Wake up

11.1K 276 6
                                    


Pambawi ulit guysss

Sana magustuhan niyo.

--

Yhuna's Pov

Napapikit ako ng wala akong makita sa lugar na pinaglalagyan ko. Pulo’s kadiliman ang nakikita ko at alam kong kahit tumakbo ako ay wala pa rin akong makikitang ilaw.

Ewan ko kung bakit pero hindi naman ako natatakot sa lugar na ito, kahit pa madilim at parang ako lang mag-isa. Parang may something sa lugar na ito na pakiramdam  ko ay safe ako.

’Wake up. Yhuna’

Nagulat ako ng marinig ko ang hindi pamilyar na boses na iyon.

"Sino ka?"

'Gumising ka na’

Natigilan ako at nagtanong ulit.

"Sino ka ba talaga? Nasaan ka"

Nagpaikot ikot ako at kahit puro dilim lang naman ang nakikita ko ay rinig na rinig ko ang nagsasalita. Siguro malaki ang lugar na iyon kung kaya’t nageecho ang mga sinasabi ng kung sino mang iyon.

’Please. Gumising ka na’

Hindi ko alam pero parang ako ung nasasaktan dahil sa hirap ng kalooban na nararamdaman ko sa boses nito.

Parang gusto kong gumising pero ang alam ko gising na ako kaya hindi ko alam kung papaano?

’Yhuna. Please Wake up’

--

Napasinghap ako sabay hawak sa ulo ko na sumasakit.

"Yhuna? Anak. Gising
ka na"

Takang napatingin ako kay Dad, pati na rin kay Kuya Howard, Alpha, Luna at si Kuya Zane.

"What happen Dad?"

Mahilo hilo ako ng naramdaman kong may nambatok sa akin kaya in the end. Napahiga ulit ako sa kama.

Shit. What was that?

Nakarinig ako ng growl at howl, galing kay Dad at Kuya Howard

"Sorry po, Beta Fj, Kuya Howard. Nadala lang po ako ng emosyon ko" rinig kong sabi ni Jane na nasa gilid.

So siya ung nambatok sa akin? Grrrr

Kahit umiikot ung paningin ko ay pinilit kong umupo at tumingin sa kanilang lahat..

Umupo sa tabi ko si Dad at hinawakan ang kamay ko. Sabay hagulgol.

"DAD!"

"ANAK AKALA KO MAWAWALA KA NA SA AMIN! I CAN’T LIVE WITHOUT YOU. IKAW  NA LANG ANG NATITIRANG PRINSESA KO AT IKAW NA LANG ANG NAGPAPAALALA SA AKIN NANG KALAHATI NG MAMA MO! AKALA KO. AKALA KO---"

Nanlaki ung mga mata ko at mga mata namin ng batukan ni Alpha Dean si Dad.

Mahinang nagmura si Dad tapos sila Kuya ay natatawa..l

"Pre. Nakakadiri ka. Para kang bakla. Hindi pa naman patay si Yhuna kung makaiyak ka. Tapos ang corny mo.. Ung totoo. Bakla ka nga noh?"

Sabi ni Alpha Dean. Naghagalpakan na ng tawa sila Kuya Howard and Zean. Napailing ang Luna at ako syempre lutang pa rin.

Hindi ko kasi alam kung anong nangyari sa akin.

"Dean. Alam mo! Kung hindi ka lang Alpha baka nailibing na kita ng buhay" sabi ni Dad sabay ahon sa kama at masamang tinignan si Alpha Dean na nakangisi at nakapeace sign.

Napailing na lang ako. Ganito kasi talaga ung dalawang ito. Walang Ranking ranking. Magkapatid ang turingan nila sa isa’t isa.

Back to topic nga tayo.

"Dad? Ano po bang nangyari sa akin? At tsaka ang alam ko po napatay ko po ung isang Rogue na pumasok sa teritoryo natin tapos may tatlo pang Rogue na lumusob sa akin then black out. Hindi ko na po alam kung anong nangyari"

Nagkatinginan sila Alpha Dean at Dad. Mukha silang nagtataka tapos biglang humarap si Dad sa akin at seryoso akong tinignan.

"Sabi nila Wayne at Raven. Pagkatapos mo daw mawala na parang bula. Hinanap ka daw nila at pagkatapos ng dalawang oras ng paghahanap. Natagpuan ka daw nila sa isang ilog na malapit sa dulo ng teritoryo, umiilaw daw ung marka mo bilang Reaper. Anak wala daw silang nakitang Rogue doon na napatay mo. Wala rin dun ung mga bakas ng sinasabi mong tatlong lobo. Wala ka ngang sugat o galos nang dumating dito. I don’t know what happen to you. Pero baka sa haba ng tulog mo. Akala mo sa totoong buhay un nangyari pero sa panaginip mo pala"

Nanlaki ung mga mata ko sa mga narinig ko galing kay Dad.

So. Wala daw akong napatay na Rogue pero ang  alam ko. Meron at totoong totoo iyon. Pati na rin ung pagkagat sa akin ng tatlo pang Rogue.

Napahawak ako sa braso ko at balikat. Nakita ko ngang wala akong anumang galos o pasa sa katawan.

Napahawak ako sa sentido ko.

Mukhang panaginip ko nga lang pero hindi. Parang totoo kasi eh.

"Dad. Kanina lang naman po nangyari un diba? Bakit alalang alala ka?"

Napatingin si Kuya Howard sa akin sabay ngisi.

Nagtaka ako.

"Bunso. Isang linggo kang tulog at hindi lang un kaninang nangyari. Kaya nag-aalala sa iyo si Dad. Baka wala na daw siyang mautusang magtanggal ng puting buhok niya"

"HOWARD!"

"KUYA!" Sabay naming banggit ni Dad.

Natawa lang sila..

Pero nanlaki ang mga mata ko.

Isang linggo na akong tulog? Ibig sabihin bukas na ang seremonya para sa pagiging Alpha at Beta nila Kuya Howard at Kuya Zane? Shit.

Mas lalo akong napasapo sa sentido. Mukhang nababasa ni Alpha Dean ang nasa isip ko kaya nakahinga ako ng maluwag ng magsalita ito.

"Don’t worry Yhuna. Dahil sa nangyari sa iyo. Hindi ka muna gagawa ng kung anong gawain bilang Reaper. Dadalo ka sa pagtitipon bilang anak ng isang Beta. At hindi ka muna magtratrabaho ng ilang araw para makapagpahinga ka"

Napangiti ako ng maluwag dahil doon.

"Salamat po. Alpha"

--

Nagsialisan na sila at ako na lang ang natitira sa kwarto. Nagiisip ako hanggang sa bumalik sa alaala ko ung panaginip ko bago ako magising.

Panaginip lang ba talaga iyon o totoo na?

Kung totoo. Sino ang boses lalaki sa panaginip ko?

Itutuloy.

The Rogue's Mate (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat