Downfall

7.7K 200 11
                                    

Baka po hindi ako makapag-UD next week. Magbubuhay istuyante po muna ako.

Hmmm K. Enjoy :D

-*-

Downfall

-*-

Third Person’s Pov

"Francine"

Agad siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Troy" mahinang bulong nito sa bagong dating

Muling tumuon ang titig niya sa mga pangil ni Jamie na binaklas ng Hari dahil sa ginawa nitong pagtataksil at hantarang pang-aakit sa Hari.

Ito na lang ang natirang labi ni Jamie pagkatapos itong patayin.. Naging abo kasi ang katawan nito matapos mawalan ng pintig ang puso

"Sinabi ko na sa kanya na huwag ng tumuloy but she refuse--"

"Please.."

Natahimik si Troy at inilabas ang isang pakete nang sigarilyo. Sinindihan niya ito at bumuga sa hangin

Ngumisi si Troy dahil tama na naman siya.

"Matigas talaga ang ulo ng kapatid mo, Fancine. Masyado siyang nabulag sa pagmamahal sa Hari. Pero mautak rin siya, para siyang linta na habang tumatagal may nasisipsip ng dugo kaya nagawa niyang magpadala ng kaaway sa isla---"

"Shut up!"

Kisap mata lang ay bumangga si Troy sa pader

Hawak hawak ni Francine ang leeg ni Troy at madiing isinandal sa pader.

Nagkaroon ng crack dahil sa impact nito.

Tumawa si Troy mukhang wala lang ang ginawa sa kanya ng huli. Namumula ang matang pinanlisikan ni Francine si Troy

"Hindi mo ba matanggap?" sarkastikong sabi nito. Halata ang pang-iinis sa boses

Mas lalong idiniin ni Francine ang pagkakasakal kay Troy

"One more word Troy" nagbabantang sabi nito pero mukhang hindi papaawat si Troy

Nanatili ang ngisi at nakakaasar na tawa nito

"Hindi mo matanggap noh? Ako rin hindi ko rin matanggap" mapait na sabi nito at tumingin sa ilalim

The Rogue's Mate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon