Chapter 7

243 18 0
                                    

Sandra pov

Nakahiga ako ngayon at iniisip kung nakauwi na ba si alexia, ang babaeng iyon. Pinag aalala ako. Sino naman kaya ang ka meet up niya. Baka mamaya addict pala, si alexia talaga oh. Nag online muna ako sa instagram para tignan kung online siya, ngunit offline to. Doon na ako nagtaka. Kapag ganito kasing oras, gising pa ito nanonood ng reels sa ig ganon. Ano na kayang nangyari sa babaeng yon. Di ko maiwasang mag overthink. Kaya naisipan kong i message nalang ito kahit offline. Mababasa niya rin naman mamaya.

"Hoy, nakauwi ka na ba? Sino ung nakameet up mo? Pa chika nman oh" chat ko sa kaniya.

Sana okay ka lang, pinag aalala mo ako. Bruha ka. Bulong ko.

Ilang oras akong nakatitig sa convo namin ni alexia, hindi pa rin ito nag rereply. Kaya nag aalala na talaga ako. Umalis muna ako sa convo namin nang nakita ko ulit sa messages ko si "Mr.Unknown" nagtaka nanaman ako, sino kaya to. Anong pakay niya? Kapag nalaman ko kung sino to, gi gripuhan ko talaga to. At magpapasalamat, ganda ng shots niya ha infairness.

I sigh, nang may mag door bell. Agad naman akong bumaba para tignan kung sino iyon. Anong oras na kaya. Pagkabukas ko, bumungad saakin si alexia. Naka pajama naman ito. Tatanongin ko sana ito. Pero pinapasok ko muna.

"Kumain ka na ba?" "Anong ulam?" Magkasunod niyang tanong.

Hindi pa ba ito kumakain? Jusmiyo. "Kumain na, bakit? Hindi ka pa kumakain?" Tanong ko sa kaniya.

"Kumain na, nagugutom kasi ako ulit eh hehe" wika nito
Nagtungo na nga kami sa kusina para pakainin siya. Habang kumakain, nakangiti it saakin na para bang may binabalak. May balak nga siguro ito o sekreto na hindi ko alam. Pinagmamasdan ko lang siyang kumakain, nakikita ko sa kaniya si leanna ang kaibigan ko sa cebu. Kumusta na kaya siya?.

Matapos siyang kumain, pumunta na kami sa kuwarto.

"Oh ano namang nakain mo at ngayon ka lang matutulog rito? Tanong ko.

Umupo siya sa kama ko at ako naman nakaupo muna sa sofa.

"Uhm wala naman. Gusto ko lang ng kayakap hehe"

"May unan ka naman" sabay inirapan ko siya. Naalala kong may kasalanan to sakin kaya tumayo ako at tinuktukan ko ito sa ulo. Love language ko ang manakit hehe

"Aray! Para saan naman yun?" Pagrereklamo niya.

Napangiti nalang ako dahil ang cute nito magreklamo. Kagigil. "Pinag alala mo ako ng sobra, akala ko may nangyari ng masama sayo diyan. Pinag overthink mo ako ng malala" hinampas ko siya. "Nag online pa nga ako kanina sa ig para ichat ka kaso hindi ka naman online. Tapos may nag doorbell,  ikaw pala yun. Naka pajama ka pa!" May pangiti ngiti ka pa sakin kanina ha" hinampas hampas ko siya ng unan. Siya naman ay tawa nang tawa,  kaasars.

"Hindi na ako magtatampo sayo basta ikuwento mo saakin, pogi ba kameet up mo?" Na e excite kong tanong. Siya naman ay ngumiti, kaloka tong babaeng to.

"Nay, wag kang mag alala. Nakauwi naman ako ng safe  eh duh, tsaka matulog na kaya tayo, no? Kakapagod kaya woah. Pag iiba niya ng topic.

Topic shifting ka pa ha.

Lumapit ako sa kaniya at inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Lumayo naman ito, arte. "Mamaya, ichika mo muna saakin kung anong nangyari sainyo kanina hehe" nag puppy eyes ako, para effective ganon.

