Pambawi guyssss.Enjoy.
----
Yhuna’s Pov
Panay ang takbo at habol namin sa isang Rogue na lumagpas at nangaahas na pumasok sa teritoryo namin. Sa totoo lang matagal ng itong nagmamasid sa teritoryo namin. Hindi namin alam kung bakit pero iisa lang ang alam naming dahilan.
’Isa siyang espiya sa ibang Pack na may galit sa amin. Gusto nila kaming pabagsakin para sila naman ang mamuno’
Sa isiping iyon mas binilisan ko ang pagtakbo.
Nakarinig ako ng howl at alam kong si Raven iyon na isa ring reaper at namumuno sa amin..
’Yhuna! Huwag kang masyadong lumapit baka mapahamak ka’
Kumislap ang mga berde kong mata dahil sa mindlink namin ni Raven. Isa lang ang ibig sabihin nun. Mapanganib ang Rogue na hinahabol namin.
Kumikikislap talaga ang mga mata ko kapag may panganib at isa iyon sa ipinagtataka ng marami pero ako alam ko at alam ng pamilya ko kung saan ko nakuha ang ganitong kakayahan. Sa aking namayapang ina.
’Pabayaan na natin siya. Malapit na siya sa dulo ng ating teritoryo!' dugtong pa nito at naghowl ulit.
Hindi ko ito pinansin at mas lalong nabuhay ung dugong warrior na nalalatay sa mga ugat ko.
Hindi ko ugaling magback out sa isang trabaho. Mas gusto kong tapusin para di mapagsisihan sa huli.
Mas tumalas ung pang-amoy ko at langhap ko ang masangsang na amoy ng Rogue. Mas lalo kong binilisan ang takbo.
'Yhunaaaa! Tumigil ka!'
Pero parang wala akong naririnig. My wolf is taking control over me. Parang nawawala na ako sa sarili.
Hanggang sa di ko na maramdaman ang mga kasama ko. Di ko na rin maamoy ang mga amoy nila.
At nakita ko ang Rogue na ngayon ay punong puno ng dugo sa katawan. Marahil ay nasugatan na ito ng mga hunters na pakalat kalat bago pa ito pumasok sa teritoryo namin.
Nakangisi ito habang tumitingin sa aking katawan na naka anyong lobo.
"Kakaiba ka, bata! Ngayon lang ako nakakita ng kulay berdeng mga mata na umiilaw. Hindi ka isang pangkaraniwang Reaper. Isa kang..
Halimaw"
Parang bumalik ako sa sarili ko ng marinig ko ung mga sinabi nito. Bumangis ang Wolf ko. Mas lalong lumaki ang mahahabang kuko ko at naghohowl ako ng malakas.
"Yan! Tama yan, bata. Ipagkalat mo na isa kang halimaw!" sabi nito sabay tawa ng nakakairita..l
Mas lalong nagalit ung wolf ko.Ramdam na ramdam ko ang pwersa.
Nag-growl ako at humanda sa paglaban.
Nakita kong napangisi ito.
Sa pagkakita ng mga ngiti niya parang gusto ko itong tanggalin at burahin gamit ang mga pangil ko. Pero kinalma ko ung sarili ko. Alam kong madali kaming inisin dahil maikli ang pasensya namin pero kaya rin naming manginis dahil mas maikli ang pasensya ng isang Rogue kaysa sa pangkaraniwang wolf na may kakaibang lakas.
"Isa kang Rogue! Isa kang mabaho at masangsang na wolf na itinakwil ng iyong Pack. Sino kaya sa atin ang totoong halimaw?"
Napangiti ako sa galit na dumaan sa mga mata nito. Alam kong nakapuntos ako at alam kong ano mang oras ay aatake na siya pero nakahanda na ako.
Hindi sa ipagmamalaki pero, isa ako sa pinakamagaling na Reaper sa Pack namin. Ayaw man ng aking ama na sumabak dito pero ito ang forte ko at naging forte nang nanay ko. Nanalangin na lang ang aking tatay na sana mahanap ko na daw ang Mate ko para matigil ako sa pagbubuwis buhay at ng hindi na daw siya kinakabahan sa tuwing aalis kami para manghunting ng Rogue.
Mas lalo akong napangiti ng maalala ko ang tatay ko.
’Don’t worry. Dad. Mahahanap ko rin siya. Sa tamang panahon, sa tamang araw at sa tamang pwesto’
"Isa kang lapastangan!"
Nakarinig ako ng isang growl. Indikasyon na susugod na ang Rogue.
Ibinalanse ko ang tayo ko at ng akmang kakagatin na ako nito sa balikat ay naibalibag ko ito sa isang puno.
Nakita kong napilayan ito. Nilapitan ko ang Rogue at iniangat pagkatapos ay sinipa ko ito sa tiyan para manghina. Napaluhod ito sa sakit.Nagkanda ubo ito ng dugo.
Bumalik ito sa anyong tao at mukhang mamatay na. Nakangisi pa rin ito na isa sa mganikinaiirita ko.
At dahil naiirita ako. Nang asar pa ako sa Rogue na ito.
"Any last wishes?" mahina pero madiin kong tanong.
Mas lalong ngumiti ito at inilapit ang kamay sa braso ko.
Biglang kuminang ang markang sumisimbolo sa pagiging Reaper ko.
"Maghanda ka. Yhuna. Paparating na sila. Mamatay ka rin. Katulad ng ina mo! Mamatay ang lahi niy--"
Bumagsak ito nang ipilipit ko ang leeg nito.
Nangingitim ang mga mata ko sa sobrang galit dahil sa pagkabanggit sa aking ina. Napansin ko rin na ung marka ko bilang Reaper ay lumiliwanag.
I stiff when i smell bloods. A lot of bloods.
Papalapit na ito sa akin at isang iglap lang nagsilabasan ang tatlong malalaking Rogue.
Napapalibutan na nila ako.
Napatingin ako sa paligid. At nakaramdam ako ng mga matang nakamasid. Hindi ko alam kung isa rin ba ung Rogue o isa sa kasamahan ko.
May napansin akong maliwanag.
Hindi ko alam pero ung kaninang lakas ko ay nawala at biglang nanghina ang aking tuhod kaya napaluhod ako ng makita ko ung bagay na iyon.
Naramdaman ko na lang ang isa isang pagkagat nila sa aking balikat. Pinilit kong manlaban pero parang nauubos ang enerhiya ko. Manhid na manhid ang katawan ko. At wala na akong maalala kung hindi isang malakas na alulong na nagsasabing ligtas na ako.
Then everything went black.
BINABASA MO ANG
The Rogue's Mate (Completed)
Werewolf-- Thank you for the awesome cover @yanariks. A Rogue's Mate Iyon ang iniiwasan ni Yhuna. Kaya mas ginusto niyang mag-imagine na isang Alpha ang kanyang magiging mate But Destiny is a player. A one damn cheater. Nagtagpo sila in a wrong time...