Prologue

26.9K 448 5
                                    

Malaki at maganda ang bulwagan na pinagdadausan ng isang marangyang pagtitipon. Bumabaha ang mga pagkain at marami ang nagsasaya.

Ginawa ang pagdiriwang na iyon dahil sa isang malaking okasyon . Sa wakas kasi ay ipapakilala na ang LUNA o ang Female Alpha na gagabay sa kanilang Pack sa mga susunod na buhay nila.

Humakbang sa isang malaking entablado na napapalibutan ng magagandang disenyo ang dating Luna ng Pack na iyon. Kasama nito ang Mate na dating Alpha. Bakas sa kanila ang kasiyahan kahit na tumatanda na siya ay masaya pa rin sila sa isa't isa at bakas pa rin ang kakisigan at pagmamahal ng dalawa para sa isa't isa.

Sumunod dito ang Alpha. Ang anak ng dating Alpha, kasunod nito sila Van na kasalukuyang Beta at si Trift na kanilang Delta.

Tumahimik ang lahat ng tumikhim ang Apha sa harapan nila. Punong puno ng respeto ang nakikita sa bawat isa. Gayunpaman hindi mawawala ang bakas ng kasiyahan at pagpapahalaga sa naturang araw na iyon.

"Goodevening. Alam ko namang alam niyo na ngayon ipapakilala ang bagong Luna. Ang Lunang gagabay sa atin. Ang Lunang magpapahalaga at mag-aalaga sa Pack na ito. At ang Lunang mamahalin ko ng higit sa buhay ko" nakangiting sabi ng Alpha

Nangiti ang mga myembro ng Pack na iyon. Napatunayan na mahal na mahal ng Alpha ang Mate nito.

Sa isang banda nakatayo ang Luna. Kinakabahan siya pati ang Wolf niya dahil sa mahabang panahong hinintay para maging isang Luna ngayon ay magiging isa na siya. Kahit nakakaramdam siya ng takot ay ginawa niya ang lahat para hindi tumakbo dahil sa sobrang kaba.

'No. I shouldn't feel this way. Hindi ko dapat nararamdaman ito. Tatagan mo ang sarili mo' sabi niya sa kanyang utak

'Yeah, tatagan natin ang loob natin. Matutupad na ang pangarap mong maging isang Luna. Matutupad mo na ang kagustuhan ni Mom na maging isa kang Luna' her wolf said.

Bumuntong hininga siya dahil malapit na siyang tawagin ng mate niya. At buti na lang isinarado niya muna ang Mind Link nila dahil ayaw niyang mabasa ng mate niya ang nasa isip niya pero sigurado siyang naamoy nito ang kaba niya.

Pero naisip rin niya na kailangan niya ang Mate niya para hindi siya kabahan kaya binuksan niya ito at alam na niyang nababasa na nito ang nasa isip niya pero hindi ito nagsasalita sa utak niya.

"Mom, Dad. Everyone, My beautiful lovely Luna. Our Luna" tawag sa kanya ng kanyang Mate gamit ang mikropono.

And that's her cue. Nakangiti siyang humakbang para makapunta sa gitna ng entablado. Pero bago pa man siya ulit makahakbang ay may nasagap siyang mensahe. Isang mensahe na nakapagpakaba at nakapagnyerbyos sa buong kalamnan niya.

Umatras siya hanggang sa tumakbo siya. Tumakbo siya ng mabilis. Nagpapasalamat siya na may taglay siyang kakaibang bilis kaya nakaalis agad siya sa lugar na iyon.

Pero rinig na rinig niya ang komosyon at ang pag-sigaw ng mate niya. Kinakausap siya nito sa isip niya pero binlock niya ito. Mas mahalaga ang dapat niyang unahin. Mas mahalaga kaysa maging Luna siya.

Rinig na rinig niya ang pagwawala ng Mate niya kaya nag-shift na siya. Mas mabilis kung nasa wolf na anyo siya hindi niya pinansin ang galit ng Mate niya. At alam niyang susundan na siya ng ibang myembro ng Pack na pamamahalaan niya sana.

"YHUNA!" nakakabinging sigaw ang huli niyang narinig bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.

--

A werewolf story made by Katandrea.

The Rogue's Mate

The Rogue's Mate (Completed)Where stories live. Discover now