Part One: Wedding

8K 176 5
                                    

-*-

Enjoy :)

-*-

Part One: Wedding

-*-

Yhuna'a Pov

Naiiyak ako habang nakatingin sa harap ng salamin, I don't know kung dahil lang ba ito sa Hormones o dahil sa tears of joy. Ngayon kasi ang kasal namin ni Zyon. Actually ma-momove sana dahil sa nangyari nung isang araw pero ipinagpilitan ko sa Hari na huwag na at sundin ang totoong plano

Inaayusan ako ng mga Omega na nakatokang mag-ayos sa araw ng kasal ko. Hindi ko pa nasusuot ung gown ko at nakarobe lang ako. Tapos na ang buhok ko. Make up naman

"My Queen. Ang ganda niyo po talaga" papuri ng isang Omega sa akin

Nginitian ko lang ito at naalala si Francine at ung mga nangyayari nung nakaraang araw

Hindi ako bulag at hindi rin ako tanga na pilit akong iniwisan ni Zyon sa bagay na iyon.. Lagi ko kasi siyang tinatanong kung bakit namatay ung pusa nung kinain nito ang inihandang pagkain na dapat para sa akin alam ko naman ung sagot pero he always escape kung minsan ay isesegway niya ung usapan or worst kunyari may nakalimutan siyang gagawin at aalis. Naiiwan akong naguguluhan

Hinahayaan ko na si Zyon pero hindi pa rin ako mapakali kasi hinala ko may gustong pumatay sa akin. A threat na delikado para sa anak ko. A threat na baka mapahamak kaming lahat.

Bumuntong hininga ako ng maalala ko pa ung pagiging balisa ni Zyon. Nagsimula iyon nung makain nung pusa ung pagkain na dala ni Francine. Araw araw ganun, minsan nga hindi na siya natutulog sa tabi ko dahil lagi siyang nasa opisina

Ang sabi lang niya, kailangan daw muna niyang ayusin ang pack bago kami umalis para sa pagpapakilala sa akin sa Royale. Ayoko sana pero kailangan

"My Queen. Huwag po kayong umiyak, masisira po ang inyong make up" sita ng isang Omega sa akin

I glared and wipe my tears.

Natakot naman ung Omega kaya napayuko at nag-sorry

Sht! This hormones make me insane. Umiiyak na lang ako ng hindi namamalayan tapos nagagalit sa maliliit na bagay. Napakaiyakin ko! Ugh


Ipinasuot na nila sa akin ung gown at iniharap nila ako sa salamin.

Namangha ako sa ganda nung pagkakasukat sa akin ng wedding gown.

Simple lang ito at elegante pero bagay na bagay sa akin

Ngumiti ulit ako ng pinuri ako ng mga Omega. Pinagkakatiwalaang omega dahil paranoid si Zyon.

Nagpaalam sila na lalabas muna at binilinan ako na hintayin na lang ang susundo sa akin pababa sa Garden ng Eden Translyvia.

Naririnig ko ang malamyos na musika sa may graden. Kumakabog ang puso ko dahil sa excitement at saya.

Magiging maayos na ang lahat..


'Nervous, My Queen?'

The Rogue's Mate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon