Chapter 23

150 16 1
                                    

NASA labas ng bahay nila sandra si kurt, Mabilis siyang nakarating rito.Inayos ayos muna ni kurt ang sarili, he rang the doorbell. Ang mama ni sandra ang nagbukas rito, tinitignan lamang siya nito.

"Sino ka?"

Hindi siya namumukhaan nito dahil madilim sa labas.

"Bisita po ng anak ninyo." Magalang na sabi niya.

"Aba eh, pumasok ka muna, halika muna rito sa loob."

Saka nagtungo sila sa loob, pinaupo siya sa couch nila.

"Aba! Ikaw ba 'yong naghatid kay sandra noong sabado?"

Napangiti siya. Namukhaan na siya nito.

"Ah opo."

"Aba, gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape?" Alok ng nanay ni sandra.

"Ah thankyou nalang po,tita. Nagkape na po kasi ako sa bahay bago umalis. At hihintayin ko nalang po si sandra. "  magalang na pagtangggi niya.

"Ah oo nga pala, ikaw ba 'yong sinasabi niyang ka date niya ngayong gabi?"

Napangiti ng lihim si kurt. Buti naman ay nakapag-paalam na si sandra kaagad.

"Opo, ako nga ho." Sagot niya.

Tinignan siya nito taas hanggang baba. Napalunok lang si kurt at napahawak sa necktie.

"Teka nga, hijo." Tinabian siya nito sa upuan. "May date kayo ng anak ko? Akala ko ba ay bading ka?"

Napahawak sa batok si kurt sa sinabi nito. Maalala niya, ginawa pala ni sandrang bakla si kurt. Ano naman kaya ang sasabihin ni kurt sa ina ni sandra.

"Ah h-hindi po ako bading, ma'am. "

"Naku, Tita nalang ang itawag mo sa akin." Natatawang wika niya.

"Ah tita, hindi po ako bading." Pag-uulit niya. "Ang totoo po niyan ay boyfriend po ako ng anak ninyong si sandra." He continued.

Nagulat ang nanay ni sandra sa sinabi niya.

"B-boyfriend ka ng anak ko??" Kunot noo niyang tanong.

"O-opo."

Kinakabahan si kurt sa sinabi niya baka magalit si sandra.

"Aba, bakit sinabi niyang bakla ka, naku naman. Ang batang 'yon talaga hays, Ginawa ka pang bakla, pag pasensiyahan mo na."

Nakangiti siyang napailing rito.

"Uhm tita, puwede niyo po bang hindi niyo muna sabihin kay sandra sa sinabi ko sainyong boyfriend niya ako?" Aniya.

"Aba, bakit naman? Okay lang naman 'yon sa akin e" nakangiting saad niya.

Ano naman kaya ang ipapalusot ni kurt sa nanay ni sandra.

"Ah kasi po, ayaw niya pong ipagsabi sa kahit kanino. Private relationship daw po ang gusto niya, tita.  Kaya please po, secret nalang po muna nating dalawa." Pagmamakaawa niya.

Bumuntong hininga lang siya bago sumagot.

"Oo sige, hijo, Bakit ba ang tagal ni sandra maligo. Dito ka lang at tatawagin ko siya."

"Ay tita, huwag na po. Hayaan niyo muna siyang mag ayos, saka alas siyete y medya naman palang po. Alas otso pa kami lalabas." Pagpapaliwanag niya.

"Sige kung gano'n, habang nag gagayak pa siya. Mag kuwentuhan muna tayo."

Nagkuwentuhan nga silang dalawa sa sala, tinanong ng nanay niya kung ano ang pangalan niya at sinabi niya ito, ang ganda raw ng pangalan niya. Kinuwento rin ni kurt na galing siya sa mayamang pamilya. Hindi natuwa ang nanay ni sandra baka raw hindi tanggapin ng pamilya niya si sandra dahil mahirap lang daw sila. Walang problema 'yon kay kurt, at hindi rin naman mapili ang magulang niya. Ang pangalan pala ng nanay ni sandra ay kaye. Masaya silang dalawa sa salas habang hinihintay si sandra.
                                                     ♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡●♡
                                                     

Destiny's Love |(On-going)Where stories live. Discover now