Chapter 21

160 18 0
                                    

HINDI na hinintay ni kurt si sandra sa classroom nila, dahil nag kaklase pa kasi ang mga ito. Kaya hahanapin nalang ni kurt si sandra sa labas ng school. Naka parking ngayon si kurt medyo malayo layo ito sa gate. Nakatingin lang siya sa side mirror niya, baka hindi niya makita si sandra na lumabas.  Hindi na niya ito makakausap.

Sa wakas ay nakita na niya si sandrang nakatayo sa gilid, naghahanap na ito ng masasakyan. Agad niyang pinaandar ang sasakniyan niya papunta kay sandra.

I open my window, nagulat naman ito.

"Ihahatid na kita."

Lumingon si sandra sa likuran niya. "Sino kausap mo?" Wika niya.

"Ikaw." Maikling sagot ni kurt.

Bakas sa mukha ni sandra ang pagkagulat saka niyakap ang sarili. Saka tinignan niya si kurt ng matalim.Kung makatitig kala mo naman may gagawing masama si kurt sa kaniya. Kahit bully man si kurt ay isang bagay lang ang hindi niya kayang gawin. Ang bastusin ang isang babae.

                                                         ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●

SANDRA POV.

NAGTATAKA si sandra bakit siya ihahatid nito, ano naman ba kayang binabalak ni kurt. Tatanggahin ba ni sandra ang alok nito o mag hahanap nalang ng trycicle.  Kaso nga lang ay, wala ng masiyadong sasakyan. Wala na rin si alexia, iniwan siya nito ng walang paalam. Siguro, hinatid na siya ni klein. Muling binalingan niya ng pansin si kurt na nasa harap niya at nakasakay ito sa kotse niya.

"Ako?" Saad ni sandra na tinuro niya ang sarili.

"Oo nga."

"Bakit mo naman ako ihahatid? Wao, siguro may balak ka nanaman, 'no? Tinaasan niya ng kilay.

"Wala." Aniya saka lumabas sa sasakyan niya. Nasa harap na niya si kurt. Sobrang lapit niya sa kaniya. Tumingin tingin si sandra sa paligid niya baka may makakita.

"A-ang lapit mo, k-kurt! Baka anong isipin nila." Sandra whispered.

Inayos ni kurt ang buhok niya saka lumayo kay sandra.

"Tara na." Pag aaya niya.

"T-teka! Bakit mo ba ako ihahatid?" She asked again.

"Nakakalimutan mo ata? Mag uusap pa tayo, hindi ba?"

"Mag-uusap? Tungkol naman saan?"

"Basta mag uusap tayo, at pumayag ka na kanina pa, Sandra. " lumapit sa kaniya si kurt. " Ang sabi mo, pagkatapos ng klase mo nang hapon."

Sandra sighed. Hindi akalain ni sandra na hindi pa nakakalimutan ni kurt ang sinabi niyang iyon ay hindi rin siya makapaniwalang pumayag siya sa pakiusap ni kurt.

"A-ahh, yon? Sige. Mag usap na tay-"

"No, ihatid na muna kita.

Kunot noo niyang tinignan si kurt.

"Alam mo, ang gulo gulo mo! Ano ba talaga? Akala ko ba ay mag uusap muna tayo-"

"I change my mind, ihahatid na muna kita sa inyo."

Ano nanaman ba ang pakulo ng lalaking ito.

"Sure ka? Edi sige, basta huwag mo ako singilin pang gasolina ha? Ikaw naman ang nagsabing ihahatid mo ako." Saad ni alexia, kurt just smiled.

"Sure, let's go."

Pinagbuksan siya ni kurt ng pinto, inaasahan niya na 'yon. Pagkapasok niya agad namang nag seat belt si sandra.  Ayaw na niyang maulit ang nangyari noong sumakay siya sa kotse niya. Pakiramdam ni sandra ay napahiya siya noon kaya hindi na niya gagawin ngayon.

Tinignan siya ni kurt. "Oh? Naka seat belt na ako, no." Kurt smiled. Gusto gusto ni sandra kapag nakangiti ang lalaki. Mas lalo kasing guma guapo ito.

Pinaandar na nga niya ang sasakyan at umalis na. Habang nag ba byahe,  walang imik ang dalawa sa loob ng sasakyan. Napakatahimik. Gustong kausapin ni sandra si kurt kaso nag da-drive ito, takot siya baka mamaya ay hindi maka focus si kurt ay makabangga pa ito. Nagulat siya ng magpamusic si kurt. The silence was broken by the song.

