#DDMS12

132K 6.4K 2.1K
                                    



#DDMS12


FEUILLE

ACCORDING to studies, people check their phones at least 58 times a day.

And I could see its truth right in front of my eyes, as we observed people clicking on their gadgets while they wait for their drinks and talk to their friends.

Kaya naman sa dalawampu't tatlong customer na naririto ngayon sa Sunny's Coffee ay nakita ko nang lahat ang dala nilang mga cell phone, at wala ni isa sa kanilang may-ari ng Samsung A53.

"Hindi kaya second phone niya ito? Nakatago sa bag?" kagat-labing tanong ko kay Xantiel.

Kinakabahan ako, ngunit kalmado pa rin ang katabi kong engineer. Nilabas niya ang dala-dalang laptop mula sa bag at binuksan ito.

Nabanggit niya kaninang dito kami pumuwesto sa sulok upang hindi masipat ng CCTV ang gagawin niya sa screen.

"Nope, it's not his second phone. Because our k1llj0y person is currently online and typing," balita niya sa 'kin. "Don't worry, little lady. Marami pa tayong oras." Saglit siyang tumingin sa suot na relos bago nagsimulang mag-type.

Nang mapansin ang kunot sa 'king noo ay marahan siyag tumawa't ngumiti. "Feuille, do you know what revenge porn is?"

Nagpanting ang aking tainga sa kaniyang sinabi. "Ha?! Nasa gitna tayo ng kaso, tapos porn ang nasa isip mo?"

He took his can of Horoyoi Amanatsu, pressing its cold side on my unexpecting cheek, making me gasp in surprise. "Init-init ng ulo mo, babe. Tingnan mo, namumula na naman mukha mo. Baka sumabog ka niyan."

Sa sobrang galit ay sinundot ko ang kaniyang tagiliran!

"A-aray! Mag-ingat ka sa pagsundot, baka mamaya kung ano masundot mo!" reklamo ng engineer.

Ginulo niya ang ibabaw ng buhok ko sabay pindot sa ilong ko. "Makinig ka kasi. Hindi pa nga tayo, eh. Nagseselos ka na agad. Ikaw lang naman."

Shit, fuck, damn.

Hindi ko na alam kung parte pa ba ito ng pagpapanggap namin o totoo na ang sinasabi niya. Vouganvilles and their fucking mind games.

"Revenge porn is when sexually-explicit photos or videos of people are posted online without their consent, madalas ay ginagawa ito ng mga ex upang makaganti sa dati nilang kasintahan," paliwanag ni Xantiel.

Maya-maya ay nagpakita siya sa akin ng isang Tumblr account, ngunit ang nakalagay ay This page no longer exists.

"There was an existing website before, and its objective is simple. If your girlfriend cheated on you, post their nude photos here," Xanti continued his explanation. "Sumikat ang page na 'to two years ago dahil doon. Anyway, I'm bringing this up now because there's something suspicious. This site is already taken down, but I was able to access its content."

Xantiel quickly checked our surroundings, then proceeded to show me something on the laptop screen. It's a lewd image of a brunette with dark eyes and tanned skin.

The name of the girl is Joy Aleriano.

"She's the first ever post in this Tumblr page, and the first ever victim. Now, this is where things get interesting . . ." The engineer clicked a folder from his laptop, and my eyes widened at the images before me.

"I-Ito ang larawan ng mga biktima sa Discord kung saan nakasali si Haira!" aking pag-anunsyo, kahit nabigla ay sinigurado kong mahina lamang ang aking pagkakasabi.

"Yes, notice anything similar?"

Siningkit ko ang mga mata ko at ikinumpara ang larawan ni Joy Aleriano sa mga biktima ng k1llj0y's Playground.

Danger, Danger, Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon