Trap

10.6K 290 6
                                    


A/N: Para po ito sa nag-iisang nag-comment. Actually hindi ko po alam kung ano ung ikinoment niya kasi sa mobile phone lang po ako nag-uupdate. At di ko po siya mabasa. Anyway salamat po.

Enjoy and thank you

Sorry sa typos and errors.

--

Yhuna’s Pov

Ilang araw na ang lumipas ng maging Alpha at Beta sila Kuya. Ilang araw na rin ang lumipas at magaling na ako sa natamo kong sugat sa likod na nilikha ni Alpha Zane.

At heto ako ngayon nanghuhunting ng lapastangan na pumasok sa teritoryo namin.

Tuwang tuwa ang wolf kong si Ysa dahil sa wakas, nakapag-hunt ulit siya pero mukhang mas delikado yata ung rogue na ito kaysa sa mga nauna kong nakalaban.

Umiilaw na naman ang mga berde kong mata, isang simbolo na nasa panganib ang buhay ko o buhay ng rogue

Panay ang takbo ni Ysa dahil nasa wolf form ako ngayon at naka-focus kami sa isang bagay.

Iyon ay mapatay ang masangsang Rogue na pumasok sa teritoryo namin.

Nag-slow down lang ako ng biglang nagmindlink sila Raven na kasamahan ko

"Yhuna, stop! Declined na daw ung paghuli mo sa Rogue! Ibigay mo na muna ung isang yan kela Travis. Utos ng Alpha. ASAP!"

Napa-growl ako sa inis at hindi sana susundin si Raven ng magmindlink ulit ito.

"Alam ng Alpha na matigas ung ulo mo, pero kailangan ka ngayon sa dungeon. May nagwawala daw na Rogue na bagong huli, kasamahan nung hinahabol natin. They need you there and thats an order!"

Mas lalo akong nabadtrip. Pero hindi na ako nagreklamo. Ayos na rin ung hindi ako ung nakahuli, anyway this is not my lucky day

Nagmindlink ako kay Raven na pupunta na.

Dumiretsyo ako sa dungeon, kung saan ikinukulong at pinaparusahan ang mga nahuhuli naming tumatraydor, pinaparusaan na mga werewolf.

Amoy na amoy ko ang masangsang na amoy ng dungeon, dahil sa dugo. May mga silver na rehas at shackles, iba’t ibang pang-torture na kagamitan na pulos silver. Mga baril na may silver bullets, silver collars at ect.

Sa bungad pa lang ng Dungeon ay makikita na ung Rogue na nagwawala.

Agad akong lumapit kela Aki at Zyrone, mga namamahala sa dungeon at tinanong sila kung bakit hindi pa naipapasok ung Rogue, ang sagot naman nila ay hinihintay daw nila ako.

The Rogue's Mate (Completed)Where stories live. Discover now