Party

10.9K 261 3
                                    


Enjoy :)

--

Yhuna's Pov

Tumutulong kami ni Jane sa pag-aayos ng dekorasyon dahil mamayang gabi na ung paglilipat ng Alpha ang karapatang mamuno sa pack. Pati na rin ang paglilipat ni Papa ng trono kay Kuya Howard.

"Excited ka na ba sa pagiging Alpha ni Kuya Zane, Jane?" tanong ko kay Jane habang nagkakabit ng kung ano anong burloloy sa dingding ng bulwagan. Si Jane naman ay inaayos ang lalagyan ng dugo o paghahalo ng dugo sa gaganaping okasyon para mamaya.

Nakita kong sumibangot si Jane at napanguso.

"Anong paki ko naman sa hambog na un? At duh! hindi ako masaya na siya na ang magiging Alpha baka kasi bumagsak ang pack natin dahil sa kayabangan niya" sabi nito at umirap irap pa sa hangin.

Natawa ako sa reaksyon ni Jane, sa totoo lang napapansin ko rin ung pangiinis ni Kuya Zane kay Jane at alam kong laging badtrip si Jane kay Kuya Zane kasi sa tuwing tinatamaan ng kabaliwan si Kuya Zane, napagtritripan niya si Jane.

"Tsk. Bigyan mo naman ng chance ung tao. Malay mo magaling din siya tulad ni Alpha Dean. Tapos baka siya pa ang maging mate mo" pabulong ung dulo dahil baka magwala si Jane pag marinig niya iyon.

Hindi pa kasi pwede si Jane na mahanap ang Mate niya. Nasa lahi kasi nila na at the age of 24. mahahanap niya ang mate niya eh 23 pa lang siya ngayon at bukas pa siya magtwetwenty-four kaya baka bukas na niya mahanap ang mate niya.

"Hay! Naku! Yhuna. I doubt sa kakayahan ni ZaneBa or ZaneBarumbado. Mas astig pa si Kuya Howard mo kaysa dun. Alam mo namang crush ko si Kuya" sabi nito at parang bulateng inasinan sa sobrang kilig.

Napailing na lang ako at nakarinig ng Howl. Medyo kinabahan ako kasi parang si Alpha Dean ung naghowl dahil sa Alpha tone nito. Napatingin kami ni Jane sa pinanggalingan howl at namutla kami ni Jane ng makita si Kuya Zane na nangingitim ang mga matang nakatingin kay Jane.

"Anong sabi mo?" mabagsik na sabi kuya Zane at nanlilisik ang mga mata nito kay Jane. Napansin kong nagalangan si Jane pero naging matapang ulit ung mga mata nito

"Uhhh. Ammm. Ang sabi ko---"

Nakita kong kinabahan si Jane ng lumapit si Kuya Zane sa kanya at iglap lang ay nakahawak na ito sa bewang ni Jane at tumakbo ng mabilis akay akay si Jane. Napatili si Jane at biglang nawala sila na parang bula. Napailing na lang ako at iminindlink ko si Jane, sumagot agad ito ng magiging okay lang daw siya sa Zaneba na yun at biglang binlock ako ni Jane.

Itinuloy ang pag aayos ng mga decorations at napangiti.

I know magiging okay lang talaga si Jane. Hindi naman pababayaan ni Kuya Zane si Jane. Paano ko nalaman?

Well.

---

Naghahanda na ako sa party. Inayos ko ang kulay puti kong gown at tumingin sa harap ng salamin. Matamis akong napangiti ng makita ang itsura ko sa salamin.

Medyo kinakabahan ako. Ewan ko kung bakit pero baka dahil sa magiging Beta na si Kuya kaya ganun.

"Anak? Aalis na tayo" rinig kong sabi ni Dad.

"Ok, Dad. I'm ready" sabi ko sabay kuha ng pouch ko at bumaba na.

Pinuri ako ng Dad ko at napangiti ako ng matamis.

Lumulan kami sa kotse. Kami lang dalawa kasi sa may Packhouse natulog si Kuya dahil sa okasyon.

Agad naman kaming nakarating sa packhouse at kitang kita ko ang mga kotse sa labas nito. Alam kong maraming werewolves ang nandito.

