko dahil kong mas papipiliin ako kong mananatiling actor o ang mag ina ko. Hindi ako mag dadalawang isip na piliin ko ang mag ina ko. Again, I will quit show business. I, Kairus Dhan Alvarez signing off as ur actor from now on and then, thank you."

Tumango ng isang beses si Kairus bago pumihit patalikod at umalis habang nakasunod si Migz at dalawang bodyguard. Natulala ako sa TV habang naririnig ako ang nagkakagulo ng mga reporters at media dahil sa huling sinabe ni Kairus. Nahigit ko ang aking hininga at hindi ko inaasahan ang sinabe ni Kairus.

I'm Inlove With My Bestfriend's Boyfriend ( ending )Where stories live. Discover now