"Ayaw ko, inaantok na kya ako." Saka naman ito humiga. At natulog na.

"Che!" Pagtataray ko sa kaniya at narinig kong tumawa naman siya. I-ni-off ko na ang ilaw saka tumakbo sa kama at nahiga. Pagkahiga ko, nagsalita ito.

"Good night, gorjas" bati nito saakin.

"Good night, panget" bati ko rin. "Che, sana mapaginipan mo ako"wika niya.

"Hala katakot, baka bangungutin ako niyan" pangbibiro ko tsaka nagtawanan. Niyakap na niya ako at kami'y natulog na ng mahimbing.

Sleep well.

*******
"Sandra, paano mo ito nagawa sa akin"

"Bakit nga ba? Think, think!"sigaw ko raw umano sa isang babaeng hindi ko maaninag ang mukha.

"Sandraaaa, kaibigan kita. How can you do this to me" hagulgol ng babae

"Kaibigan? No, never kitang tinuring na kaibigan!" Sigaw ko rito

"Sige, patayin mo nalang ako, sandra!" Pag uutos nito.

Napangiti lang ako. "Yun naman talaga ang gagawin ko, e" nilabas ko umano ang kutsilyo tsaka lumapit ito sa kaniya. Sinaksak ko ito.

"Deserve mo yan" bulong ko.
********
Bigla akong nagising dahil sa panagnip ko. Hingal na hingal akong bumangon at sinindi ang ilaw." Ang sama naman ng panaginip ko." Bulong ko. Lalabas na ako ng kuwarto at pupunta sa baba nang tumawa si alexia habang tulog.

Ganiyan din ako.

Habang pababa, may naririnig akong maingay sa kusina. Ang aga pa ah, si mama kaya yon? Nang makarating ako sa kusina, napatalon kami sa gulat ni mama nang makita namin ang isa't isa. Napahawak pa ito sa dibdib niya.

"Anak, ano ka ba. Ginugulat mo naman ako" aniya.

"Ma, ang aga niyo naman nagising?" Tanong ko. "Kayo rin naman, ginulat niyo ako." Pagpapatuloy ko tsaka umupo sa couch.

"Kapag naman kasi ganitong oras, tulog ka pa. Anak" p-pero" tinitignan niya ako ng taas baba. ○_○

"Ang aga mo naman ata nagising?"tanong niya kapagkuwan.

"Ang sama lang ng panaginip ko, btw ma. Nandito pala si alexia. Dito siya natulog" pag papaalala ko sa kaniya.

"Sige lang, anak. Gusto mo ba magkape?" Ipagtitimpla kita." I nodded as a response. Ipinagtimpla nga ako ni mama. Tsaka tinabihan ako umupo.

"Kumusta naman ang pag aaral mo, anak" she asked seriously. 

"Okay naman po. At ma, sikat pala ang skuwelahan na yon. Nandoon daw kasi ung mga tatlong mayayaman at g-gwapo"

Tumawa siya. "Nako, mag iingat ka. Baka mamaya, matipuhan ka nila. Sa ganda ba naman ng anak ko sus."pang bibiro sa akin ni mama.

I chuckled.  "Ma, siyempre maganda ang nanay ko edi maganda rin ang anak. " at nagtawanan na nga kami." Tsaka ma, kung matitipuhan nila ako. Sus, dadaan muna sila sa kamao ko." Tsaka ko sinuntok suntok ang hangin pakunwari.  Natawa naman ang nanay ko.

"Ma, ikaw din. Kumusta trabaho mo?"

"Okay lang naman anak, kinakaya by GOD'S GRACE. " "hindi naman strict ang boss ko anak. " Wika niya.

Btw, ang trabaho ni mama ay isang waitress sa isang EXPENSIVE  restaurant dito sa manila. Ang sahod niya ay 8k per month. Malaki laki na rin. Kasiya nayon saamin.

Destiny's Love |(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon