DayDream

14.5K 301 4
                                    

Yhuna's Pov

"YHUNA!"

"Ay, Bruha ka!" napatingin ako kay Jane na kumakaripas ng takbo para lang makalapit sa akin.

I pouted nang makalapit na siya sa akin.

" Jane! Nagdadaydream na ako eh. Malapit  na akong maging Luna tapos sinira sira mo pa" inis na baling ko kay Jane naka-peace sign.

"Pinapatawag ka ni Alpha Dean, ikaw she wolf ka! Kung saan saan ka nagpupunta. Galit na si Beta Fj sa iyo tapos nanjan ka lang pala" sermon nito sa akin tapos tumayo.

Tumingin muna ako sa may talon na malapit sa pinagtatambayan ko before I stood up para pumunta kela Alpha at Beta.

Sinundan ko si Jane para makabalik sa pack namin na kilala sa tawag na Red Blood Pack. Isa sa magaling na pack na mula sa Asya, na nangunguna sa Europe at America. Masasabi kong malakas ang Pack namin kaya maraming Rogue ang nangangahas na pumasok sa teritoryo para pabagsakin. Kaya maraming assasins at Reaper sa group namin dahil sa mga Rogue.

Naaninag ko na ung Pack House at pumasok kami doon ni Jane. Nakita ko si Alpha Dean na katabi ang Luna na mate nito na si Luna Sasha. Yumukod kami ni Jane para sa tanda ng respeto.

Anak ako ng Beta Fj at may dugo akong reaper dahil warior ang aking ina dati. Umalis lang ang aking ina sa pagiging warior ng matagpuan ito ng aking ama na kanyang mate.

Napangiti ako sa isipin. Umalis na si Jane dahil inutos ng Alpha dahil mag-uusap daw kami tungkol sa dadaan na okasyon.

"Ano pong maipaglilingkod ko Alpha?" magalang na sabi ko.

Nginitian ko ung Luna at yumukod. Dapat lang silang respetuhin dahil unang una sila ang may pinakamataas na posisyon dito sa Pack, sila ang nagpapatatag sa Red Blood Pack at sila ang namumuno at masasabi ko na kung hindi sila magaling baka matagal nang bumagsak ang Pack dahil sa mga Rogue na pakalat kalat sa teritoryo namin. At kahit anak ako ng Beta ay mas mataas pa rin ang Alpha.

"Kamusta ka, Yhuna" tanong ni Alpha.

Maaliwalas na tumingin ako kay Alpha. Close kasi kami nito dahil kaibigan ni Papa si Alpha at paborito niya akong assasin kung kaya’t mabait at hindi siya pormal makipag-usap.

"Okay lang ho. Alpha" magalang na sabi ko.

"Alam mo ba na malapit ng koronahan ang anak kong si Zane para maging Alpha ng Pack at nalalapit na rin maging Beta ang Kuya mong si Howard na matalik na kaibigan ng aking anak, gusto king maging maayos ang lahat at walang Rogue na sisira sa okasyon na iyon" may awtoridad na sabi nito na lalo kong ikinayuko.

"Opo Alpha" sagot ko.

Yumakap si Alpha sa Luna.

Sweet.

And I know naiingit ako.

Matagal ko nang gustong maging Luna dahil naniniwala ako na ang itinalaga sa akin ni Moon Goddess ay isang Alpha. Na isang Alpha ang magiging mate ko. Hindi ko naman kasi hangad ang kapangyarihan ng pagiging Luna ang gusto ko lang ay ang makatulong sa Pack ng Mate ko. Dahil iyon ang bilin sa akin ni Mama bago ako iwan bago kami iwan. Pangarap niya ring maging Luna ako at tutuparin ko iyon. Iyon din ang gusto ng puso ko.

"Maari ka nang umalis Yhuna, balitaan mo na lang ako sa mga susunod na araw" sabi ng Alpha.

Iyon ang cue at tumalikod na ako at umalis sa lugar na iyon.

I am already 23 pero hindi ko pa nahahanap ang Future Mate ko. Nakakalungkot pero naghihintay ako.

’maghihintay tayo’ my wolf said

’oo, maghihintay tayo’ sagot ko.

’kahit sino pa siya’ sabi ni Ysabela na wolf ko.

’Kahit sino pa si--- Wait! Dapat Alpha siya' sagot ko.

Alam kong kung tao lang si Ysa ay baka nabatukan na ako nito.

’Yhuna, kahit sino pa ang mate natin dapat tanggapin mo’

’No way! Dapat isa siyang Alpha’ tanggi ko then I block her para hindi na niya ako kausapin.

Nakita ko sila Wayne na mga Reaper na tumutugis sa mga Rogue.

"Problem?" tanong nito

Umiling lang ako kahit ang totoo ay kanina pa ako napapaisip at natutulala.

Paano kung hindi isang Alpha ang Mate ko? Tatanggapin ko ba siya?

No way!

--

First Chapter. I hope na magustuhan niyo . Sorry sa errors and maling grammars. First werewolf story kaya nangangapa ako.

Comment comment kayo. Lame ba? Need opinion mga werewolves.

-KATANDREA

The Rogue's Mate (Completed)Where stories live. Discover now