Sandra's eyes widened nang marinig niya ang kanta. It was her favorite song! "HALF A HEART BY 1D."

"Uy fan ka rin ba ng 1d?" Masigla niyang wika, sa wakas ay hindi na tahimik sa loob ng sasakyan.

"Yeah, why?" Napatingin si kurt sa kaniya.

"Magka same vibes pala tayo, eh! Saka 'yang half a heart. Favorite ko!!" Masaya niyang wika, kulang nalang ay tumalon na si sandra.

"Really? Akala ko mga tipo mong kanta ay "sus○ mo na napakalaking parang pakwan" tumawa si kurt matapos niyang sabihin iyon.

Natatawang pinalo ni Sandra si kurt. "Huyy ang bunganga mo! Bastos kaya ng kantang iyan, no."

"Oh bakit mo alam?" Kurt said, na para bang nang aasar.

"Eh ikaw? Bakit mo alam? Sus, nakikinig ka pala ng ganiyan ha!"  Natawa si kurt.

"Patawa tawa ka riyan, mag drive ka na nga lang. Ayaw ko pang mamatay, kurt. Please lang. Saka ang bilis mo mag patakbo, kaskasero ka rin, eh no?" Aniya.

"Mabilis na ba ito sa 'yo? Tsk, bagal bagal na nga. 'di pa nakasagad 'to." Aniya saka liningin niya si sandra.

"Ahh ganoon, sige mag drive ka nalang. Hindi na muna kita kakausapin."

"Ayaw mo ba ako kausap? Pangit ba ako kausap? " kunot noong tanong ni kurt sa kaniya. Baliw ba ang isang 'yan. Hindi bagay maging sadboy. Aniya sa sarili ni sandra.

"Ha? Siyempre nag da drive ka e, saka kapag kinakausap kita kahit huwag mo nalang muna ako lingunin, tsk."

"Masiyado kang nerbyosa, araw araw ka siguro nagkakape, no?" Kurt asked, he squinted.

"Huh! Anong araw araw, baka minu-minuto!" Nagtawanan silang dalawa sa loob ng sasakyan. Masaya pala kausap ang lalaking iyan ang akala niya ay hindi.

"Tama na nga! Kinakabahan ako, kurt. Saka bagalan mo nga pagpapatakbo mo. Katakot ka."

"Huwag ka nga kasi kabahan, kapag kinakabahan ka. Mas kakabahan ako lalo." Aniya na para bang nanghuhugot ito.

"Cringe mo!" Natawa si kurt. Tawa na sila nang tawa. "Malayo pa ba tayo?"dagdag niya.

"Yeah, layo layo kaya ng bahay niyo."

"Ay nag rereklamo ka po? Ibaba mo na lang kaya ako, nag rereklamo ka e."

"Tf, no. Sinabi ko lang na malayo. Hindi naman ako nag rereklamo, kung gusto mo para makarating tayo agad. Isasagad ko na" aniya saka binilisan lalo ni kurt.

Napahawak sa sentido si sandra. "Huy, bagalan mo nga!" Kinakabahan niyang saad kay kurt.  Binagalan niya naman.

"Papatayin mo ba ako sa nerbiyos? Ayaw ko pa mamatay, kurt."

Kurt laugh. God he's attractive when he is laughing.

Hindi na muna umimik si sandra, nakikinig na lang muna siya sa kantang plinay ni kurt. Nang maalala niya ang napag usapan nila kanina ni kurt sa school, tatanongin na niya ito.

"Ano pala sasabihin mo? 'Di ba sabi mo kanina itutuloy natin usapan natin?, habang malayo pa naman tayo sa bahay. Why not tell me already? Sige na." Aniya.hindi umimik si kurt. Nainis naman si sandra.

"Huy, kinakausap kita."

"Huwag mo muna ako kausapin. "

Sandra; ⊙_⊙

"Akala ko ba hindi mo muna ako kakausapin? Dahil nag mamaneho ako? Ang daldal mo rin pala talaga."

Tarantado talaga itong lalaki na 'to.

"Kanina iyon no, saka sagutin mo nalang ang tanong ko."

"Mamaya na nga, kapag nandoon na tayo."

Hindi nalang siya umimik, hindi niya maintindihan ang lalaking 'to. Ano ba talaga ang sasabihin niya at pag uusapan nila. Sana lang talaga ay importante.

M.N.N.

Destiny's Love |(On-going)Where stories live. Discover now