Maganda ang mga lightning sa may stage. Halatang pinaghandaan ang magaganap na okasyon.

Kitang kita ko rin ang bilog na bilog na buwan na nagbibigay ilaw sa iba pang parte ng bulwagan.

Pumasok na kami ni Dad at agad itong nagpaalam sa akin na pupuntahan lang si Alpa Dean. Napatango na lang ako at hinahanap si Jane pero wala ang bruhang iyon.

Nagtry ako imindlink ito pero sarado pa rin ang mindlink nito.

Ano na kayang nangyari dun?

Napakibit balikat na lang ako sabay kuha ng wine sa may lamesang punong puno ng pagkain.

Ramdam na ramdam ko ang tinginan ng mga lalaking wolves sa akin pero hindi ko sila pinapansin.

Sa tingin ko kahit ang kaanib naming pack ay nandito kaya marami talaga ang mga werewolves.

Napatingin ako sa may stage ng tumunog ang gong. Hudyat na magsisimula na ang pagsasalin ng trono. Hindi ko na pinuntahan pa si Kuya dahil alam kong busy pa rin ito.

"Goodevening ladies and gentlemen. I am calling your attention" sabi ng host.

Agad namang tumahimik ang bulwagan. Ako naman ay parang di mapakali. I mean ang Wolf kong si Ysa.

'Ano bang nangyayari sa iyo?' tanong ko sa wolf ko.

'I don't know either' sagot nito sabay block sa akin.

Pinabayaan ko na lang si Ysa baka kasi kabado rin un dahil sa mga mangyayari ngayong gabi. Pinilit kong ituon ang pansin ko sa may stage.

"Ngayong gabi matutunghayan natin ang pagsasalin ng dugo o ritwal ng buwan. Tinatawag ko po si Alpha Dean at ang ating Luna, si Luna Shasha. Let's give them arround of applause" sabi ni host..

Pumagitna si Alpha Dean kasabay ni Luna Shasha. Lahat kami ay napayuko tanda ng reapeto. Itinaas ni Alpha Dean ang kanang kamay at ngumiti. Nakita kong nakapulupot ang mga braso nito kay Luna Shasha. At aaminin ko man o hindi. Naiinggit ako.

They look happy together.

'Ganyan rin kaya kami ng magiging soon to be Alpha mate ko?' sa isip isip ko.

Nagulat ako ng biglang dumating ang humihingal na si Jane. Halatang nagmadali ito dahil pawis na pawis ito. Napatingin ako sa oras at nakita kong malapit ng mag-alas dose. Ibig sabihin ay bday na ni Jane at malapit na rin ang pagsasalin ng dugo.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong ko kay Jane pero nakasimangot lang ito at padabog na ipinakita ang paa nito na may parang kadena na kulay ginto. Mukhang napagtripan na naman siya ni Kuya Zane. Magtatanong pa sana ako ng awatin niya ako.

"Mamaya" she mouthed.

"Salamat sa pagdalo sa munting okasyon na ito. Alam naman ng lahat na ipapasa ko na ang aking trono sa aking anak at tinatawag ko si Beta FJ kasama sina Howard at Zane ang magiging Beta at Alpha ng ating Pack" napatingin agad kami sa may stage ng magpalakpakan ang mga wolves. Lumabas si Dad at Kuya Howard, panghuli si Kuya Zane agad na nakita kong napasimangot si Jane ng makita si Kuya Zane.

Nagpatuloy ang okasyon at dumating ang pinakahihintay ng lahat, ang pagsasalin ng dugo. Sinugatan ni Alpha Dean ang kamay at inilagay ang mga pumatak na dugo sa isang lalagyan na may banal ng tubig ganun din si Kuya Zane at ng matapos iyon ininom na ni Kuya Zane ang Dugo at idineklarang siya na ang bagong Alpha ng Red Blood Pack. Ganun din si Kuya at Dad.

Saktong alas dose ng gabi ng mapatingin ako kay Jane. Bigla akong kinabahan sa reaksyon niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makarinig ako ng isang Howl. Isang makapangyarihang howl na magpapasindak sa amin.

Itutuloy.

The Rogue's Mate (Completed)Where stories live. Discover now