Author's Announcement

58.7K 2.9K 1.5K
                                    


Hi, everyone!

This is irshwndy. The little author who wrote the XV series behind her pair of glasses and piles of worn-out notebooks. Haha, super dami pong papel na pinagsulatan ko haha para mabuo ang tatlo nating istorya mula sa Knock Knock Professor, Hush Louder, at Danger Danger Mr. Stranger.


Ito po ang aking first ever series sa Wattpad. Yes, first time ko lang pong makatapos ng isang series! At grabe, super hindi ko po in-expect na madidiskubre niyo po ang XV series at may mga magbabasa po ng mga istoryang akin lamang naisipang gawin nang biglaan.

Before XV series po kasi, puro light rom-com ang mga sinusulat ko. Mapapansin niyo po ito sa iba kong stories tulad ng Trapped in a Candy, My Sweet Little Monster, Well of Cherries, saka Sharky and the Giants. Super nag-enjoy akong isulat din sila. Pero one time, bigla na lamang ako nagkaroon ng what if.

What if subukan kong magsulat ng medyo dark? Ng mystery-thriller? Ng may tema tungkol sa psychology?

At boom—hindi ko akalain na napapansin ko na lamang na sa sobrang nag-e-enjoy ako sa pagsusulat ay inaabot na ako nang madaling araw. Hindi ko namalayang gumigising ako nang maaga na excited ituloy ang sinusulat ko bago matulog.

Na tuwing weekend, imbes na gumala ay sabik akong bumisita ng cafe para mag-outline ng susunod na plot. (Huwag niyo akong gayahin, palawakin niyo ang inyong social life! Haha)

Sa sobrang sabik sa pagsusulat, marami ay sinusulat ko kahit habang may migraine ako haha. Madalas talaga akong magka-migraine simula pa pagkabata haha. Lagi kasing panay isip at overthink ng utak ko. 😅

Noong bata po ako, kada bago matulog ay nag-i-imagine ako ng story sa isip ko. Sa isip ko lang siya at hindi ko pa sinusulat dati. Tapos every night po iyon, tinutuloy ko 'yong next episode sa next night bago matulog hahaha. May mga opening song at ending song pa nga! Hahaha.

Next po ay nag-drawing ako ng comics sa likod ng mga school notebooks ko (pero syempre kapag tapos na 'yong academic year tapos hindi naubos 'yong pages haha). Tapos best friend ko yung sumusubaybay sa mga comics ko noon hahaha. Naka-33 notebooks ako noon!

And then next ay na-discover ko ang tinatawag na computer. Woah. Hahahaha. So nagsulat ako ng stories. First-ever story ko noon ay horror haha. Tapos fantasy. Tapos rom-com.

And then naging sunod-sunod na ang mga what ifs hanggang sa narito na po tayo ngayon. Published books na ang Trapped in a Candy, Knock, Knock, Professor, at Hush Louder. 😭📚

To the little irshwndy who started from daydreaming episodes every night before sleeping, thank you. Dahil sa iyo kaya nakapagsulat tayo ng XV series ngayon.

At para po sa lahat ng mga sumubok, nag-try, nagbasa, nagmahal, at sumuporta sa XV series mula sa KKP at HL hanggang sa DDMS . . . maraming maraming maraming maraming salamat po sa inyo. Dahil po sa inyo kaya nakarating po tayo rito ngayon. 🥹❤️

Thank you for taking this journey, not just with me, but with the strong-willed and brave-hearted characters of the series.

The professor.

The cute assistant.

The doctor.

The attorney.

The reporter.

The engineer.

The little lady.

Together, let us wish them farewell.

#WishYouFarewellXVseries


***

DANGER, DANGER, MR. STRANGER WILL FEATURE SPECIAL CHAPTERS IN ITS FUTURE (Manifesting) PUBLISHED BOOK.

Also, my little request: sa mga mag-reread, please huwag po tayong mag-spoil sa comments section 🥹🙏 Let us not take away the experience of excitement and thrill for our new readers 🥰❤️ Kindly tag @windiespatrol if you see spoilers sa comsec 🚨

Iniimbitahan ko po kayong lahat na magkita-kita po tayo sa darating na MIBF 2023! Nandoon po ako para pumirma ng Hush Louder at Knock, Knock, Professor books. ❤️

Ito po ang poster containing all the details:

Dear windies,The wind will carry us to greater heights

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dear windies,
The wind will carry us to greater heights. Ating sundan ang ihip ng hangin patungo sa 'ting mga pangarap.

Love and wishes,
irshwndy 🍃


P.S. See you sa next series! 😉

Danger, Danger, Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon