#DDMS15

125K 6.1K 2.6K
                                    




Trigger warning:
This chapter contains depictions of su*cide.


#DDMS15


FEUILLE

INFAMOUS market crash of Delta Pharmacy drives 48-year-old carpenter Diosmarino Brando to kill self after losing all life savings

Nakalagay rito na ang karpenterong nagpakamatay ay nagngangalang Diosmarino Brando.

I scrolled down to see more photos of him.

Oh my god. Siya nga 'yong lalaking nagsasalita sa balita tungkol kay Deux!

He's . . . dead? But how come he was able to appear and speak in public? Hindi ko maintindihan. Buhay na buhay siyang nagsasalita at nagbabanta sa TV!

Kaya pala parang nakakita ng multo si Xantiel nang mapanood niya ito.

Alam niya ba ang tungkol dito? Kay Diosmarino Brando?

Imposible, dahil sa mga panahong iyon ay sampung taong gulang pa lamang si Xantiel.

Naalala ko ang ilang mga pangalan na binabanggit niya kanina sa kaniyang kuwarto. Sinubukan ko rin silang hanapin isa-isa.

RALLY TURNED RIOT—Noli Santiago, 53, died from stampede at PoCola, Inc Rally along with 10 other unidentified bodies

Eighteen years ago naman ang artikulong ito. Labindalawang taong gulang pa lang si Xantiel. Ano ang kinalaman niya sa mga taong ito?

1 Million Lottery gone wrong: 2 claiming as winners gun each other to death

Erroneous High-Stake Sports-Betting Results Caused Soccer Fanatic Ali Caliaga to Commit Suicide

Zeullith Building Blackout Led to Hundreds Dying

Kasama sa mga naging biktima ang mga pangalang narinig ko mula kay Xantiel.

All these articles were from several years ago. They're all deaths resulting from some kind of company meltdowns or glitches in programs.

Hindi nalalayo ang mga pangyayaring ito sa isa't isa, lahat ay nangyari mga 18-20 years ago. Magkakasunod at magkakadikit lamang.

Pero ang tanong na namumuo sa dibdib ko, bakit alam ni Xanti ang mga pangalan nila? Ano'ng koneksyon niya sa kanila?

I blew an exasperated sigh to try and shake off my frustrations.

Even the xkeygate couldn't give me answers. But I know who can.

Nang matapos sa paggamit ay lumabas na ako sa computer shop. Nag-iwan ako ng text kay Zilvane na tapos na akong gamitin ang program niya. Hindi ako nagpasalamat dahil alam kong may magiging kapalit ito.

Pagka-send ng text ay tinapon ko na ang phone ko sa pinakamalapit na ilog. Alam kong madali nang ma-trace ang ginamit kong number kaya kailangan ko na ulit ng panibagong phone.

***

AFTER buying a new device using the credit card that Xildius gave me, he was the first person I called.

Walang telepono ang propesor na 'yon kaya ang Villa Vouganville ang tinawagan ko.

Malambing na boses ng isang babae ang sumagot sa kabilang linya. "Hello, this is the professor's assistant speaking."

Binaba ko agad ang tawag dahil sa sobrang gulat at kaba. Naramdaman ko ang pagkabog ng puso ko. Hindi pa ako handang makausap ulit si Fift! Hindi sa ganitong pagkakataon.

Danger, Danger, Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon