Mate

10.4K 259 7
                                    

- Levice
Attack of Titan

---

Jane's Pov

Masyasyado ang kabog ng dibdib ko. Ewan ko kung bakit pero sobra talaga akong hindi mapakali. Dahil ba birthday ko na ngayon at baka ngayon ko na rin malaman kung sino ang mate ko?

Kahit sobrang kabado pinanood ko pa rin ang mga pangyayari. Sumibangot ako ng tawagin na ung hambog na anak ni Alpha Dean. Napakasama ng ugali nyan. Kita mo! Ikinulong ako sa isang golden jail. Buti na nga lang at ginto at hindi silver kasi weakness namin un. Paniguradong mamatay ako kung dun niya ako ikinulong. Ewan ko rin kung bakit niya ako ikinulong dun. Siguradong tinatamaan nang kabaliwan ung bwusit na un. Nakatakas nga ako dun kasi gusto kong makita si kuya Howard at wish kong siya ang maging mate ko kasi ang tagal ko na siyang crush. Alam naman ni Yhuna un kaya mas okay sa akin.

Magkaiba si Zane kaysa kay Kuya Howard. Halatang halata kahit magkaibigan sila. Kahit naman Alpha si ZaneBa hindi pa rin ako magkakagusto sa kanya. Mas okay na si Kuya Howard. Sure nga akong si Kuya Howard ang magiging mate ko. Ewan ko ba pero parang siya kasi eh. Instinct ba un o un lang ung talagang gusto ko. At kung hindi naman siya. Basta siya ang gusto ko period.

Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng makita kong idineklarang Alpha na si Zane kasunod nun ay si Kuya Howard. Napangiti ako ng malapad. Ang gwapo niya talaga.

Nang papatapos na ang seremonya. At napansin kong saktong alas dose na ng gabi. Lumiwanag pa ang bilog na bilog na buwan.

Medyo nanlalambot ako at nanghihina.

'What the hell is happening to me?'

Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Tapos namumutla na ung mukha ko. Hindi ko na napapansin ung paligid. Pero aware pa ako na lumalapit sa akin si Yhuna. Nanlalabo ung mga mata ko then I smell the most intoxicating scent in my whole life. Magkahalong woods and fresh strawberry.

Parang gusto kong magchange ng form. At hanapin ung pinakamabangong scent na iyon. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Tsaka ko naalalang 24 na pala ako. Ibig sabihin mahahanap ko na ung mate ko.

Parang nagpaparty party ung wolf ko sa sobrang galak.

Naramdaman ko ang pagluhod ko sa semento. Kakaiba ang mga nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung bakit.

Parang natutuwa ako na nasasaktan. Tapos nakarinig ako ng malakas na malakas na howl. Mas lalong tumibok ang puso ko parang nagtutumbling na ito dahil sa intensidad ng nararamdaman ko.

"Back off"

Parang kumalma ung pakiramdam ko ng maramdaman kong niyakap ako ng Mate ko. Yes. I think he is my mate kahit hindi ko pa siya nakikita pero parang mahal ko na siya.

'He's our mate, Jane! we found our mate. After 24 years of waiting we already found our mate' sigaw ni Fey sa utak ko. Si Fey ay ung wolf ko.

Agad akong sumandal sa dibdib niya then inamoy amoy ko siya. Para akong nasa heaven sa sobrang saya ko.

Finally, I found my mate.

Hinirap niya ako sa kanya then bigla akong namutla at bigla ring sumama ang pakiramdam ko. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa Mate ko.

"My Love"

"No. No. No."

Then everything turn black.

-----

Yhuna's Pov

Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin si Alpha Zane. Ang lakas rin ng kabog ng puso ko.

"Did you freed her from that golden jail?" galit na galit na tanong sa akin ni Alpha Zane habang ako naman ay napatulala dito. Nagtataka kung anong ibig sabihin nito.

Anong pinagsasabi nito?

Iglap lang ay naramdaman kong tumama ang katawan ko sa isang bakal. Nakaramdam ako ng hapdi dahil malakas ang pagkakabalibag sa akin doon. Medyo nahilo ako pero pinilit kong huwag makatulog.

Nakararamdam ako ng galit at parang gustong lumabas ng wolf ko. Narinig ko ung growl nila Dad at Kuya Howard at mukhang pagtutulungan si Kuya Zane pero itinaas ko ang aking kanang kamay indikasyon na wag silang lalapit. Napapikit ako at pagkadilat ko ay kumislap ang kulay berde kong mga mata.

Naramdaman ko ang panginginig ng kalamnan ko sa sobrang galit. At napansin kong nagsiatrasan ang ibang wolves pwera lang kay Alpha Zane. Tumingin ako sa mga mata ni Alpha Zane. Nangingitim ito. Mukhang nawawala na ito sa sarili dahil sa sakit na nararamdaman nito. Alam kong alam nito na ayaw ni Jane para maging mate niya. At isa lang ang pantanggal ng sakit. Ibabaling ang galit sa iba.

'Anong karapatan niyang pagbintangan tayo sa mga bagay na di naman natin ginawa?' sigaw ng wolf ko

Iglap lang rin ay naihampas ko na sa semento si Alpha Zane at galit na galit na hinawakan siya sa bandang leeg. Nakita ko ang rekognisyon sa mga mata nito. Mukhang natauhan na ito at bumalik sa sarili.

"Yhuna" awat ni Dad sa akin ang iba naman ay nakahanda sa gagawin ko.

Dumating si Alpha Dean at hinawakan ako sa braso. Parang doon na ulit bumalik ang kontrol ko sa sarili. Tinanggal ko ang kamay ko sa leeg ni Alpha Zane.

Tumayo rin ito at napaupo sabay hawak sa ulo.

"Yhuna. May sugat ka" sabi ni Luna Shasha at tumingin sa likod ko.

Nginitian ko si Luna at tumango.

Bigla namang nagising si Jane at napatanga ng makitang puro dugo ang gown ko.

"A-anong nangyari? Yhuna? Anong nangyari sa iyo?" sabi nito sabay tingin kay Alpha Zane.

Nakayuko si Alpha Zane. Mukhang nagsisi sa ginawa nito. Ako naman ay nginitian si Jane.

"Magpapahinga na po ako Alpha Dean at Luna Shasha. Dad at Kuya, mauna na ako sa inyo. Jane, sumama ka sa akin---"

"No" Sigaw ni Alpha Zane at lahat kami ay nagtinginan sa kanya.

Si Jane naman ay napatulala rin. Mukhang narerealize rin nito ang mga nangyari.

Agad na tumayo si Jane at mukhang sasama sa akin ng biglang tumayo si Alpha Zane at niyakap ng mahigpit si Jane. Nagulat naman sila habang si Jane naman ay gusto kumawala at pinipigilan lang ang sarili na huwag makawala. Yes. I know the feeling of mate thingly. Pero hindi ko pa nararanasan. Alam ko lang.

"Ano baaa! Let me go you dumbassss---" sigaw ni Jane at pilit kumakawala

"No way!" balik sigaw ni Alpha Zane.

"Zane. Let her" matigas na utos ni Alpha Dean sa Anak.

"But Dad?---"

"LET HER!" Nakakatakot na sabi nito at unti unti pinakawalan ni Alpha Zane si Jane.

Agad namang lumapit sa akin si Jane, nginitian ko muna si Alpha Zane at umalis sa lugar na iyon.

A little hurt won't damage if I give some lesson to this man.

-*-

Di ko alam kung bakit ganito ung naisulat ko. Hindi naman dapat ganito eh. Wala sa plano ko pero parang may buhay ung mga daliri ko kaya ayan. Ganyan ang kinalabasan.

Sana hindi ito makasira sa story.

Thankiess Madlang werewolves

Itutuloy.

The Rogue's Mate (Completed)Where stories live. Discover now